You are on page 1of 1

JAIME C. LAPAZ JR.

Ay 48 taong gulang, pinanganak noong ika-7 ng


enero, ipinanganak siya sa Calubihan, Kabasalan, Zamboanga Sibugay, at ngayo'y
nakatira sa Timuay Danda, Kabasalan, Zamboanga Sibugay. Si Gloria Lapaz at
Jaime Lapaz Sr. ay may anim na anak, limang babae at nag iisang lalaki, at yun ay
si Jaime C. Lapaz Jr. Siya ay nagtapos na may BSIT degree sa Zamboanga City
State Polytechnic College.
Siya ay masipag at mapagmahal na anak. Mahilig siyang mag alaga ng mga
manok, pusa, at aso. Siya ay isang basketball player sa kanyang kabataan, bukod sa
isang manlalaro, siya rin ay mahusay kumanta.
Pangarap niya maging sundalo ngunit sa kasamaang palad, di niya ito naabot.
Sa kasalukuyan, siya ay may piggery at nakapag pundar ng sariling bahay.
Tumutulong din siya sa negosyo ng kaniyang kapatid. Ang hangarin niya ay mas
lumago pa ang kaniyang piggery at negosyo ng kaniyang kapatid, at inaasahang
magkaroon siya ng masaganang buhay sa darating na panahon.

You might also like