You are on page 1of 3

“Kape dito, Kape doon, Kape tayo Maghapon”

Pag-uulat Pang-impormasyon

Ang kape ay isang kilalang inumin na yari sa tinustang buto ng halamang kape. Ang mga buto ay
nagmumula sa puno na may katamtamang taas na karaniwang tumutubo sa mabababa at
mataas na lugar. Mayroon itong dahon na may makinis na tekstura, at bulaklak na maputi ang
kulay. Orihinal itong nagmula sa bansang Arabia, ngunit ngayon ay kalat na sa buong mundo.

Ano ang mga Sustansya at Kemikal na Maaaring Makuha sa Kape?


Ang iba’t ibang bahagi ng kape ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na
maaaring may benepisyo sa kalusugan:
 Taglay ng kape ang mga substansyang caffeine, adenine, xanthine, hypoxanthine,
guanosine at proteids
 Ang mga dahon ay mayroon ding alkaloid at caffeine
 Ang bunga naman ng kape ay makukuhanan ng caffeine, mallic acid, mannite, invert
sugar at saccharose
 Makukuha sa buto ang mga substansyang gallic acid, citric acid, proteids, sugar, legumin,
glucose, dextrine, coffeo-tannic acid, fat, at volatile oil na caffeol

Ano ang Mabuti at Masamang Epekto ng Pag-inom ng Kape sa ating Katawan?


Marami pa rin ang hindi nakaaalam na ang caffeine ay nakapagpapasigla sa puso at sa central
nervous system. Bukod sa pagiging stimulant, nakatutulong din ito para mapabilis o mapahusay
ang mental performance. Ang caffeine ay karaniwang matatagpuan sa coffee, tea, chocolates,
softrinks o colas, cold tablets at mga pain relievers. Nakatutulong din ang caffeine na pasiglahin
ang output ng acid sa sikmura para madaling makapag-digest ng pagkain. Nakatutulong din ang
caffeine para mapalaki ang daanan ng hangin sa lungs.
Pero may mga masamang dulot din ang caffeine kapag sumobra. Bagamat non-toxic, ang
pagiging addictive dito ay nakapagdudulot ng pangangatal, pagpapawis, palpitations, mabilis na
paghinga, hindi makatulog at maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng migraine. Ang
biglaang pagwithdraw dito ay dapat iwasan sapagkat magdudulot ng grabeng sakit ng ulo,
pagka-irita at panghihina o pananamlay.
Kapag kumain ng chocolates, o uminom ng softdrinks o colas sa gabi, magdudulot ito ng
tinatawag na childhood insomnia. Ipinapayo ng mga doctor na huwag uminom ng kape nang
mahigit sa anim na tasa maghapon. Ang mga may-sakit sa puso, may mataas na blood pressure,
may kidney disease ay narararapat bawasan ang pag-inom ng kape o unti-unti na itong itigil.
Ang mga buntis at nagpapasuso (breast feed) ay dapat uminom ng isang tasa ng ground coffee
o dalawang tasa ng instant coffee sa loob ng isang araw. Naa-absorb ng fetus ang caffeine.
Kapag naisilang na ang bata ay magdaranas naman ito ng withdrawal symptoms.
Ang mga babaing mahilig sa kape at wala pang anak ay kinakailangang bawasan o tumigil na rito
sapagkat mahihirapan silang magbuntis. Dahil ang kape ay deuritic, nakakapagpataas ito ng rate
excretin ng calcium.
Ang high caffeine intake ay nagdadagdag ng panganib sa pagkakaroon ng osteoporosis. Ang
osteoporosis ay sakit na nagpapahina o nagpapalutong sa buto.

Ano ang mga Sakit o Kondisyon na Maaaring Magamot ng Kape?

 Sirkulasyon ng dugo. Nakapagpapabuti ng daloy ng dugo sa katawan ang pag-inom ng


kape. Minsan, maaari din inumin ang pinaglagaan ng dahon para dito.
 Hika. Ang tinustang buto ng kape na ginawang inumin ay sinasabing mahusay na gamot
para sa hika kung regular na iinumin.
 Typhoid fever. Makatutulong naman maiwasan ang paglala ng sakit ng typhoid fever
kung madalas iinom ng kape.
 Pagkakalasing. Ang matapang na kape ay mabisang lunas sa matinding pagkakalasing.
 Pananakit ng ulo. Ang caffeine mula sa inuming kape ay mabisang pang-alis sa
pananakit ng ulo. Dapat uminom ng matapang na kape kung sakaling makaranas ng
pananakit.
 Hirap sa pag-ihi. Mabisang pampaihi din pag-inom ng kape.

Sa panahon ngayon, marami na ang naaadik sa kape lalo na ang mga taong may trabaho o mga
estudyante na madalas umiinom ng kape dahil umaabot na sila ng madaling umaga upang
gawin ang kanilang mga papel, proyekto o mga gawaing pampaaralan. Hindi ipinagbabawal ang
pag-inom ng kape ngunit dapat ito’y limitan dahil mayroon parin itong masamang epekto sa
ating katawan. Mahalagang isaisip na mas nakakatulong ang pag-inom ng tubig dahil mas
marami ang benepisyo na ibinibigay nito sa ating katawan kumpara sa kape. Masarap at
nakakaadik ang kape ngunit limitan nating ang pag-inom nito para ikabubuti ng ating kalusugan.
Leon Guinto Memorial College Inc.

Tekstong
Impormatibo
Michaela Jane L. Basto
HUMSS 12 – BLK 1

You might also like