You are on page 1of 10

GROUP 6 - AGRIKULTURA AT PAGSASAKA

Submitted by:
Bustillo, Vrianna Krystel
Franco, Julienne Nicole
Mabilangan, Ladylyn
Peña, Aliah Eunice
Urbina, Kristine

INDUSTRIYA NG KAPE SA PILIPINAS

Mga butong kape ng Liberica mula sa Mindoro.

● Nagsimula ang produksiyon ng kape sa Pilipinas noong 1740.


● Naging isang pangunahing industriya ito sa Pilipinas.

2014:

● gumagawa ang Pilipinas ng 25,000 metrikong tonelada ng kape


● 100,000 metrikong tonelada ng kape na nauubos sa bansa kada taon
● Ang Pilipinas ay isa sa iilang mga bansa na namumunga ng apat na
pangunahing uri ng kapaki-pakinabang na kape; Arabica, Liberica. (Barako),
Excelsa at Robusta.

Mga unang taon

● Kapeng Arabica na baryante sa Kanlurang Java noong 1690.


● Ipinasok na nang palihim ng mga peregrinong Muslim ang butong Yemeni sa
kanlurang India, ang tunay na pinagmumulan ng mga punlang Dutch, at
marahil na ipinakilala ito sa Sumatra.
● Lumago ang pag-inom ng kape sa Timog-silangang Asya at iniugnay sa
kultura ng Islam
● Ipinakilala ang kape sa Pilipinas noong 1730, nang nagtanim ang isang
Franciscanong prayle ng unang puno ng kape sa Lipa, Batangas.
● Itinaguyod ang produksiyon ng kape sa huli ng mga Agustinyanong prayle na
si Elias Nebreda at Benito Varas sa iba pang bahagi ng Batangas gaya ng
Ibaan, Lemery, San Jose, Taal, at Tanauan.
● Naging bahagi ng pundasyon ng ekonomiya ng Batangas at sa kalaunan
pinangalanan ang Lipa bilang kapital ng kape ng Pilipinas.

Paglago sa ika-19 siglo at Paghina noong 1880s-1890s

● 1865, nagkaroon ng biglaang pagtaas ng pangangailangan ng kapeng Filipino


sa Estados Unidos.
● Batangas - Manila - San Francisco. (ang concept po ay parang nagtravel).
● Nagsimula rin ang pag-angkat ng kape sa Europa; kasunod ng pagbubukas
ng Kanal Suez noong 1869.
● 1876, ipinakilala ang kape sa bayan ng Amadeo sa kalapit na Cavite.
● Nanatili ang Lipa bilang pangunahing tagagawa ng kape sa Pilipinas at
naging mas mahal ang barakong Batangas ng 5 beses kumpara sa butong
Java.
● 1880, naging ikaapat ang Pilipinas sa pinakamalaking tagaluwas ng mga
butong kape.
● 1887 hanggang 1889, ang Pilipinas ang tanging pinagkukunan ng kape sa
mundo.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

● 1950, nagpakilala ang pamahalaan ng Pilipinas, na may tulong mula sa mga


Amerikano, ng iba't ibang baryante ng kape sa bansa na mas lumalaban.
● Nagsimula ang produksiyon ng kapeng kagyat (instant coffee)
● Maraming magsasaka ang nagsimulang bumalik sa pagpapatubo ng kape
noong dekada 1960.
● Noong 1980, naging miyembro ang Pilipinas ng International Coffee
Organization (ICO).

