You are on page 1of 1

Munting mithiin,Ating abutin.

Ako po si Rosalie R. Garlejo isa pong Pantawid


beneficiary sa bayan ng Alicia. Apat ang aking anak at
lahat sila ay napabilang at napasama sa tinatawag na
household roseterlist. Nagpapasalamat ako dahil sa
pagpili niyo sa aking pamilya na maging Pantawid
beneficiary at sobra din po akong nagpapasalamat sa
DSWD dahil sa napakalaking tulong na hinatid para sa
ika aangat n gaming pamumuhay.

Kung aking babalikan ang estado ng aming buhay bago pa man dumating ang programa sa
amin. Maihahalintulad ko ito sa isang gulong na kailangang paikutin ng paikutin marating
lang ang itaas. Ang buhay naming ay kailangang magtrabaho ng magtrabaho magkaroon lang
ng gastusin sa araw araw. Ang aking asawa at ako ay todo pagsusumikap, magawa lang na
hindi magutom ang aming mga anak at maibigay ang kanilang pangangailangan sa pag aaral.

Noong nakuha ako sa programa at maging ganap na beneficiary ay sobra akong nasiyahan
dahil alam kong nagkaroon na ako ng kaagapay upang tawirin ang hirap ng buhay na meron
kami. Sa bawat tanggap ko ng cash grants noon ay lagi kong iniisip ang gamit at allowance
ng mga bata sa pag aaral dahil alam kong sa edukasyon ay isa sa susi upang kami ay umangat
sa buhay. Sinabayan namin ng aking asawa ang program sa pamamagitan ng pagiging
kayod-kalabaw para pa sa karagdagang gastusin at allowance ng mga bata. Kasabay niyan ay
unti unti akong nakapag ipon at nakapagtayo ng maliit na tindahan upang sa ganun ay mas
mabigyan ko ng suporta ang pag aaral ng aking mga anak lalo na’t kolehiyo na ang panganay
noon.

At ayun na nga dahil sa tulong ng programa ay aming napagtapos ang isa sa apat naming
anak sa kolehiyo. Siya si Cherry Lee R. Garlejo, panganay sa apat naming anak. Nagtapos
siya sa kursong Edukasyon at naging aktibo siya sa mga aktibidades ng paaralan at
komunidad gaya ng pagsali sa pageant. Ako ay sobrang nagpapasalamat sa programa dahil sa
napakalaking tulong na ginawa nito sa buhay naming. Binago niya ang isang pamilya na
lunod na sa hirap at hirap na umahon sa buhay. Binigyan niya ng panibagong pag asa upang
umahon sa hirap at tapusin ang kahirapan na pwedeng manahin ng mga anak kung ito ay
hindi matutuldukan. Muli maraming maraming salamat 4P’s, maraming maraming salamat
DSWD.

Prepared by;

John Jander I. Geron

You might also like