You are on page 1of 3

1 Antas ng Kasikatan

Group 2: Jamila Mesha Ordoñez, Mary Chris Joy Estrologo, Maria Ericka Cambel, Mae

Tamparong, Sergio Jim Esquivel, Kim Elle Joe Juarez.

Antas ng Kasikatan ng Milk Tea sa mga Mag-aaral ng Accountancy and Business

Management sa St. Anthony’s College

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Para maipakita at maibigay ang historikal na perpektibo, ang proposal na pag-aaral na ito ay

sisiyatin ang antas ng kasikatan ng milk tea kung saan ayon kay Maceneaney (2019), ang pag-

inum ng tsaa ay isang Taiwanese na pampalipas oras lamang ngunit marami na ang

nahuhumaling. Para sa pang-umagahan, tanghalian, at hapunan mayroong barayte ng tsaa na

perpektong nababagay sa kahit anong pagkain. Subalit, sa pagsapit ng inuming panghapon isang

bagay na iniinum habang gumagala, walang makakatalo sa pearl ng milk tea, isang opisyal na

inumin sa Taiwan. Ito talaga ay hindi kapani-paniwalang lasa ng inumin na higit na katulad ng

meryenda kumpara sa normal na inumin dahil sa taglay nitong tapioca balls na lumulutang sa

ilalim ng lalagyan. Inihahanda ito na may sobrang laking straw, ang inuming ito ay maaaring

iba’t ibang barayti ng tsaa, at sa iba’t-ibang temperature. Ang unang gagawin ng nagtitinda ay

ilagay ang perlas sa pinakailalim na bahagi ng sisidlan.

Kahit maraming umaangkin na sila ang unang gumawa ng milk tea ngunit ang mas

mapagkakatiwalaan ay si Liu Han-Chieh ng Chun Shui Tang Teahouse sa Taichung. Noong

dekada 80’s, napansin niya na ang mga Hapon ay nasisiyahang uminom ng malamig na kape

kaya sinubukan niyang gamitin ang tsaa na kapalit ang kape. Ang kanyang mga malamig na tsaa

ay napatanyag kaya ang kanyang negosyo ay lumago at nakapagpatayo ng iba’t-ibang sangay ng


2 Antas ng Kasikatan
negosyo. Ang perlas o tapioca balls ay naging sikat noong 1988 nang gamitin ito ni Liu sa

kaniyang malalamig na tsaa. Minahal ito ng bawat isa at dito umusbong ang inuming ito. Ang

isa pang sikat na teorya ay si Tu Tsong-he ng Hanlin Teahouse kung saan siya ang nag-imbento

ng inumin. Gumamit siya ng puting tapioca pearls kung saan hango ito sa kanyang orihinal na

pangalan. (theculture.com, 2019)

Ayon kay Zoleta (2019), ang mga tindahan na nagtitinda ng milk tea ay halos may katagalan

na. Ngunit, kamakailan lang ito naging sikat nang dumating sa bansa ang mga bagong trend at

tatak nito mula sa Taiwan at iba pang bansa sa Asya. Maraming tindahan ng bubble teas

gumagamit ng Foodpanda at Grabfood para mas maging madali ang pag-order ng mga

mamimili.

Ang Serenitea ay nag-umpisa bilang isang lokal na milk tea brand na kinahuhumalingan ng

lahat noong umusbong ang unang tindahan ng milk tea sa bansa sa taong 2008. Noon, ang mga

Pilipino ay karamihang nahuhumaling sa frappucinos. Ngayon, ang milk tea ang mas naging

pinakagustong inumin ng mga tao kaysa sa ibang inumin, at ang Serenitea ang nakatanggap ng

papuri sa pagiging tagapanguna nito. Itinuring na isa sa mga napakagandang milk tea na mga

produkto sa Pilipinas, ang Serenitea ang nagdala ng pagmamalaki dahil sila ang unang

nakagamit ng espresso na makinarya para sa paggawa ng tsaa at pagbigay ng kostumbre na

papipilian para sa antas ng katamisan. Ang pinakamabentang flavor ng milk tea ay ang mga

sumusunod Okinawa (kayumangging asukal na lasa na gatas), Wintermelon (winter melon na

may caramel na lasa), at Hokkaido (butter toffee caramel na lasa na gatas). Ang

pinakamabentang milk tea at presyo ng Serenitea: kalagitnaan or katamtaman: PHP 100/ Malaki:

PHP 110 (moneymax.ph,2019).


3 Antas ng Kasikatan
Ang pinakamabilis na paglago ng milktea dito sa Asya ay ang Gong Cha na kilala sa

Pilipinas na mayroong iilang sangay dito sa ating bansa. Ito ang pinakamagandang bilihan ng

Milk Tea para sa kahit na sino na gustong gusto ang Milk tea katulad lamang ng Wintermelon.

Ang Gong Cha's ay kilala sa kanilang timpla dahil ito ay matamis, cheesy at maalat-alat ang

krema sa ibabaw nito. Ang pinakamabenta at ang halaga nito: House Special Wintermelon -

Katamtaman: PHP 95 / Malaki: PHP 110, Milk Tea na may Pearl Jelly - Katamtaman: PHP 85 /

Malaki: PHP 95, at Wintermelon Milk Tea - Katamtaman: PHP 90 / Malaki: PHP 105.

(moneymax.ph, 2019)

Isa sa pinakamalaking internasyonal na tatak ng bubble tea ngayon ay ang Chatime ay isang

prolific milk tea na tindahan sa Pilipinas. Ang praktikal nito ay sa bawat pasyalan sa Metro, ang

Chatime ay naghahanda ng sariwang tsaa na may iba't-ibang mga likas na lasa. Ang klasikong

Chatime na Milk Tea ay naiiba dahil sa simpleng kombinasyon ng gatas at itim na tsaa. Bilang

karagdagan sa milk tea, ang Chatime ay may malaking seksyon ng mga inumin na may

kasamang mga smoothies, tsaa na prutas, kape, tea-based latte, at tsokolateng inumin. Sa

chatime ang pinaka mabenta at mga presyo nito: Chatime Milk Tea- Regular: PHP 90/ Malaki:

PHP 100, Pearl Milk Tea- Regular: PHP 95/ Malaki: PHP 105, at Grass Jelly Roasted Milk Tea-

Regular: PHP 90/ Malaki: PHP 100 (moneymax.ph,2019)

Batay sa mga kauganay na pag-aaral at literatura sa itaas, nangangailangan na isagawa ang

pag-aaral na ito dahil hindi nabanggit ang tungkol sa antas ng kasikatan ng milk tea sa mga mag-

aaral ng Accounatncy and Business Management sa St. Anthony’s College.

You might also like