Ika-21 siglo

● Ang bean belt at ang nangungunang 20 bansa sa pagbunga ng kape noong


2011 ayon sa FAOSTAT na kinabibilangan ang Pilipinas.
● 2002, ang taunang pagkonsumo ng kape ng Pilipinas ay 75,000 metrikong
tonada. Tumaas ang numerong ito na maging 170,000 metrikong tonada
taun-taon noong 2018. Sa parehong taon, nagsimulang mag- angkat ang
Pilipinas ng kape dahil sa mababang produksiyon ng kape na 35,000
metrikong tonelada taun-taon. Iniaangkat ang halos 75,000-100,000
metrikong tonelada ng pinatuyong butong kape na nagkakahalaga ng ₱7-10
bilyon mula sa Byetnam at Indonesia ayon sa Kagawaran ng Pagsasaka o
Department of Agriculture (DA).
● 2016, ayon sa PhilMech, isang ahensya sa ilalim ng DA, Mindanao ang
nangunguna sa lokal na produksiyon ng mga pinatuyong butong kape.
● Ang Sultan Kudarat ang lalawigan na nagpapatubo ng pinakamaraming kape
sa isla.
● *Cordillera at Calabarzon ay nakaranas ng pagbaba sa bilang o produksyon
ng kape.

Suporta sa Industriya ng Kape sa Ating Bansa

● Ayon sa Department of trade and Industry (DTI), limang rehiyon ang


pangunahing nagpo-produce ngayon ng kape sa ating bansa. Ito ay ang
SOCCSKSARGEN, Davao, ARMM, CALABARZON, at Northern Mindanao.
● 1990s, ang Pilipinas ay pangunahing supplier ng kape.
● Mga balakid na kailangang harapin. Kabilang na dito: ang mababang buying
price, makalumang gawi sa produksyon ng kape, mga puno ng kape na ayaw
mamunga, pati na ng pag-gamit ng mga taniman para sa iba pang binhi at
halaman. Kulang din tayo ng pasilidad para sa produksyon at pag-ani.
● Sa ngayon,meron tayong tinatayang mga 200,000 na manggagawa sa ating
coffee industry. Nanganganib ang kanilang kabuhayan kung hindi bibigyang
prayoridad ng ating pamahalaan ang industriya na ito.
● Kape, na pangalawa sa mga inumin na binibili ng mga tao at pangalawa din
sa pinakamabentang produkto.
● Ang pamahalaan, bilang tagapagtanggap ng ating buwis at ating kinatawan,
ay dapat mabigay kalinga sa sector na ito. Ito ay pagsasa-kongkreto ng
katarungan at tunay na pag-ibig sa kapwa Pilipino.
● Ang katarungan at pagmamahal ang siyang dapat maging giya ng ating
lipunan at ekonomiya.

Pag-unawa sa Paksa:

1. Paano lumago ang industriya ng kape sa Pilipinas?


● Lipa, Batangas
● 1740
● Dalawang Pransiskong prayle, (na parte ng pamilyang Macasaet
diumano)
● Buto ng Liberica, mas kilala sa pangalang Barako.
● Agustinong prayle na sina Benito Varas at Elias Nebreda
● Tanauan, Taal, San Jose, Lemery, at Ibaan.
● Nang makita ng mga taga-Kabite ang tagumpay ng Batangas sa
industriya, nagparami din sila ng mga buto sa Amadeo noong 1876.

2. Kailan at paano naging bahagi ng kulturang Filipino ang kape?


● 1730
● Kastila.
● Ang Kapeng Barako ay binibigyan din ng asosasyon sa mga
Batangueño
● Naging miyembro ang Pilipinas sa (ICO) na nabuo upang tugunan
ang ekonomikong benepisyo ng kape.

3. Ano ang mga suliraning naranasan ng industriya?


● Suporta.
● Mababang buying price.
● Makalumang gawi sa produksyon ng kape.
● Mga puno ng kape na ayaw mamunga.
● Pati na ng pag-gamit ng mga taniman para sa iba pang binhi at
halaman.
● Kulang din tayo ng pasilidad para sa produksyon at pag-ani.

