You are on page 1of 1

KAPE

Sa isang maitim na ulap ay nagbabadya ang pagbagsak ng isang malakas na ulan.

Ilang minuto pa ay umingay na ang bubong at siya naming lipad ng mga ibon upang sumilong sa mga
kalapit na puno. Lulan ng ulan ang isang masakit na alaala na nakaukit sa kaibuturan ng puso… ang isang
paglisan…

Tinungo ko ang kusina at kumuha ng isang tasa. Manipis ang tinig ng takure na nagpapahiwatig na ang
tubig ay mainit na. Agad na kinuha at nag-ipis sa isang tasang kasinlaki ng kamao. Ilang minuto pa ay
kumurot ang puso at bumigat ang damdamin. Ang paghinga ay naging mahirap habang nagtitimpla ng
kape. Mga kaisipang mula sa nakaraan sa unang higop na nagbabadyang magpakilala muli mula sa
mahimbing na pagkatulog.

Nag-aagawan ang pait at tamis habang nagpupumilit ang gatas na maging balanse ang lasa ng aking
kape. Parang siya at ako dati na nag-aagawan sa laro ng tadhana,na kahit ano’ng pilit ng pag-ibig na
pumagitna sa anumang awayan,bangayan at walang saysay na tampuhan ay magulo pa rin.

Katulad na lamang ng kape na nananatiling mapait…

You might also like