You are on page 1of 2

Anomalya sa Phil.

Health

Isang salita, “Korupsiyon”, damakmak na kawawa


Yan ba ang hangarin ng mga pinunong lubos na pinagkatiwalaan?
Hindi ko ito ginustong maramdaman bigla
Pero ako’y sadyang napagod na

Walang kwenta ang mga pinuno!


Mga kababaihan, kalalakihan o mga kabilang sa LGBT community,
Magandang umaga at nakatayo ako sa inyong harapan upang italumpati kung bakit sa tingin ko,
Walang kwenta ang mga namumuno.

Tayo ngayo’y namamangka sa alon ng pandemya,


Libo libong tao’y nagdurusa sa kanyang parusa,
Ngunit nasan ang mga matatamis na pangako noong kayo’y tumatakbo
Pangakong napapako at tuloy kami’y napako sa tamis ng iyong mga salita.

Ika’y muling nangako na pananagutin mga taong tiwali,


Kami’y umaasa sa panibagong umaga,
Ngunit nasaan na ang bagong umaga,
Ito ba’y isang bangungot lang?

Anomalya sa Phil. Health nasaan kana?


Kasama kana ba sa tinabunan ng dolomite sa Manila Bay?
Ito ba ay isang palabas upang tayo ay mag paka bulag at bingi na lamang?
O ako’y mananalangin nalang upang kaluluway magparamdam

Mga pinuno ng Phil. Health kung naririto man kayo pagalawin niyo naman ang baso,
Yan ba ang gustong gawin ng taong bayan sa inyo?
Maliitin, kutyain, at gawan ng mga aksyong di ninyo gustong gawin.

Pagod na ang tao sa kakahintay ng pagbabago,


Pagod na rin na mabuhay sa mundong ito,
Kaya ang iba nagpapakamatay na lamang,
Upang problema mababaon na lang sa libingan.

Talaga bang sa aparatong iyan masusolusyonan ang lahat ng sakit?


O yan ang sulosyon sa bulsa ng mga taong tiwali!,
Na saksakan ng ganid, saksakan ng luho na libo libong tao ang nagdurusa.
Tao’y naghihigpit sinturon na makatawid lang sa agos ng alon na dala ng pandemya,
Damakmak na babayarin pinapataw masigurado lang na sila’y may masasandalan
Sa oras ng pangangailangan.

Kaibigan gumising ka, magpakatotoo tayo,


Ang mga pinuno ngayon ay walang kwenta,
Wala silang ginagawang makabuluhan.
Oo merong mga parte ang gumagawa ng kanilang tungkolin,
Dahil ang kanilang hangarin ay muling makita ang bagong umagang darating.

Ngunit itong mga namumuno sa Phil. Health nasa kanilang ginto tahanan,
Walang ibang ginagawa kundi magpakasasa,
Mag scroll ng kanilang social media, magsagawa ng ibang pamamaraan,
Na kunwari ay concern sa taong bayan.

Iisang salita, “Korupsiyon” ngunit damakmak na nagdurusa,


Salitang pumapatay sa mga pusong umaasang muling mabubuhay,
Napakatagal na itong lantarang ginagawa,
Bakit ngayon lang ito nakita?
Ke dami ng pinuno ang namuno
Ke dami ng pera ang nabulsa,
Ke dami ng tao ang nag durusa.

Hanggang kailan, hanggang saan,


Ang paghihirap na ito?
Gising na mga mahal naming pinuno.
At wag nang magpapasilaw sa gintong salapi,
Dahil tayo ay pinapagalaw, inuutusan at dinidiktahan.

Wag ng hintayin pa na konsensiya ang magparusa,


Galaw, galaw na kaibigan ko tayo na sa pagbabago,
Walang mawawala sayo kung tayo ay magtutulungan,
Sama-sama nating puksain itong katiwalian,
Sama-sama tayong harapin ang bagong pag-asa.

Muli, magandang umaga at maraming salamat sa pakikinig.

You might also like