4. Bakit napilitang mag-angkat ng kape ang Pilipinas?


● dahil sa mababang produksiyon ng kape na 35,000 metrikong
tonelada taun-taon. Iniaangkat ang halos 75,000-100,000 metrikong
tonelada ng pinatuyong butong kape na nagkakahalaga ng ₱7-10
bilyon mula sa Byetnam at Indonesia ayon sa Kagawaran ng
Pagsasaka o Department of Agriculture (DA).
Benepisyong pangkalusugan ng kape sa katawan ng tao.

● Ang kape ay mayaman sa caffeine, bitaminang B2 o riboflavin, magnesium, at


iba pang plant compounds. Ang mga ito ay may malaking tyansa ng
pagkakaroon ng benepisyo sa kalusugan ng isang tao.
● Nakapagpapababa ito ng Banta ng Sakit sa Puso
● Nakatutulong din ang Kape na Mabawasan ang Banta ng Diabetes
● Nakapagpapababa rin ito ng Banta ng Alzheimer’s at Parkinson’s Disease
● Ang mga Bantang Pangkalusugang Dulot ng Kape
● Esophageal Cancer
● Cardiovascular Disease
● Iba Pang Problema

INDUSTRIYA NG MANGGA

● Ang Pilipinas ay pang-12 sa pinakamalaking industriya ng mangga sa buong


mundo na may 12% ambag sa produksyon (FAO, 2012).
● Ang mangga ay pangatlo sa mga importanteng prutas sa bansa sunod sa
saging at pinya.

Mga Balakid sa Produksyon ng Mangga

● Sakit at peste
● Hindi magandang nutrisyon ng lupa
● Hindi tamang gamit ng teknolohiya
● Pagkalugi sa ani

Industry Strategic S&T Program (ISP)

● Naglalayon na mapataas ang ani sa 90%. Pababain ang pagkalugi ng 50% ,


at mapataas ang kakayanan ng mga mango growers sa pamamagitan ng
Integrated Crop Management (ICM), Postharvest Quality Management
(PQM), at Good Agricultural Practices (GAP).
● Naglalayon na makapagbigay ng bisyon at direksyon hindi lamang sa mga
nag-aalaga ng mangga kung hindi sa buong sektor ng pagsasaka,
pangingisda, at likas na yaman ng bansa.
INDUSTRIYA NG SAGING

Saging

● Isang mahaba at nakaliko na bunga/prutas, kung saan ito ay tumutubo sa


mga buwis at may matamis at makremang laman at makinis at kulay-dilaw na
balat.
● mula sa genus Musa na may malaki at mahabang dahon at ay may
kaugnayan sa plantain (kulay).
● Isang uri ng kulay dilaw, tulad ng kulay ng isang saging.
● Ang Saging (Musa paradisiaca Linn) ay isang uri ng prutas na masasabing
pinakakilala sa Pilipinas at matatagpuan sa buong bansa.
● Ang Pilipinas din ay isa sa pinakamalaking nagluluwas ng saging sa buong
mundo.
● Isa itong malaking halamang-damo (herb).
● Tumutubo na sa mga bansang tropikal, ito ay nagmula sa Timog-Silangang
Asya.
● Ito ay may taas na umaabot hanggang walong metro ngunit ang karaniwang
laki nito ay mula tatlo hanggang limang metro. Ang mga dahon nito ay
malambot, madulas, hugis pahaba at kulay berde. Ang bunga naman nito ay
may kulay na mula berde hanggang dilaw o pula, at maaaring may haba na
umaabot mula 2 ½ hanggang 12 na pulgada.

Nutrisyonal

● Ang puso ng saging ay ginagamit bilang isang gulay.


● Ang hilaw na bunga ay pinatatamisan at ginagawang kendi.
● Ang saging ay sagana sa bitamina A, B, at C, iron at potassium

Bilang halamang gamot

● Ang batang dahon ng saging ay ginagamit para sa pagbebenda ng sugat


at ginagamit ding pampahid sa sakit ng ulo.
● Sa maninipis na buhok: Ang dagta ng puno ay ipinapahid sa anit.
● Ang nilutong bulaklak ng saging ay ginagamit naman bilang lunas sa
diabetes.
● Ang dagta naman ng bulaklak ay ginagamit para sa pananakit ng tenga.

