You are on page 1of 4

Ang Espresso Express ay isang coffee shop na isa lamang sa pangarap noon na nagging

plano at ngayon ay nasa isakatuparan na. Parte na ng bawat Pilipino ang pagkakape sa araw-
araw, ika nga ito ang nagpapabangon sa atin sa araw-araw. Sa panahon ngayon, talamak ang
pagbebenta ng kape sa iba’t-ibang lungsod kaya naman napili itong itayo sa Liliw, Laguna dahil
perpekto ito sa klima na meron sa bayan at bukod doon, sa dami ng turista na dumadayo rito, ay
tunay nga naman na masarap ang pag-higop ng kape pagkatapos mamili ng mga pasalubong na
tsinelas sa malamig na klima.
Ito ay kilala sa iba’t- ibang espresso based and cold brew na kape, mayroon ding mga
milkshake, frappe, tsaa para sa mga non-coffee na customers. Dagdag pa rito ang mga masasarap
na bread and pastry products, sandwiches at pica-pica. Tinitiyak na ang mga produktong ito ay
malinis at mataas ang kalidad at nasa abot-kayang halaga

Paglalarawan ng Produkto

Ang Espresso Express ay isang coffee shop restaurant na may mataas na kalidad, malinis
ang pagkakagawa ng mga produkto at mabibili sa murang halaga. Ang mga barista nito ay may
sapat na kaalaman at karanasan sa larangan ng food and beverages at bread and pastries kaya
magagarantiya ang kalidad at kalinisan ng iba’t-ibang produkto na meron dito. Ilan lamang dito
ay ang mga espresso-based hot and cold coffee, tea, frappe, milkshake and fruity/lemonade
drinks. Mayroon ding classic breads, pies, cakes, cookies at iba pa kung ang hanap mo naman ay
bread and pastry. Perpekto rin sa mga magbabarkada ang mga pica-pica kagaya ng mojos, fries
at nachos.
Kakailanganing Teknikal na Kagamitan

Market Place
Ang Espresso Express ay matatagpuan
sa Gat Tayaw St., Liliw, Laguna na kahanay
ng Badong Footwear. Pinili ang lugar na ito
dahil sa ito ay nasa sentro ng kabuhayan ng
bayan na madalas madaanan ng mga turista.
Layunin ng Espresso Express na maakit at
matikman n g mga turista ang kanilang mga
produkto habang bumibili o pagkatapos
nilang mamili ng mga tsinelas dahil na rin sa
lamig ng kilma na mayroon ang bayan na ito.
Estratehiya ng Pagbebenta

Napili namin ang minimalist na ambiance dahil ito ay uso at perpekto para sa ganitong
klase ng negosyo. Mayroong maliit na flat screen tv, jazz music at firewall na magsisilbing
disenyo na swak sa isang coffee shop. Sa paraan naman ng pagbebenta, mayroong physical store
na bukas simula Lunes hanggang Linggo mula 10:00am ng umaga hanggang 10:00pm. Mayroon
ring online deliveries na maaaring makita sa fb website na “Espresso Express by Barista Zymon
Escueta” o tumawag sa 09999999999 o 456-7890.

Mga Taong May Gampanin sa Produkto


Barista: Zymon Escueta
Bread and Pastry Chef: John Isaiah Honrade at Zarah Honrade
Pica-Pica: Allyra Escueta, Kirstine Gonzales
Cashier: Shane Romerosa
Waiter: Jomer Escueta, Lander Gonzales at Marc Wesley Gonzales
Delivery Admin: Ashley Gonzales
Housekeeper: Maricel Anod
Iskedyul
Business Location: Gat Tayaw St. Liliw, Laguna
Landmark: Malapit sa Badong Footwear
Operating Hours: Mon-Sun at 10am to 10pm

Contact Information
FB Page: Espresso Express by Barista Zymon Escueta
Cellphone Number: 09999999999
Telephone Number: 456-7890

Projection sa Pananalapi at Kita


Puhunan: ₱500,000
Renta: ₱20,000/month
Kuryente: ₱35,000/month
Sahod: ₱81,000/month
Buwanang Kita: ₱236,000

Rekomendasyon

You might also like