You are on page 1of 2

IBA’T IBANG PITIK NG COVID-19…

“ Curfew starts at 7 in the evening and ends at 5 in the morning.”


“Senior Citizens ug mga Kids below 18,bawal mogawas sa panimalay.Kung molabag dakpon!”
“Mag disinfect,mag –exercise, drink plenty of water, take double dose of Vit.C,etc…”
“ Facemask,Face Shield, Alcohol, social distancing….!”

Naaalala mo pa ba ang mga linyang ito? Na kadalasang naririnig mo mula sa mga awtoridad? 
Ano ang nararamdaman mo kapag naririnig mo ulit ito?

Lahat tayo’y nakaranas ng hindi maipaliwanag na damdamin sa tuwing naiisip natin ang dating
sitwasyon ng mundo sa panahon ng COVID-19 pandemic. Sa isang iglap nagbago ang
lahat,nagbago ang takbo ng ating pang-araw-araw na istilo ng pamumuhay. Nanibago tayong
lahat, nag –adjust,nakisama,nakilahok, nakiisa kung ano ang bagong Sistema kahit hindi na
kaayaaya…para sa ating KALIGTASAN…

Sa tuwing naglilibot ang Firetruck sa iba’t ibang sulok ng Bayan ng Kabasalan, upang ipaalam na
nagsimula na ang curfew, ang una mong maririnig ay ang tunog ng kanilang siren na ayon pa sa
tatay ko ay nagdudulot sa kanya ng matinding lungkot,pakiwari raw niya ay may tinatawag ang
tunog na iyon.Ang lungkot na kanyang nararamdaman ay hindi raw niya maintindihan.Nag-alala
akong bigla, baka magkaroon siya ng depresyon…

Isang linggo, dalawa,hanggang umabot ng buwan at talagang nagtagal… Akala natin mawawala
lng kaagad si COVID pagkatapos ng isang linggo. Akala natin kagaya lang siya ng ordinaryong
sakit.Nasira tayo sa ating mga akala..Hindi pala biro si COVID. Anlaki ng kanyang nagawang
pinsala, sa atin,sa bayan,sa bansa at sa buong mundo.. Andaming naghirap na mga kababayan
natin,apektado sa pagsasara ng iba’t ibang establisiyemento , natigil ang mga recreational
activities., para bang sa kanta, “Tumigil ang Mundo”Araw-araw laman ng balita ang kalagayan
ni COVID mula sa iba’t ibang sulok ng mundo… Minsan ako’y napapaiyak habang minamasdan
ko ang mga wala nang buhay na mga katawan ng ating kapwa na hinuhulog na lng sa hukay, ang
iba ay sinisilaban upang ang virus ay hindi na kumalat, nang dahil kay COVID… nang dahil kay
COVID…

On the other side of the story, ika nga sa Ingles, may naidulot ring maganda ang COVID. Nauso
ang mga plantita at plantito, dumami ang naeenganyong mag backyard gardening, natutong
magtipid ang ating mga kababayan, nakontrol ang polusyon, at nakontrol lalo na ang pagiging
gala ng mga kabataan. Napakatiwasay ng mga daan,walang trapik,walang usok,ang linis-linis.

Kung ikaw ang aking tatanungin, maaari mo bang ibahagi sa akin? Ano ng aba talaga at sino
para sa iyo si COVID-19?
JOPAY…IKAW BA ‘YAN?

“JOPAY,kumusta na ba?,buti ka pa palagi kang masaya…Huwag ka lang mawala,huwag ka lang


mawala… ngayon….”

Kung naririning moa ng linya ng kantang ito, sino baa ng pumapasok sa isipan mo? Huhulaan ko, ang
crush mo, o kasintahan kaya.Maaaring ang kaibigan mo.. Pero sino sa inyo ang naisip kaagad ang na

You might also like