Iba pang gamit

● Ang hibla ng halaman ng saging ay ginagamit sa paggawa ng papel at


damit.
● Ang dahon ay ginagamit naman bilang pambalot sa mga pagkain.
Pag-unawa sa Paksa

(a) Ano ang 12 uri ng saging sa Pilipinas?


1. Lakatan
- Ang lakatan ay masasabing ang pinaka karaniwang saging.
- Pinakamahal na bungkos.
2. Latundan
- Sinasabing pinaka karaniwang sa mga uri ng minatamis sa buong
Pilipinas.
- Mas mataba na anyo at mas patulis na hugis sa dulo.
3. Saba
- “Pinakaimportanteng cultivar o uri ng pananim”
- Makikita ito sa maraming lutong Filipino katulad ng pochero o banana
cue, at mga produkto tulad ng banana ketchup.
- Ang kanilang "puso", maaari ding lutuin.
- Hindi gaanong matamis.
4. Señorita
- Mas maliit ang sukat kumpara sa ibang saging.
- Ito ay may dilaw-kahel na kulay sa balat na walang panloob na linya.
5. Lagkitan / Botolan
- Karaniwan ito sa Southern Tagalog Region.
- Maaaring kainin ng hilaw o luto.
- Maaaring makakita ng mga buto paminsan-minsan sa mga sentro ng
saging.
6. Cavendish
- Nagkakaroon ito ng mga batik na parang pekas, habang ito ay
nahihinog.
- Ito ang may "pinakamalinis" na hitsura kapag nasa tamang
pagkahinog.
7. Bulkan
- Mayroon itong mas bilugan na pangkalahatang hugis lalo na sa dulo.
8. Inabaniko
- Kahawig ng isang saradong kamao ng tao na may mga kumpol ng
mahigpit na nakaimpake na mga daliri.
9. Morado
- Mas karaniwan itong makikita sa mga lugar tulad ng Mindoro at
Baguio.
- Maaaring tumagal ng mas mahabang panahon upang mahinog.
10. Utungan
- Ang pangalan nito mula sa kung paano ang mga tip nito ay malapit na
kahawig ng utong.
11. Bungulan / Bunguran
- Nagsisimulang berde ang bungulan at nananatiling berde, kahit hinog
na.
- Mabilis rin itong mahinog.
- Pinakamainam na sangkap sa paggawa ng banana bread.
12. Tindok
- Inilarawan na ang pinakasikat na plantain sa Pilipinas. Ito ay
napakalaki, mahahabang piraso.

(b) Ano ang pagkakaiba ng high land banana sa low land banana?

● Ang highland banana ay mas matamis kumpara sa lowland banana. Dahil


malamig sa gabi, ang tendency ng highland banana nanghihina ang
metabolism kung kaya’t matagal ang maturity nito. ito ay tumatagal ng isang
taon. Dahil tumatagal ang maturity ng highland banana.

(c) Anong uri ng saging ang iniluluwas natin sa ibang bansa? Saan nagmula
ang pangalan nito?

● Ang saging na iniluluwas ng bansang pilipinas papuntang ibang bansa ay


tinatawag na cavendish. Ito ang uri ng saging na medyo kahawig ng lakatan
pero mas malaki. Ang cavendish ay nagmula kay William Cavendish ang
pang anim na duke ng devonshire sa UK.Williams ay isang cultivar ng
malalaking uri ng cavendish.Ito rin ay ang may pinakamalawak na palakihan
ng mga cultivars sa commercial plantation.

(d) Ano ang mga risk o panganib sa industriya ng saging?

● High Capital
● Heavy management
● Sakit sa lupa - Panama Disease

(e) Ano ang suckers at cultivars? Paano ito nagkaiba?

