You are on page 1of 1

Aldrin Diaros 11-STEM

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Pagsubok ng COVID-19

Noong simula ng paglaganap ng pandemyang COVID-19, ang buhay ko at ng aking pamilya ay


nagbago ng husto. Sa umpisa, tila hindi totoo ang lahat. Ang balitang nagmumula mula sa ibang
bansa ay tila malayo sa amin. Ngunit sa loob lamang ng ilang linggo, ang virus ay dumating at
lumaganap sa aming bansa.

Naging sanhi ito ng maraming pag-aalala at kaba.Ang pag-aalala para sa kalusugan ng aming mga
mahal sa buhay lalo na ang aking pamilya at mga kaibigan, at ang pagsusuot ng facemask at
paghuhugas ng kamay ay naging bahagi na ng aming araw-araw na pamumuhay

Naranasan din namin ang hirap ng paghihigpit sa mga ipinatutupad na lockdown at quarantine
measures.At hindi namin alam kung kailan kami makakabalik sa normal na pumumuhay.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nakahanap kami ng mga paraan upang makayanan ang
hamon.Nagtulungan kami para maging ligtas at malusog ang isa’t isa.At dahil din sa quarantine
nagkaroon kami ng mas malalim na pagpapahalaga sa isa’t isa

You might also like