You are on page 1of 12

Kung Hindi Matamis ang Milk Tea… Bibili ka pa rin ba?

Nina
DAGU-OB, JEMUEL ABNER A.
HA, EUNSEO (ADELENE) K.
MONTINOLA, TRINO L.
PINEDA, ALFONSO ARTHUR A.

ABSTRAK

Kapuna-puna ang patuloy na pagkahumaling ng sangkatauhan sa pagpasok ng Milk Tea sa


pandaigdigang merkado. Sa Asya, partikular sa Timog-Silangang bahagi, matatagpuan ang
pinakamalaking ambag sa pagkonsumo ng produktong ito. Walang habas ang pag-akyat ng
popularidad ng inuming ito sa Pilipinas. Layunin naming iungkat ang ugat nito. Ginamit
naming basehan ang mga tekstong may kinalaman sa pagluwas ng mga produkto ng Pilipinas
sa kasagsagan ng pananakop ng Espanya. Ayon sa nakalap na datos, sagana ang Pilipinas sa
tubo o sugar cane (Saccharum officinarum) sapagkat mainam ang klima ng bansa para sa tanim
na ito. Kalaunan sa pagdating ng mga Espanyol ay naging pangunahing prodyuser ng asukal
ang Pilipinas sa Asya mula 1775-1779 dahil sa mga tinurong teknik ng mga dayuhan para sa
maramihang produksyon ng asukal mula sa tubo. Makikita ang kahalagahan ng pag-aaral na
ito sa pagtukoy kung nakaugat ba ang kahiligan ng mga Pilipino sa matatamis na pagkain at
inumin sa impluwensya ng mga dayuhan. Binigyang-katwiran ng pananaliksik ang nosyon na
ang mga trend ay may may historikal na pinanggalingan, at may magkakaibang shelf life.

Susing Salita: Milk Tea, Asukal, Impluwensya, Kolonisasyon, Pagluwas, Export, Sugar Cane
(Saccharum officinarum)

BALANGKAS NG SANAYSAY SALIKSIK


1. Pagpapakilala
2. Ang Kalagayan ng Milk Tea sa Pandaigdigang Sukatan
a. Aspektong Ekonomiks ng Milk tea
3. Ambag ng Asya sa bentahan ng Milk Tea
a. Kasaysayan ng Milk Tea
b. Kontribusyon ng Timog-Silangang Asya
4. Pahapyaw sa mga inuming Pilipino
5. Salik na nakakaapekto sa pagkahilig ng Pilipino sa Milk tea
a. Anatomiya ng Milk Tea
b. Bakit Milk Tea?
6. Bakit ang hilig natin sa matamis?
a. Heograpikal at Agrikultural na Pilipinas sa panahong pre-kolonyal
b. Maramihang produksyon at kalakalan ng asukal na pinangunahan ng mga
Espanyol
7. Kolonyal kaya?
a. Impluwensya ng mananakop
b. Pagtanggap ng Pilipino
8. Konklusyon
a. Magtatagal pa kaya?
b. Lahat ng trend ay may pinag-ugatan

Pagpapakilala

Tila oras na para isantabi ang kagila-gilalas na reputasyon ng Starbucks, sapagkat

mayroon nang bagong naghaharing inumin sa mamamayan. Hindi na bago sa’tin ang balita na

ang Milk Tea ay ang bagong kinahuhumalingan ng lahat. May daan-daang flavor ito na
pagpipilian, at maya’t-maya’y may panibagong pakulo ang bawat stall na nagbebenta nito;

umabot na nga tayo sa punto na kahit kainan na ‘di naman nagbebenta nito ay gumawa na rin

ng kanilang sariling bersyon para upang i-offer sa mamimili. Mayroon pang pagkakataon ang

konsyumer na baguhin ang lebel ng tamis nito, magpadagdag ng mga sinkers, at kung gaano

kalaki ang bibilhin nilang baso. Sa bawat araw ay tila lumalala lamang ang Milk Tea craze.

