You are on page 1of 2

ANG BAGONG BAYANI

(MARICHU) Frontliners? Bagong bayani?


Sino nga ba sila?
Mga kapang kulay puti ang namamayagpag sa kalabang hindi nakikita
Mga tinaguriang bayani sa pandemyang nananalasa nang ilang buwan na sa ating bansa
Sino nga ba sila? May super powers ba? May anting anting ba? Ano nga ba ang aking kakayahan
nila? Ilan yan sa mga napapanahong tanong ng mga bata sa nakakatanda

(GENEIBETH) Halina't kilalanin ang bagong bayani ng ating bansa. *tentenenententen*


Doctors, nurses, medical practitioners, medical stuff at marami pang iba... Ilan lang yan sa mga
taonga araw-araw binubuhis ang buhay para sa kanilang sinumpaan
Ang tungkulin minahal na at hindi kailan man dapat talikuran, ang serbisyo na puso ang puhunan at
hindi kalian man mahahadlangan kahit ilang pandemya pa ang magdaan

(HAZEL) Oo sila yun, sila yung mga taong hindi alintana ang dagok at sakit na pwedeng makuha
habang nagbibigay serbisyo.
Oo sila yun, yung mga taong nagsasakripisyo kahit mismong kalusugan na nila ang delikado.
Oo sila yun, ang nagpapakapagod para lang masigurong ligtas kayo.
Oo sila yun, ang walang sawang naghahatid pag-asa at buhay para sa ikakabuti ng mga tao
At Oo sila yun, sila yun, ngunit huwag nating kakalimutan na sila rin yun,
Ang isang ama, ina, kapatid, at anak ng isang yunit ng lipunan, ang isang miyembro ng pamilya na
nagtitiis na hindi makita at masilayan ang mga mahal nila sa buhay.
Ang nagsasakripisyo para sa buhay ng ibang tao habang sila mismo ang nanlulupaypay sa
pagkabalisa at pagkauhaw sa yapos ng minamahal.

(DANIELA) Ngunit bakit ganon… Imbis na respeto at pagmamahal ang matatangap ay tila
diskriminasyon ang nakukuha ng bawat isa? Bakit pinapalayas sa inuupahan? Bakit iniiwasan? Bakit
sinisiraan? Bakit?
Simpatya ba ng marami ang nais niyo sa pamamagitan nila? Ang akala nyo ba ay makakatulong yan
upang mapuksa ang pandemya? At akala nyo ba ay mas nakakahigit kayo sa kanila?

(ARUMPAC) Hindi yan ang sagot sa panahon ng pandemya, hindi sila nagsasakrisyo para sa
diskriminasyon o pagpapapuri ng iba
Hindil sila nagseserbisyo para sa simpatya ng mga tao sa paligid nila
Hindi sila nagbubuwis ng buhay para sa paggalang o pagtanggap na hinahangad nila
ngunit sana ay tandaan niyo, na nagsasakripisyo sila dahil mahal nila ang kanilang sinumpaang
tungkulin at binuhuwis nila ang kanilang buhay para sa inyong mamamayan na nasasakupan.

(MARICHU) Nais kong buksan ang mata ng bawat isa na…. (*ako* ALL)
(GENEIBETH) Ay walang sawang sumusuporta sa gerang hindi nakikita
(HAZEL) At maasahan niyong sa susunod na laban ay kasama niyo na (*ako* ALL)
(DANIELA) Hindi bilang isang simpleng mamamayan, ngunit isang miyembro na inyong
nasasakupan.
(ARUMPAC) Magkita kita tayo sa susunod na laban..

You might also like