You are on page 1of 1

Utos Ng Hari

Kuwento ito ng isang estudyante na mayroong hindi magandang pag-uugali at


hindi seryoso sa kaniyang pag-aaral. Problema na ng mga guro niya si Jojo dahil
sa kaniyang madalas na pagpasok nang nakainom at ang hindi magalang na
pagsagot nito sa mga guro niya.

Isang araw, nag-usap-usap ang mga guri na kinabibilangan nina Mrs. Moral
Character at iba pang guro sa paaralan. Pinag-usapan nila kung ano ang gagawin
kay Jojo. May isang guro na nagsabing pumapasok ito nang nakainom sa klase.

Ang iba naman naman daw na guro ay parang hinuhuli nito at titiyaking may
alam sa aralin. Dahil daw dito ay nagbigay ang guro nang maraming saliksik sa
estudyante bilang ganti. Napagkasunduan nilang hindi na ipasa si Jojo.

Kinabukasan ay kinausap na ng guro ang mag-aaral. Sinabi nito na hindi niya


gusto ang pag-uugali nito sa klase. Tila wala namang pakialam ang estudyante sa
sinabi ng guro tungkol sa kaniya. Sinabi rin ng guro na nakita niya ang
estudyante sa chapel noong gabi.

Nang tanungin ng mga kaibigan ni Jojo kung anong ginagawa niya sa chapel
noong nahuli siya ng guro, sinabi nitong naroon lamang siya at ang kasintahan
na magkahawak ng kamay. Magkahawak-kamay daw sila bilang tanda na hindi
sila maghihiwalay sakaling mapatalsik sa paaralan.

Sana ay nagustuhan ninyo ang  buod ng Utos Ng Hari. Check ninyo ang mga iba
pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!

You might also like