Bago pa man umusbong ang inuming ito sa lokal na merkado, mayroon nang mga

ibinebentang inumin sa sa bansa na tsaa ang pangunahing komponent. Nariyan ang mga

powdered iced tea mixes, at ang mga ready-to-drink tea na nabibiling nakabote. Matagal nang

nabibili ang mga ito sa halos lahat ng sari-sari at convenience store sa bansa, at nasanay na tayo

sa inuming tsaa at asukal lamang ang rekados. Subalit nang maipasok sa bansa ang dati’y ‘di

naman pamilyar na halo ng gatas at tsaa, bigla na lamang umusbong ang ating pagkahilig dito.

Ang kalagayan ng Milk Tea sa pandaigdigang sukatan

Hindi lang lokal ang pagsikat ng Milk Tea sa mga nakaraang taon. Ang popularidad ng

Milk Tea ay lumaganap pati na rin sa mga Kanluranin na bansa. Isang halimbawa ay ang Gong

Cha, isa sa pinaka kilalang tagagawa ng Milk Tea. Mayroon itong 1500 na sangay sa Estados

Unidos at U.K.1 Pero kamangha-manghang malaman na hindi lamang mga may dugong

Asyano ang mahilig sa Milk Tea sa mga nabanggit na bansa. Kahit mga Amerikano at Briton

mismo ay nahumaling na rin sa sarap ng Milk Tea. Ngunit hindi bagong pansamantalang uso

lamang ang Milk Tea. Lumalaki ang Compound Annual Growth Rate (CAGR) o ang paglaki

ng kita sa merkado kada taon ng 7.3%, at inaasahang magpapatuloy pa ito hanggang 2023.2

Ngunit hindi nitong ibig sabihin na biglaang mawawala na lang ang popularidad ng Milk Tea

pagkatapos ng nabanggit na taon. Dahil nagiging household name o mas nagiging kilala ito

1
“Bubble Tea's Popularity From Across The World.” Gong Cha USA, May 27, 2019. https://www.gongchausa.com/bubble-teas-
popularity-across-world/.

2
Xu, Grace. “It's Quali-Tea: How Boba Became a Craze.” It's Quali-tea: How Boba Became a Craze. Business Today Online Journal,
January 11, 2019. https://journal.businesstoday.org/bt-online/2019/its-quali-tea-how-boba-became-a-craze?format=amp.
bilang isang lehitimong inumin na para sa lahat ng tao kagaya ng kape o kaya mga uri ng shake,

sa halip ng isang panandaliang uso lamang. Ipinapakita ng paglaki ng popularidad ng Milk Tea

sa buong mundo na may mga espesyal na kalidad ito na nauugnay ng ibang mga lahi sa kanilang

kultura, o hilig ng kanilang kultura

Ambag ng Asya sa bentahan ng Milk Tea

Tapioca Tea, Bubble Tea, Milk Tea, Pearl Coolers, Boba... maraming pangalan ang

inumin na ito ngunit hindi dapat tayo malito dahil iisa lamang ang tinutukoy. Kahit iba’t iba

ang pangalan ng inumin na ito sa buong mundo, kung magorder tayo ng kahit anong klase o

pangalan ng milk tea na binaggit kanina, iisa lamang ang ibibigay sa atin: Ang nakaplastik na

boteng naglalamang ng kulay kayumangging likido at may itim na bola-bola sa ibaba nito. Ang

bawat baso nito’y may malamyang bulong sa’tin… yieeee… bibili na ‘yan… matupok yan, eh.

