You are on page 1of 3

DESKRIPTIBO

TAKIP MATA
ni Reyward Felipe

Malinaw naman ang iyong paningin ,pero bakit hindi alam ang tunguhin,
malinaw naman ang iyong pandinig ,bakit mali ang inyong narinig. Tignan natin
ang nangyayari sa mundo. Napakaraming inaapi’t inaabuso. Ito ba ang gusto
nating matamo? Ito ba ang gusto natin mangyari sa kapwa pilipino?Gumsing
kayo ! Imulat ang mata niyo, lakasan ang loob at magpakatotoo , pulutika,
relihiyon,at media ano ang nangyari sa inyo?

Pinaikot lang ang sambayanang pilipino, ginagawang mang mang , nang sa


ganun magpatuloy ang mga masamang motibo. Pulitiko?Maliit lang ang sahod
ng mga yan pero sa kampanya milyon ang kayang gastusin , nangangako ng
edukasyon, kalusugan . Pero ang totoong proyekto? Libreng sound system at
tarpulin .Relihiyon? Yan ang dahilan kung bakit nagkabuklod buklod ang mga
pilipino at nagkalabo-labo .Media? Yang ang isang bagay na may dalawang
mukha . Kaya ka niyang gawing mabuti at kaya ka rin nyang gawing masama.
Media ang boses ng sambayanan . Totoo, noon, pero ngayon hindi na, malaking
tulong sana ang media kung hindi nasisilaw sa pera.
Dalawang utak na tila magkaiba ang pananaw. Isang ilaw na mulat sa
katotohanan , isang haligi na siyang bulag sa mundo.Huwag natin kalimutan na
ang kasamaan at kasakikaman ng isang pinuno ay hindi mananaig kailanman.
Ang mga mulat sa katotohanan upang ibunyag ang baho ng kaharian. Maging
mulat sa katotohanan ating bukasn ang isipan, isang tabi ang kinagisnan, upang
dito tayo dalhin ng kapayapaan.
PERSUWEYSIB
GRADO
ni Reyward Felipe

Kamusta ang panimulang laban? Grado mo ba’y positibo? o hindi ka naman


pasado? Nagbunga ba ang iyong pagsusumikap? o tinatamad ka nang
mangarap . Bahala na naman si Batman o gagawa ka ng paraan. Ano namang
pangako sa sarili mo ang iyong gagawin? Pero sa huli hindi mo naman
tutuparin , ganito nalang ba taon taon o pagbabago kailan mag kakaroon.
Gradong hindi pakahulugan ng pagkatao , hindi rin basehan ng halaga mo , pero
kuntento kana ba dito? Na ang iyong binibigay sa iyong ama’t ina , marka na
hindi kapantay ng paghihirap nila.

Pag-aaral na paraan upang matakasan ang kamang mangan , kay bawat


isa’y lumalaban para maabot ang pangarap. Pangarap na nagsilbing daan
inspirasyon upang mas magpursiging lumaban, sa agos ng buhay mahirap man
kailangan igapang huwag mong sayangin ang binigay sayong pagkakataon nasa
huli ang pagsisisi. Lumakad sa tamang direksyon .Kahit hindi ka matalino gaya
ng iba. Huwag mong isipin na wala kang magagawa. Kailangan mo lang ng
sipag at tiyaga . Determinasyon , pagmamahal at pagpapahalaga sa bagay na
iyong ginagawa.

Bago ka tamarin, sana iyong uunawain sa bawat baon na matatanggap mo.


Kalakip nito ay pawis at sakripisyo . Kaya bago mo sabihin bawi nalang sa
susunod, ikaw muna ay mag matiyag at manood mapapansin mo na ang
pangarap mo ay pangarap nila. Masarap umakyat sa entablado na may bit bit na
panalo, sapagkat maganda , itong regalo sa nagsumikap na magpa-aral sayo .
Kabataan gumising ka, gawin ang nararapat ,sapagkat alam mo yun ang dapat.
ARGUMENTATIBO

TERROR LAW ? SAAN ANG PANIG MO?


ni Reyward Felipe

Anti terror law na siyang makatutulong upang mabawasan ang kriminalidad


sa bansa . Ngayon bago ka magsimula ating alamin muna kung ano ba ang
batas na ito at kung bakit maraming hindi sang ayon dito? Maraming nagdaang
administrasyon at ang terorismo na ating di makakalimutan ay naganap sa
admnistrasyon ni Pangulong Ninoy Aquino kung saan namatay ang 44 na
sundalo at sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay napagpasyahan
na ipapatupad ang anti-terrorism law bill na naglalayong mapuksa lahat ng grupo
at organisasyon na nagsasagawa o nagpapaganap ng terorismo . Ngayong
maraming pilipino ang syang tumutol sapagkat sa kanila ay maaring abusuhin ng
may kapangyarihan ang panukalang ito kahit sino ay pwedeng makasuhan ng
pagiging terorista ng walang paglilitis.
Para sa akin

You might also like