You are on page 1of 1

Dear Congressman P.

Salo,
Hello po! Magandang araw po sa inyo! Bago ko po simulan ang aking sulat ay
nais ko lamang po magpakilala, ako nga po pala si John Robert Paler, isang estudyante ng
Inhinyerya ng Nueva Ecija University of Science and Technology, panganay sa apat na anak ni
Janet at Roberto Paler na naninirahan sa Barangay ng Bibiclat, Aliaga Nueva Ecija.
Isa lamang po ang aking adhikain sa pagawa ng sulat na ito, hindi naman po sa
pagiging direkta sa punto ay nais ko po sanang humingi ng tulong sa aking aplikasyon upang
maging isang iskolar ng Kabayan Partylist. Ang pagkakaroon po ng kaagapay ko sa aking pag-
aaral ay isang napakalaking tulong na maibibigay sa aking pamilya sapagkat lahat po kaming
magkakapatid ay kasulukuyang nag-aaral, kung kaya naman ay napakalaking tulong po nito
upang makamit ko po ang aking pangarap na maging isang Inhinyero sa kinabukasan upang
makatulong po sa aking pamilya gayun na rin po sa ibang tao. Ibig ko rin pong paghintuin na sa
pagtatrabaho ang aking mga magulang sapagkat ang aking ama ay binuhos na po ang higit
kalahati ng kanyang buhay sa pagiging isang security guard, ang aking ina naman po ay inilaan
ang mahigit sampung taon na pangangatulong sa ibang bansa upang mabuhay lamang po ang
aming pamilya at maibigay ang aming mga pangangailangan, mahigit isang dekada po ang
aming pamilya na hindi kumpleto sa mga na okasyon kung kaya naman malaking tulong po ang
magagawa ng scholarship sa aming pamilya.
Maging isang inhinyero po talaga ang aking pangarap na propesyon bata pa
lamang po ako, salungat man sa nakasanayan, ako po na isang miyembro ng LGBTQIA+ ay
naghahangad ng ganitong uri ng trabaho balang araw. Tunay nga po na maraming magtataas ng
kilay sa aking tinatahak na landas ngunit nais ko pong patunayan na kami pong mga miyembro
ng nasabing grupo ay may kakayahan din pong pangatawan ang mga propesyon ng mga normal
na tao at hindi lamang po mga salot sa lipunan. Nais ko rin pong patunayan sa lahat ng mga
taong naguusig sakin na ako po ay isang “baklang inhinyero” hindi “bakla lang”.
Ang inyo pong tulong ay taus puso ko pong tatanggapin at pahahalagahan.
Maraming Salamat po sa inyong pagtaguyod sa aking pag-aaral. Muli, Salamat po.

Nagmamahal,
John Robert F. Paler

You might also like