Habang pinagdedebatehan pa kung saan talaga nagmula ang milk tea, tungkol kung

kailan naging internasyonal ang milk tea, maari nating masubaybayan sa ika-16 na siglo nang

itinatag ng mga Ingles at Holland and East Indian Company. Nang salakayin ang Taiwan ng

mga Holland ginamit ang Taiwan ng mga Dutch na negosyante upang i-export ang tsaa sa Iran,

India, at Indonesia. At no’ng sinalakay ang Hapon ng Tsina, nagtanim ang mga Tiawanese ng

Japanese black tea sa kanilang lupain. Dahil dito, Pinagdedebatehan man ang pinanggalingan

ng Milk Tea, masasabi na ang ugat ng paglabas nito sa pandaigdigang merkado ay ang pagtayo

ng mga Briton at Dutch ng East India Company noong ika-16 na siglo. Nang salakayin ng mga

Dutch ang Taiwan, ginamit nila itong oagkakataon upang i-export ang kanilang tsaa sa Iran,

India, at Indonesia. Nang salakayin naman ng mga Hapon ang Tsina, nagtanim ang mga

Taiwanese ng Japanese black tea sa kanilang mga lupain. Dahil dito, umunlad ang merkado ng

tsaa ng Taiwan, pati na rin ang pamamaraan ng pagtatanim nito.


Wala namang jowa na inaaway ang Tsaa pero ito ay laging bitter; hindi nagustuhan ng

mga Dutch ang mapait na tsaa kaya tinapon nila. Imbis iyakan ang natapon na tsaa, dinagdagan

nila ito ng maple sugar para maging matamis ang tsaa. Base sa pormula na ito ay nagsimula

ang ng mga Dutch magdagdag ng gatas para maibsan ang mapait sa lasa ng tsaa. Ito ang naging

basehan ng Milk Tea na kilala natin ngayon.3

Sikat ang Bubble Tea na usong-uso sa Taiwan. Maraming iba’t ibang bersyon na

nagsasabi kung saan naimbento ang Bubble Milk Tea, ngunit base sa isang talaan, ang Bubble

Milk Tea ay naimbento noong 1984 sa tindahan ng inumin na ang pangalan ay Chunshui Tang

na pag-aari ni Xinhui Liu. Nagsagdag siya ng ma bola-bolang na gawa sa lokal bigas sa Milk

Tea at binenta ito sa mga kliyente niya. Ang mga bola-bolang ito na ay nasa 7mm pagkatapos

maluto. Ngunit ang pinakatanyag at lehitimong Milk Tea ay karaniwang gumagamit ng 7mm

na “glutinous” na bola-bolang hango sa bigas.3

Ang Milk Tea na kilala natin na inihahain sa plastik na baso, ay unang dumating sa

pilipinas noong Disyembre 2008 dahil kay Peter Chen, isang estudyante ng De La Salle

University-College of St. Benilde. Siya ay pumunta sa Taiwan at nasarapan sauna niyang

pagtikim ng Milk Tea doon. Bumalik siya sa Pilipinas at kasama ang kanyang asawa ngayon

na si Juliet Herrera ay itinayo ang kauna-unahang Serenitea sa bansa. Itinayo ito sa J. Abad

Santos Street.

Sa kasalukuyan ay maraming iba’t ibang dayuhang brand ng Milk Tea na sumali sa

merkado, kagaya ng Chatime, Macao Imperial, Coco, at Gong Cha. Pero mayroon ding mga

iba’t ibang lokal na brand kagaya ng I love Milk tea, Infinitea, Affinitea, Tea Gang, Mighty

Tea, at Tea teh? At marami pang iba. 4

3 Ethnic Seattle. “History of Milk Tea: Taiwan to Across the Globe.” Ethnic Seattle, April 25, 2018.
https://ethnicseattle.com/2015/05/10/history-of-milk-tea-taiwan-to-across-the-globe/.

