You are on page 1of 3

LATHALAIN ONE

“ WANTED: ONLINE ASAWA?”

Umibig,Tumangis,Nasawi.

Umibig. Kung ang dalawang puso ay labis na nagmamahalan. Hahamakin ang lahat. Ngunit ano nga ba
ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Kaya mo nga bang magsakripisyo,sumugal at kumalas sa
nakasanayan. Gaano kalalim ang sakit na kaya mong tiisin, masiguro lamang ang kapakanan at
kaligayahan ng iyong tinatangi. Handa ka bang isugal ang iyong lunggati,buhay at higit sa lahat ang sarili.

Tumangis. Kalinaw ang dapat dala ng pag-ibig ngunit bakit dulot nito ay agam-agam? May kalakip na
sakit ang bawat pagngiti. Ang aliwalas ay may kalakip na pagdilim. Mga luhang dulot ng pagkahapo’t
hinagpis ay tila isang timpla ng kape,puno lamang ng pait. Ang pagpatak ng maligamgam na likido sa
mga mata’y tila unti-unti ring winawasak ang mundong sabay nilikha.

Nasawi. Mayroong mga bagay na hindi maaari sapagkat kung ito ay patuloy na ipipilit ikaw lamang ang
magdurusa at masasawi. Ipinagkaloob ang pagkatao ngunit lampas ang kinuha sa iyo. Hindi madama ang
init sa paghaplos manhid na nga ba o napagod lamang. Hindi na kumakalma sa tuwing silakbo ay
nadarama. Ang matindi pa pagbabalat-kayo lamang pala ang hinayag na pag-irog. Akala’y ikaw ay isang
anghel ngunit isa ka pa lang hangal, panulay.

Biktima ng tinatawag na Human Trafficking ang isa na’ting kababayan. Itago na lamang natin siya sa
pangalang Anna Marie. Nakilala ng naturang biktima ang isang banyaga sa isang Dating App. Na
kalaunan ay kaniyang naging asawa. Naging maayos ang kanilang pagsasama ngunit lingid sa kaalaman
ng biktima may lihim na pagkatao ang kaniyang katipan. Matapos ang kasal nanirahan sila sa bansang
sinilangan ng kaniyang asawa. Kalaunan unti-unti nitong ipinakita ang kaniyang tunay na pagkatao. Balak
pala nitong ibenta ang kaniyang hubad na larawan sa kalalakihan roon. Pinagsamantalahan,inabiso man
ang kaniyang kahinaan. Mapalad pa rin si Anna Marie dahil mayroong ahensiyang pamahalaan na
tumulong sa kaniya upang lutasin ang dilubyong hatid ng kaniyang dating asawa.

Napakasakit ispipin na ang iyong katipan pa mismo ang siyang sisira ng tiwalang minsan mo lamang
ipinagkaloob. Mahiwaga ang pagmamahal subalit sa kabila nito ay may kirot na panghabang buhay.
Bagkus na maghimutok sana’y magsilbi itong paalala at aral sa pagpili ng taong hihaharap sa ating poong
may kapal. Sana’y lubos muna na’ting kilalanin ang taong ito. Piliin ang siyang magbibigay ng ginhawa sa
gitna ng kahirapan. Ang siyang magbibigay ng pag-ibig,halaga,pag-iingat at higit sa lahat ay respeto.
Sapagkat ito ang pinakamahalagang taglayin ng isang lalaking tunay kang liyag.
LATHALAIN TWO

“Kanlungan sa gitna ng pagkalunod”

Balak mo bang manirahan sa ibayong dagat?

Dumarami ang naghahangad na makaahon sa kahirapan. Sino nga bang hindi magnanais na matungtong
ang rurok at matamasa ang marangyang buhay. Magkaroon ng mamahaling kasuotan at matikman ang
iba’t ibang putahe saan mang panig ng mundo. Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging ambisyoso.
Tila isang saranggola, matayog at hindi matitinag gaano man kalakas ang ihip ng hangin. Kaya’t ano
mang pagsubok ay kayang lutasin.

Kahit pa ang mangngi-ibang bansa ay aliwas sa nakasanayan at kinalakhan. Hindi nito mawawakasan
ang pakikipagsapalaran. Nitong ika-8 ng Marso taong kasalukuyan. Pumarito sina Bb. Jennifer C. Ventura
at G. Ariel T. Cruz, mga kawani ng Komisyon sa mga Pilipino sa Ibayong Dagat o (CFO) upang maghatid
ng mga bagong kaalaman sa mga mag-aaral ng DEGMNHS. Layunin ng symposium na magbigay ng
paalala at mga dapat isaalang-alang bago manirahan sa ibang bansa. Nabanggit rin sa nasabing
pagpupulong ang mga hakbang at mga kailangang seminars tulad ng Pre-Departure Orientation
Seminar,Peer Counseling Program at marami pang iba.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ginhawa lamang ang dala ng pakikipagsapalaran,mayroong mga


pagkakataong susubukin ka ng panahon. Lilinlangin at pagsasamantalahan ang iyong kahinaan. Ito ay
Human Trafficking. Kaya’t ang tanging adhikain ng CFO ay mapanatili ang kaligtasan, karapatan at
kapakanan kasabay ng pagtulong na palakasin ang ugnayan ng mga kababayan nating imigrante at ng
inang bayan.

Hindi biro ang mga sakripisyo ng ating mga Pilipino sa ibang bansa. Kaya’t malaking tulong sa kanila na
mayroon silang katuwang sa pagsugpo ng mga hamong pumipigil sa pagkamit ng mithiin. Mayroong mga
ahensiya at kawani ng gobyerno na handang lutasin at pakinggan ang mga hinaing at hinagpis dala ng
pagnanais na makaahon sa pagkalugmok. Ngunit kahit saang lupalop man ang marating nawa ay hindi
pa rin makaligtaan ang bayang siyang dahilan ng pagkamit ng luganggati minsa’y inasam.

You might also like