● Ang suckers ay ang mga supling ng halaman samantalang ang cultivars


naman ay nagmula at lumaki sa laboratoryo. Maraming benepisyo ang
makukuha mula sa cultivars kaysa sa sa suckers. Madali rin maalis ang mga
sakit, bacteria at fungus sa cultivars. Ang suckers naman ay ang kadalasan
ginagamit dahil ito ay mas mura at madaling makita sa mga taniman.

(f) Paano inihahanda ang lupang taniman ng saging?

● Bago magtanim ng saging, ang lupang taniman ay inaararo muna. Sinisiguro


rin na walang mga damo at bato sa taniman. Dapat din mataba ang lupang
pagtataniman sapagkat kailangan ng saging ng nitrigen, phosphorus, at
potassium. Maaari na itong taniman kung nagawa na ang mga dapat gawin.
INDUSTRIYA NG NIYOG

Niyog

● Tinaguriang tree of life.


● Nalilikha mula sa niyog ang hindi bababa sa 30 uri ng produkto na pawang
malakas sa merkado.
● Sa Pilipinas nagmumula ang 60 hanggang 80 porsiyento ng coconut oil na
ginagamit ng buong daigdig.
● Ito ay malaki at mahalagang bahagi ng ating agrikultura, ekonomiya at
kabuhayan.

Dahilan ng paghina ng industriya ng niyog

● kakulangan sa pangangalaga sa mga puno at lupang taniman


● malawakang pagputol ng puno upang gamiting coco lumber, land conversion
at mga kalamidad.

Senate Bill 450


● inihain ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada sa
kadahilanang humina ang industriya ng niyog.
● magpapalakas sa kasalukuyang Republic Act 8048 (An Act Providing for the
Regulation of the Cutting of Coconut Trees, Its Replenishment, Providing
Penalties therefore and for other Purposes).

Pangunahing probisyon ng panukala


1. paggamit ng tulong ng mga eksperto para sa tamang pagtatanim, pag-aalaga
at pag-aani ng niyog
2. paghihigpit sa pagputol ng punong niyog
3. nararapat na magtanim ng hindi bababa sa dalawang bagong puno ng niyog
kapalit ng bawat isang puputulin kung ito ay masyado nang matanda, hindi na
productive o may sakit na
4. pagtatanim naman ng hindi bababa sa limang bagong puno kapalit ng bawat
isang puputulin kung ito ay gagamitin bilang coco lumber

Coconut farmers: Sawana kami samgapangako

“Coco Farmer’s Trust Fund, Ipasa! Isabatas!”


● sigaw ng 75 magniniyog sa harap ng Malacañang noong ika-10 ng Abril
● Isinigaw ito ng mga manninyog upang kondenahin ang pag-veto ni Pres.
Rodrigo Duterte sa Coconut Farmers and Industry Development Bill at
Philippine Coconut Authority (PCA) Bill
Coconut Farmers and Industry Development Bill at Philippine Coconut
Authority (PCA) Bill
● ang susi sana upang tuluyan nang maipamahagi sa mga magniniyog ang
coco levy fund. Ang coco levy fund ay nagkakahalagang 75 bilyong pisong
buwis na siningil sa mga magniniyog noong panahon ng Martial Law na
ipinangakong gagamitin sa pagpapaunlad ng industriya ng pagniniyog sa
bansa.
● Ang consolidated version ng dalawang ito na resulta ng isinagawang
bicameral conference meeting ay isinumite sa pangulo noong Agosto 2018
upang pirmahan. Ngunit pagkatapos ng ilang buwang paghihintay, muli na
namang binigo ang mga magniniyog nang iveto ng pangulo ang mga
panukala nitong Pebrero ngayong taon.

Coco levy
● Issue na sumasaklaw sa iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao na
nararanasan hindi lang ng mga magniniyog ngunit pati ng kanilang mga
pamilya, partikular sa karapatan nila sa pag-unlad.