4
Cup Community. “Top 10 Funny Milk Tea Shop Names in the Philippines.” Cup Community, August 24, 2019.
https://cupcommunity.com/top-10-funny-milk-tea-shop-names-in-the-philippines/.
Pahapyaw sa mga inuming Pilipino

Kung may pagkaing kinonsumo, siyempre dapat ay may panulak din dito. Napagtanto

namin na mahilig ang mga Pilipino sa mga inuming malamig at matamis dahil sa tropikal na

klima ng bansa. Madalas ay kapag nangangailangan tayo ng pamawi sa uhaw dulot ng tag-init,

maliban sa malamig na tubig ay nagyeyelong matatamis na inumin ang hanap natin. Karamihan

sati’y pamilyar sa mga “samalamig” na patok na patok kahit saan. Ang karaniwang set-up ng

mga ito ay nasa gilid ng daan at nakapatong sa lamesita. Nakalagay ang mga inumin sa

malalaking lalagyanan, na sila nama’y puno ng samu’t saring inuming nilagyan ng malalaking

bloke ng yelo. Madalas ay may mahahabang sandok din na nakasabit sa bukanan ng lalagyan

na siyang pinanghahalo at pinangsasandok ng mga inumin. Pinakasimple at pinakapatok ang

sago’t gulaman na minsa’y mabibili sa halagang limang piso lamang. Marahil kaya natin ito

hilig ay, maliban sa murang halaga, mayroon din itong kakaiba ngunit pamilyar na lasa. Ang

banana essence at minsa’y dahon ng pandan ang nagbibigay dito ng lasa na talaga namang

patok sa kahit na sino. Isa pang katangian ng mga samalamig ay ang pagkakaroon ng mga ito

ng nangunguyang komponent. Kakaiba ang konsepto natin sa inumin, partikular sa samalamig,

dahil tila ‘di sapat ang malamig at matamis lamang; kailanga’y may nagunguya rin sa mga ito.

Halimbawa na rito ang buko juice na may strips ng laman ng buko, buko pandan na may

dinagdag pa na pandan flavored gulaman, saba con yelo na may maliliit na saging, at mais con

yelo na may pira-pirasong mais. Maliban sa pamawi ng uhaw ay nakadaragdag din ang mga

ito sa ating kabusugan, kaya binabalik-balikan natin ang mga ito.

Kung matatamis na rin lamang ang pag-uusapan, hindi maaaring isantabi ang hari sa

panlasang Pilipino: ang halo-halo. Ayon kay Ambeth Ocampo, hango ang konsepto ng halo-

halo mula sa dessert ng mga Hapon na kung tawagin ay kakigori na gawa sa shaved ice na

pinatamis ng condensed milk. Dinala ng mga Hapon ang dessert na ito sa Pilipinas at
dinagdagan ng iba't ibang uri ng beans, at kalaunan ay tinawag na “mong-ya”.5 Sa panahong

ito, hindi pa masyadong pamilyar ang mga Pilipino sa mga pagkaing may yelo dahil hindi pa

naitatayo ng mga Amerikano ang Insular Ice Plant. Kaya naman nang magkaroon nito ay

ganoon na lamang ang pagtanggap ng mga Pilipino sa dessert. Nakita ng mga Hapon ito bilang

pagkakataon para kumita, kaya sinimulan nila itong ibenta sa Maynila. Nang magsi-alisan ang

mga Hapon ay nanatili ang pagkahilig ng mga Pilipino sa “mong-ya”, at ‘di nagtagal ay

binigyan ng mga Pilipino ng sariling lokal na identidad ang dessert na ito. Halimbawa na ang

pagdagdag ng ube jam o ube ice cream dito. Sa paglipas ng panahon ay nadagdagan pa ito ng

iba pang kasangkapan katulad ng kaong, minatamis na prutas, at macapuno, hanggang sa

magbagong anyo na ito bilang halo-halo.6

Salik na nakakaapekto sa pagkahilig ng Pilipino sa Milk tea

Anatomiya ng Milk Tea

Mapagtatanto mula pa lamang sa pangalan kung ano ang dalawang pangunahing

komponent nito: Tsaa at gatas, siyempre (o ‘di kaya gatas-tsaa?). Ang tsaa ay gawa sa kung

ano-anong baryasyon ng pinatuyong dahon o halaman. Kadalasan itong iniinom nang mainit

upang masamantala ang benepisyong pangkalusugang dulot nito. Ngunit sa paglipas ng

panahon at patuloy na pag-init ng mundo, nagbago na ang turing natin sa tsaa, partikular na sa

