You are on page 1of 3

JET FRANCIS Q.

PODACA Pagsulat sa Piling Larangan G12-ABM


Ang Paglaganap ng NCOV- 2019

Isang magandang bati sa lahat!


Iba’t ibang isyu ang kinkaharap ng ating lipunan kung kaya’t tayong mga Pilipino ay
dapat na may sapat na kaalaman tungkol dito upang maiwasan ang paglaganap.
Sa lahat ng isyung kinakaharap ng ating lipunan isa rito’y nakakaagaw pansin ay ang paglaganap
ng NCOV-2019 o 2019 Novel Coronavirus na sakit.
Ang NCOV-2019 ay sinasabing nagmula sa syudad ng Wuhan, sa probinsya ng Hubie sa
China. Mahigit ilang libo na ang naaapektuhan ng sakit na ito at daan-daan na din ang
namamatay. Ang sakit na ito ay kumalat at naiulat na rin sa iba’t ibang bansa tulad ng Japan,
Australia, Canada, Malaysia, Taiwan, at marami pang iba.
Ano nga ba ang novel coronavirus? Pinakabagong uri ito ng coronavirus. Ito ay isang
sakit na nakakahawa na nakakaapekto sa respiratoryo ng tao na may karaniwang sintomas ng
lagnat, ubo’t sipon, hirap o problema sa paghinga at malulubhang kaso tulad ng pneumonia,
acute respiratory syndrome, at pagkamatay.
Ang sakit na ito ay lubhang nakakahawa at ito ay nangyayari sa paggitan ng dalawa o
higit pa na taong nakakasalamuha ng malapitan ng taong may dala nito na pedeng mangyari sa
kahit saang lugar.
Ang sakit na ito na nagmula sa China ay naging usap-usapan mula Disyembre 8, 2019
hanggang ngayon at wala pa ring nahahanap na lunas o bakuna laban sa sakit na ito.
Pinakamabuti na maagapan ang mga sintomas o masusing pag-aalaga sa mga may impeksyon.
Ang buhay ng tao ay kayamanan na dapat ay pinapahalagaan at iniingatan. Tiyakin na
ligtas ang ating kalusugan laban sa nakakahawang sakit na ito. Hindi biro ang paglaganap ng
ganitong uri ng sakit dahil ito’y may kakayanang pumatay ng tao.
Bago magtapos ang talumpating ito, sana’y nabigayan ko kayo ng sapat na impormasyon
tungkol sa lumalaganap na sakit na ito. Sana’y ito ay magbigay daan upang lubos tayong mag-
ingat sa pang-araw-araw nating pamumuhay hangga’t ito’y hindi pa nalulunasan. Maraming
salamat at mag-ingat po tayong lahat.
JET FRANCIS Q. PODACA Pagsulat sa Piling Larangan G12-ABM

Ang Estadong Pananalapi ng Pilipinas

Magandang araw sa lahat!


Sa pagkakataong ito, aking ipababatid sa inyong lahat ang kasalukuyang nagaganap sa
estadong pang-ekonomiya o pananalapi ng Pilipinas.
Alam nyo ba na ang Pilipinas ay pangatlo sa Asya na may pinakamabilis na lumagong
ekonomiya? Ito ay ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas noon. Noong nakalipas na taon, ang
ekonomiya ng bansa ay bumagal matapos madelay ang pambansang badyet ng pamahalaan. Iyon
ang naitalang pinakamababang GPD growth ng bansa.
Ang nangyaring badyet delay na iyon ang naging dahilan ng pagkabagal ng paglago ng
ekonomiya.
Mula sa pangyayaring ito, ang mabagal na paglago ng ekonomiya ay hindi masasabing
umuunlad nga ang ating ekonomiya. Hanggang ngayon, alam nating mabigat pa rin ang taas-
presyo ng langis, gayundin ang mga presyo ng mga bilihin.
Sana’y hindi matinag ng mga hamon ang ekonomiya ng bansang Pilipinas na patuloy na
lumalago sa ilalim ng administrasyong Duterte. Umasa tayo na sisigla at yayabong pa ang
ekonomiya ng bansa sa taong ito bunsod ng mga hakbangin pang-ekonomiya ng administrasyong
Duterte.
Maraming salamat sa pakikinig.
JET FRANCIS Q. PODACA Pagsulat sa Piling Larangan G12-ABM
Mas Higit Ang Kagandahan Kaysa Kayamanan

Isang mapagpalang araw sa lahat!


Lingid sa lahat na ang kayamanan ay mahalagang parte ng buhay o pag-mamay-ari
sapagkat mayroon itong taglay na baguhin ang pamumuhay at pagkatao ng isang tao. Ngunit sa
kabilang banda, ang kagandahan ng personalidad ng isang tao, panlabas man o panloob ay isa
ring mahalagang parte ng ating buhay. Ito ay masasabi rin nating isang kayamanan na mas
pwedeng maipagmalaki bukod sa literal na kayamanan o ari-arian.
Ang kagandahan ng personalidad bilang isang tao ay isang kayamang hindi madaling
kumupas, mabago, o manakaw ng sino man. Ito ay kayamanang hindi nangangailangan ng
mahabang proseso bagkus ito’y namamana o napapaganda pa mula sa mga taong ating
nakakasalamuha ng hindi natin napapansin.
Para sa iyo, ano nga ba ang mas matimbang? Kung iisipin, karamihan sa atin na mas
pipiliing maging mayamanan, gayundin naman ang aking gagawin. Ngunit dahil may limitasyon
ang bawat bagay sa mundo, ang pagpili sa kayamanan ay walang kasiguraduhan lalo’t ito ay
hindi natural at ito’y gawa lamang ng tao. Hindi natin alam kung hanggang kailan at saan tayo
dadalhin ng kayamanan. Kung kaya’t tunay na mas mahalaga na ang magandang pagkatao ang
nararapat na pairalin at bigyang pansin. Bakit? Sa lahat ng ating pagmamay-ari, ang ating
pagkatao ang unang nakikita at napapansin ng mga tao, kung paano tayo kumilos, magsalita, at
makipag-kapwa tao. Ang kagandahan ay natural nating nakukuha o taglay mula sa ating
pinagmulan o nakakasalamuha. Ihalintulad nalang natin sa bawat natural na bagay sa mundo
tulad ng dagat, bundok, kapatagan, at iba pang yamang natural, sila’y may kakayanang magtagal
at manatili, magbigay ng biyaya sa mga tao at hayop, at maging katuwang sa hanapbuhay ng
mga tao, kaya di rin malabong magtagal ang natural nating personalidad bilang isang taong
namumuhay na mayroong magandang pakinabang sa bawat nilikha.
Ang kayamanan ay maaaring maging sanhi ng pagkainggit, pagkayabang, at
pagwawalang bahala sa opinyon at nararamdaman ng tao ngunit ang magandang pagkatao ay
taliwas dito. Ang kagandahan ng personallidad ng isang tao ay magbubunga ng pag-ibig,
pagtitiwala, at magandang pakikisama sa mga taong nakapaligid sa iyo.
Kaya sa pagkakataong ito, sana’y naintindihan ninyo ang kahalagahan ng kagandahan
kaysa sa kayamanan. Higit at nararapat talagang mas paunlarin ang kagandahan ng ating
personalidad bilang tao kaysa maghangad ng kayamanang mahirap panatilihin.

You might also like