You are on page 1of 2

Gintong Pamana

Mga mata’y namulat


Sa salapi’t yaman ay salat
Tila ba’y pinagkaitang ganap
Ba’t isinilang akong mahirap?

Sa munting salu-salo sama-sama


Sa hapag ay siglang-sigla
Daing tuyo at suka hindi alintana
Kasiyahang dala’y ‘di maipinta.

Sa mga gawain ay magkatuwang


Si kuya kay tatay siya ang timbang
Si ate naman ay kay nanay
Sa gawaing bahay umaalalay.

Kay dilim tuwing gabi


Tanging ilaw ay bituing nakakubli
Ngunit saganang kwento ni ama’t ina
Daig pa’y liwanag sa tawana’t saya.

Aking napagtanto
Ako’y mapalad higit kanino
Isinilang man akong mahirap
Pagmamahal ng pamilya kay sarap.

Pagdadamayan, pagmamahalan
Pamilyang tunay kung kinagisnan
Mahirap man ay nagtutulungan
Gintong pamanang ipagyayaman.
Butil ng Pangarap

Kasabay ng simoy ng hangin


‘di wari ang lamig hangga’t akoy antukin
Tuluyang maglakbay sa alon ng panaginip
Pinipintang nais kay tamis habang naiidlip.

Sa bawat ugong ng eroplano


Sigla’t sulyap ng mga matang maamo
Sabay sigaw ng pusong uhaw
Pangarap ko nga ba’y abot tanaw?

Tuwing makakadaan sa gusaling kainan


Pintig ng dibdib tila nag-uunahan
Gusto ko man ngunit ako’y salat
Aanhin ang lahat sa panahong karapa’t dapat.

Bagkus ay iisipin kong mataimtim


Ang mag-aral at ugaliing manimdim
Butil ng pangarap ay aking ipunla
Bukas ko’y siguradong sisigla.

Mahirap man ang daraanan


Huwag susuko sa adhikaing sinimulan
Sasabay sa huni ng ibong ligaw
Hanggang pangarap ko’y abot tanaw.

Sa isang butil ng pangarap


Taglay ay masaganang hinaharap
Pag-aaral ko’y pag-iibayuhin
Pinipintang nais aking aanihin.

You might also like