Pilipinas. Nagawan natin ng paraan na ituring itong pampalamig sa mainit na panahon sa pag-

usbong ng powdered tea mixes na ginawa upang inumin nang malamig. Kakatwang isipin na

ang dating dapat pampainit ng katawan ay tinuturing na ngayong pampalamig ng sistema.

5
Valdeavilla, Ronica. “Halo-Halo: Favourite Dessert of The Philippines.” Culture Trip. The Culture Trip, March 13, 2018.
https://theculturetrip.com/asia/philippines/articles/the-curious-history-of-halo-halo-the-philippines-favourite-dessert/.
6
Ibid.
Maliban sa pagpapalamig nito ay dinagdagan pa ito ng asukal upang maging mas kaaya-aya

ang lasa. Ano pang silbi ng mga benepisyong pangkalusugan ng tsaa kung lalagyan lang din

ng asukal ang mga ito? Kakatwa ring isipin na ang dating pampa-healthy, ngayo’y pampa-

diabetes na.

Mula sa pagbago ng temperatura at pagpapatamis nito ay nadagdagan pa ito ng isa pang

pampasarap: ang gatas. Ang dating lasang dahon, ngayon lasang dahon na may gatas na.

Dagdagan mo lang ng asukal, eh puwede mo nang ibenta. Pero teka, parang may kulang... Ah,

wala pang nagunguya. Heto na sila: ang pearls. Gawa ang mga tapioca pearls sa tapioca starch

na hinaluan ng tubig para makagawa ng isang dough. Minamasa ang dough na ito hanggang sa

lumambot, at saka bibilugin para maging mas maliliit na piraso. Pagkatapos ay pakukuluan ang

mga ito para maluto. Sa dulo ay hahaluan ang mga ito ng—oo, tama ka diyan—asukal at tubig

para makagawa ng syrup at maging mas masarap ang mga ito. Sa ngayon, hindi na lamang

tapioca pearls ang kaanyuan ng mga panghalo sa Milk Tea. Mayroong nata de coco na minsan

ay tinatawag na crystals, grass jelly na ‘di naman pala gawa sa damo, white pearls na anemic

na pinsan ng tapioca pearls, popping boba na parang tiniris na hinog na tigyawat, o iba’t ibang

klaseng pudding na kulay lang naman ang mga pinagkakaiba. Ang mga ito, kung susumahin,

ay tinatawag na sinkers. Bukod dito ay maaari ka ring magpadagdag ng cream cheese o salted

cream, na kahit ‘di mo naman deserve ay hahanapan mo pa rin ng rason para masabing deserve

mo talaga.

Bakit Milk Tea?

Ang pagpasok ng Milk Tea sa bansa ay hindi isang aksidente. Nang una itong

malasahan ni Peter Chen sa Taiwan, marahil ay ginanahan ang Pilipino sa kanyang kalooban

at dinala siya sa pabalik sa kanyang bansa pagkatapos ng isang higop lamang. Mas malalim pa

sa aspektong panlasa ang ugat ng pagkahilig niya rito, sapagkat naka-angkla ito sa daan-daang
taong kasaysayang nakaukit sa kanyang mga ugat. Maaaring sumahin ang pagkakahilig na ito

sa isang salita: pamilyaridad. Taglay ng Milk Tea ang mga katangian ng pagkain at inumin na

nakasanayan ng ating uri: Matamis, malamig, at may nginunguyang komponent.