Kasaysayan ng Coco levy

● isyu na sumasaklaw sa iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao na


nararanasan hindi lang ng mga magniniyog ngunit pati ng kanilang mga
pamilya, partikular sa karapatan nila sa pag-unlad.
● Nagsimula nung isabatas ang Republic Act 6260 o Coconut Investment Act
ng dating Pres. Ferdinand Marcos.
● Pinatawan ng buwis ang bawat magsasaka sa halagang PhP 15 hanggang
PhP 60 kada 100 kilo ng kopra na siyang bumubuo sa 15-30% sa kita ng
isang magniniyog.
● Milyon-milyong magniniyog ang kinolektahan ng coco levy nang siyam na
taon at umabot ang nakoletang buwis sa 71 bilyong piso. Sa kasalukuyan,
ang pondo ay lumaki na sa 75 bilyong piso.
● Nagbago ang lahat nang ipasa ni Pres. Marcos sa mga Cojuangco at Enrile
ang pangangasiwa sa pondo sa pamamagitan ng Presidential Decree 146.
● Ginamit pa ang pera upang magtayo ng monopolyo na maglilimita sa mga
magniniyog sa pagkokopra at magpapahirap sa kanila at ng kanilang mga
pamilya.

Limang Dekadang Pakikibaka


● Dito nangyari ang pagmartsa ng 71 na magniniyog mula Davao patungong
Malacañang noong September 21, 2014 upang bawiin ang 71 bilyong coco
levy fund sa loob ng 71 na araw. Ito ay pinangunahan ng Kilos Magniniyog
(KM), isang koalisyon ng mga organisasyon ng magniniyog sa buong bansa.
Isingawa ito upang mapressure ang mga gobyerno.
● Ito ay naging mitsa ng pagbigay pansin ng pamahalaan sa mga hinaing ng
mga magniniyog na nagresulta sa pagkakapasa ng Coconut Farmers and
Industry Development Bill at PCA Bill pagkatapos ng tatlong serye ng
pagdedebate sa Senado at sa Kongreso.

Bakit kailangang maipamahagi na ang coco levy sa mga magniniyog?


● Rodrigo Cayao, 27, Palawan
● Apolonio Lumen, 47, Samar
● Zuharto Agao, 57, Cotabato

Panawagan ng mga magniniyog

● Kilalalanin ang ating ugnayan.


● Huwag iboto ang mga may sala sa mga magsasaka.
● Makiisa sa kanilang kampanya.
● Sa 18th congress, ipasa ang coco farmers trust fund, ang bersyon ng mga
magniniyog.

Opening Statement of Sen. Kiko Pangilinan

Kinamkam ng gobyerno ni Marcos ang pondo na galing sa pawis at hirap ng ating


mga magniniyog sa pamamagitan ng:

1. Pagmanipula sa presyo ng bentahan ng kopra


2. Pagkuha ng hanggang anim na pung piso sa bawat isandaang kilo ng kopra
sa unang bentahan
3. Pagkamkam at basta-bastang paggamit at paggastos sa nakolektang levy,
nawariba ay sakanila ang perang ito

Napakalaki ng industriya ng pagniniyog dahil binubuo ito ng mahigit 300 milyong


puno ng niyog na nagbubunga ng halos 15 bilyong bunga ng niyog kadataon ngunit
ang industriya ay umiikot sa pagkokopra.

Kopra

● Pinatuyong laman ng niyog.


● Isa ito sa mga pangunahing sahog sa paggawa ng coconut oil.
● Nagluklok sa niyog bilang pangunahing produktong pang-agrikultura na
kumikita ng dolyar sa bansa.
● Higit 3 milyong maliliit na magniniyog na bumubuo sa 92% ng manggagawa
ng industriya ng niyog ang nakikinabang.

You might also like