You are on page 1of 1

Buhay sa di pantay na timbangan

Namumuhay ka ba sa matamis na kasinungalingan?

the truth is both a chain and a key. it frees your fantasy but locks you to swallow a bitter reality

Nakapiring ang mga mata at hawak ay timbangan. Ito ang pagsasalarawan sa hustisya
ngunit tila nasisilaw ito sa ningning ng pilak o di kaya’y mas matimbang ang may kapangyirahan.
Sarado ang palad sa mahihirap at bingi sa hinaing ng lipunan. Maraming nagnais na maka-upo
upang maglingkod sa bayan ngunit tila paurong ang pag-unlad kaysa pasulong sa pagkaka-isa.

Ang ilan sa ating mga kababayan ay namumuhay ng may kasaganahan ngunit ang
nakararami ay lugmok sa kahirapan at pagsubok sa buhay. Pilit nating iwinawaksi sa ating isipan
ang mga katotohanan na ito. Nakapinta sa ating labia ng matamis na ngiti ngunit mapanglaw na
mga mata. Ito ba ang mapait na katotohanan, ang handa tayong mamuhay sa kasinungalingan?

Mailap ang katotohanan sa buhay ng mga Pilipino. Marami ang pilit na kumakayod sa kabila
ng kahirapan at gagamit ng pulbos at kolorete sa muka upang matakpan ang luha sa mata. Marami
ang umaasa na makamtan ang hustisiya ngunit tila nakikipaglaro ng tagu-taguan. Marami ang
nakakikita ng walang habas na pagpatay sa moralidad ng tao ngunit takot ang dilang magsabi na tila
baga pipi sa katotohanan.

Sa aking sariling pananaw, ako man ay nahaharap din sa katotohanang minsa’y mas pinipili
kong itago ang katotohanan at ipakita ang muka ng matamis na kasinungalingan. Sa pagtanggi ko
na ito naapektuhan mga taong nasa paligid ko at pati na rin ang aking layunin. Pagiging tapat sa mg
gawa at ipaglaban parati ang tama.

Pero hindi naman talaga tayo bulag sa katotohanan, mas pinili lang nating mag
bulagbulagan . Dahil sa takot nating makasakit o di kaya ay masaktan . Kahit namamalas na sa
dalawa mga mata ang katotohanan pilit paring pinapaniwala ang sarili sa kasinungalingan sapagkat
minsan mas mainam nang pinapaniwala ang sarili sa kasinungalingan kaysa harapin ang realidad,
aminin man o hindi, tayong lahat ay isang malaking duwag . Duwag na tinatakasan ang katotohan at
mas pinipiling manatili sa kasinungalingan.

Ang katotohanan ay pawang isang sisidlan. Tayong lahat ay nabigyan ng sisidlan na


kailangang palaguin at alagaan. Ito ay nasusubok at pinapapatatag ng panahon at tayo ang siyang
nangangalaga nito. Huwag nating hayaang manakaw ito bagkus ay ipaglaban at pangalagaan.
Sa pagtatapos, Ninais man ni Ben Zayb na makita ang daya sa mahika ni Mr. Leeds, siya ay
datapwat nabigo, sinubok pa rin niyang alamin ang katotohanan. Nawa tayong lahat ay maging
katulad ni Ben Zayb na nais malaman ang katotohanan at mapabulaanan ang ‘di tama. Magtulungan
na pangalagaan at ganap itong makamtan. Subukin nawa nating alamin ang tama at katotohanan at
huwag magmukmok sa kasinungalingan. Ang tanging makapagpapalaya sa ating bansa ay ang
katotohanan at tayo ang siyang magnining na tala para sa ating kapwa at sa bayan.

You might also like