Maihahalintulad ang mga pearls na mayroon ito sa iba-ibang pagkain at inuming Pilipino na

kinagisnan natin, tulad ng halo-halo, sago’t gulaman, ginataang bilo-bilo, at mga kakanin.

Lahat nang ito ay mayroon tinatawag na “chewiness factor” na nakadaragdag sa kakaiba ngunit

pamilyar na sensation ng pagnguya kahit inumin pa ang kinokonsumo natin.

Angkop na angkop din ang Milk Tea sa pangkalahatang klima ng bansa. Dahil madalas

mainit dito ay natural lamang na maghanap tayo ng pangontrang inumin. Ang Milk Tea ay isa

sa mga alternatibong inumin sa pangkaraniwan na softdrinks at mga samalamig. Taglay nito

ang kakaibang lasang dulot ng tsaa at iba pang flavorings. Talamak na ngayon ang samut-saring

Milk Tea flavors. Pinakatanyag sa lahat ay ang Wintermelon na may lasang alam mo pero ‘di

mo maipaliwanag. Nariyan din ang Oolong na isa pang ‘di mo masabi kung ano ang kinaiba sa

nauna. Ano pa man ang flavor nito, tiyak na masasabi pa ring pasok ito sa panlasang Pilipino.

Ang creaminess ng gatas ay kinokontra ng lasa ng black o green tea, na mainam namang

pinagtatagpi ng asukal sa inumin.

Kahit ano pa ang flavor nito, hindi natin maikakaila na matamis ang Milk Tea. Kahit

pabawasan ang sweetness level nito ay madalas na ang flavoring mismo ay gawa sa matatamis

na syrup at powder. Ngunit ito mismo ang binabalik-balikan natin ‘di lamang sa Milk Tea, pero

pati na rin sa mga pagkain at inuming nabanggit sa mga naunang bahagi ng papel; lahat sila ay

matamis. Ang katangiang ito ng ating pagkain at inumin ay may malaking papel sa

pagpapakahulugan sa identidad ng panlasang Pinoy. Ito ang katangian ng ating mga

kinokonsumo na nariyan kahit pa sa mga sinaunang henerasyon, at mananatili hanggang sa

huli. Ngunit naitatanong mo ba kung saan at paano nag-ugat ang ating hilig sa matatamis?
Bakit ang hilig natin sa matamis?

Bago mga Amerikano, bago mga Espanyol at saka ang mga unang negosyante na

dayuhan, ay mayrron na tayong kahiligan sa matamis. Karaniwang biro ito; tinatamisan ng mga

Pilipino ang mga pagkain. Sa ng mga tanyag na “fast food chains” sa Pilipinas, meron tayong

lokal na bersyon ng mga pagkain na may palayaw na “Filipinized food ”. Kung tatanungin mo

ang isang Filipino kung bakit ganito, sasabihin nila ang isa ng dalawang sagot. Ang isa ay

“Gusto ko ang chicken” o ‘di kaya “nagbebenta sila ang masarap na spaghetti”. Sa ating bansa,

karaniwan na ang isa sa mga pangunahing katangian ng ating spaghetti ay matamis. Nagiging

isang bahagi ng ating kultura, dahil pwede mong mahanap sa lahat ng selebrasyon at ang hilig

natin para sa “tomato sauce” na matamis ay nahayag sa “sweet blend” na ketsap na pwede

tayong mahanap sa supermarket. Ang mga dayuhan ay magagalit sa idea ng matamis na

spaghetti o ketsap. Pero, ang katotohanan ay hindi nagsisinungaling. Nagiging isang “staple”

ng ating kultura. Pwede nating tatanungin: Bakit gusto natin ang pagkain na matamis?

