You are on page 1of 1

NARATIBONG ULAT

Sa oras ng 7:45 ng umaga may isang dalagang nagising siya ay nagkusot ng mata at sabay bangon
sa kanyang kinahihigaan at agad siyang dumiretso sa palikuran para mag asikaso ng sarili pagkatapos
makapag asikaso inayos niya na ang kanyang pinaghigaan. Pagkatapos mag asikaso ng dalaga siya ay nag
almusal na kasabay ng kanyang magulang mga ilang minuto pagkatapos nilang kumain ay inutusan siya
ng kaniyang nanay na hugasan ang mga pinggan na kanilang mga ginamit, pagkatapos mag hugas ng
pinggan ay inasiko na niya ang iba pang gawaing bahay, pagkatapos ng paglilinis ng dalaga ay namahinga
na ang dalaga, makalipag ang ilang oras naghain na ang dalaga ng kanilang kakainin para sa tanghalian
pagkatapos nito ay nagsalosalo na sila makalipas ulit ang ilang minuto ay natapos na silang kumain.
Pagkatapos kumain ay inasikaso na ng dalaga ang gamit niya upang makaligo na siya makalipas ng ilang
minuto ay natapos niya na itong ihanda at naligo na, pagkatapos maligo inasikaso niya na ang sarili niya
at ang gamit na dadalhin niya makailang saglit bago umalis ay humingi muna siya ng pera sa kaniyang
nanay at ng mabigyan na siya ng kaniyang ina ay nagpaalam na siya at umalis pumunta siya sa 7/11 dahil
doon ang napagusapan ng kaniyang mga kaibigan na magkitakita ng makumpleto sila ay nag ambagan na
sila para sa bibilhin nilang mga groceries para sa kanilang kaibigan na nasunugan ng matapos makapag
ambagan ay nagtungo na ang dalaga at ang kaniyang mga kaibigan sa bocaue upang mag grocery ng mga
kakailanganin ng kaniyang kaibigan na nasunugan makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa
bocaue at pagkatapos ay namili na sila at ng matapos na silang mamili ay nagtungo na ang dalaga
kasama ang kaniyang mga kaibigan sa kaibigan nila na nasunugan at ng makailang saglit lamang ay
nakarating na sila sa tinutuluyan ng kaibigan nila at inabot ang kanilang mga pinamili ng maibigay nila ito
ay nag kamustahan ang dalaga at iba pa nitong mga kaibigan dahil ngayon nalang ulit sila nakapag
samasama, makalipas ang ilang oras ay napagdesisyunan na ng mga kaibigan niya at dalaga na umuwe
na nagpaalam na sila sa kaniyang kaibigan at umuwe na. bandang alasais ng hapon ay nakauwe na ang
dalaga nag asikaso na ito ng kaniyang sarili at pagkatapos ay nagpahinga na, makailang saglit lamang ay
tinulungan niya na ang kaniyang ina sa paghain ng hapunan, pagkatapos makapaghain ay kumain na ang
dalaga at ang kaniyang mga magulang ilang minuto lang ang makalipas ay natapos ng kumain ang dalaga
at ang magulang nito, pagkatapos kumain ay nag cellphone na lamang ang dalaga hanggang sa
makatulog ito.

You might also like