Nagsimula ang lahat sa importasyon ng mga tubo mula sa Celebes. Kapag barko mula

Europa ang dumayo sa Pilipinas, madalas ay mga tubo o sugar cane na ani ng mga lokal ang

hanap nila. ‘Di mabilang ang magkakaibang pagkakataon na hinanap nila ang tubo noong

panahong iyon.7 Salamat sa klimang tropikal, mayabong ang estado ng lupa na angkop ang

kalidad para sa aning kaaya-aya. 8

Sa panahon ng mga Espanyol, sobrang importante ang asukal sa ating agrikultura.

Bagamat, ang dahilan ay hindi limitado sa nakakahumaling na tamis na pwedeng ibigay ng

asukal. Maliban dito ay mayroon din ibang gamit ang asukal: kita. Napaka komun ang

7
Blair, Emma Helen., and James Alexander. Robertson. The Philippine Islands, 1493-1898 . Cleveland , Ohio: Arthur H. Clark Company,
1903.
8
Sugar Regulatory Administration. Accessed November 26, 2019. https://www.sra.gov.ph/about-us/history/.
produksyon sa mga probinsya gaya ng Pampanga, Bulacan at Laguna. Nagiging produkto na

kaya natin gumawa ng ating sarili at pagluwas sa ibang bayan bayan. Mahirap maniniwala,

pero mula 1775 hanggang 1779, ang Pilipinas ay ang pinaka na malaki na tagagawa ng asukal

sa Asya. 2

Mahirap na isipin na paano ang ating mahal para sa matamis ay isang produkto ng ating

kasaysayan ng kalakalan. Yan ang dahilan na importante ang mga Amerikano. Kasama ng

demokrasya, kalayaan at karagdagang globalisasyon, binigyan nila ang isang kultura ng

pagkain na nagtatapos sa isang disyerto. Nakikita mo ba? Meron tayo ang isang kasaganaan ng

asukal habang naiwan ang mga kastila. Ito ba ay panaon? Makikita natin.

Kolonyal kaya?

It is undeniable that the Americans and their 40 years of colonization have had an

influence on our dessert culture. Ice cream influenced our now popular “sorbetes” which gave

birth to many desserts such as Halo Halo, Mais Con Hielo and Sago’t gulaman. 9 10 A few of

the Philippine’s desserts are in fact Spanish or have Spanish names. These include Leche Flan,

Lengua de Gato and Ensaymada to name a few.11 12

9
“Sorbetes: A Filipino Favorite.” Vigattin Tourism (ARTICLES) - Philippines. Accessed November 27, 2019.
https://www.vigattintourism.com/tourism/articles/Sorbetes-A-Filipino-Favorite.
10 Garcia, Lawrence, and Lawrence Garcia. “Your Guide to Philippine Culture.” Humaling, May 14, 2018. https://humaling.com/6-pinoy-
frozen-desserts-you-must-try/.
11
Leah, Leah, Susana Mateo, Susana Mateo, and Vanjo Merano. “10 Well Loved Filipino Desserts.” Panlasang Pinoy, November 3, 2018.
https://panlasangpinoy.com/10-well-loved-filipino-desserts/.
12
Orillos, Jenny, Catalina Altomonte, Bea Faicol, Jeffrey G. Tan, and Rofel Balbuena. “The Story of Ensaymada.” yummy.ph. Accessed
November 27, 2019. https://www.yummy.ph/lessons/baking/ensaymada-how-to-bake-a1523-20161213-lfrm.
“Dessert” or our love for sweetness is not entirely a foreign concept. We actually grew

sugarcane in large quantities when given the opportunity by our neighbors in the Celebes

islands. Furthermore, the desserts we have are usually a twist or stem from tradition. Despite

this, we cannot ignore the fact that globalisation has had a huge impact on our dessert culture.

The Philippines is not the only country affected by the incoming tidal wave of “mass produced”

sweetness that is milk tea, the sugary market and beyond.

But at the end of the day, we should ask ourselves; who doesn’t like a little bit of

sweetness?

Konklusyon Commented [1]: Anzo

Milk Tea has come a long way to find a place in every corner of the city.

You might also like