You are on page 1of 6

PANIMULA

Ang Bayan ng Amadeo ay isang ika-apat na klaseng bayan sa lalawigan ng Cavite, Pilipinas.

Binansagan itong "Kabisera ng Kape ng Pilipinas" (Coffee Capital of the Philippines) dahil sa

dami ng taniman ng kape sa bayang ito. Ayon sa census noong 2015, may 37,649 na populasyon

ang bayan. Ang bayan ng Amadeo ay dating nasasakupan ng Silang, Cavite na ang dating

katawagan ay "Masilao" dahil ang lugar na ito ay may pinapaniwalaang may isang malaking puno

dito ng dapdap na nakakasilaw. Noong dumating si Prinsipe Amadeus ng Espanya ito ay

ipinangalan sa kanya bilang regalo sa kanyang kaarawan. Ito ay napawalay mula sa Silang, Cavite

noong July 15,1872.

Kilala ang bayan sa pagdiriwang nila ng Pahimis Festival, kung saan ipinakikita ang industriya ng

kape sa bayan. Kadalasang ginaganap tuwing huling linggo ng Pebrero.

Maraming magagandang lugar sa Cavite na tunay na maipagmamalaki. Hindi lamang dahil sa

mga makapigil hingang mga tanawin kundi pati na rin sa mga pagdiriwang at kasayahan. Tulad

na lamang ng isang bayan sa Cavite na nagdiriwang ng "Pahimis Festival". Alam nyo ba kung

ano ang pagdiriwang na ito?

Ang Pahimis Festival ay ipinagdiriwang ng mga taga-Amadeo upang magbigay pasasalamat sa

maganda at masaganang ani ng kape sa buong taon.

Noong unang panahon, ibinibigay ng mga nagtatanim ng kape ang kanilang natitirang ani dahil

naniniwala sila na kapag ginawa nila ito suswertehin sila at gaganda ang ani nila sa sunod na

taon.
Ito ay kadalasang ginaganap tuwing huling linggo ng Pebrero. Tumatagal ang Pahimis Festival

ng dalawa hanggang tatlong araw.

Nagsisimula ang pagdiriwang sa isang misa. Pagkatapos, nagkakaroong ng mga sayawan suot

ang kani-kaniyang makukulay na costumes. Mayroon ding mga farm tours at exhibits.

Ang pagdiriwang na ito ay para sa lahat.

Ang mga estudyante ay nagpapakitang gilas sa pamamagitan ng pagtatanghal. May kumanta at

sumayaw at meron ding nagpalabas ng isang dula.

Syempre hindi magpapatalo ang mga magulang at mga guro. Nagpakita rin sila ng kanilang mga

galing.

Lahat ay masiglang nakisaya sa mga aktibidad.

Street Dancing

Tunay na inaabangan ang street dancing sa Amadeo dahil sa napakakukulay na mga costume,

masayang tugtugin at sayaw. Kapansin-pansin na mapakamalikhain ng mga taga-Amadeo dahil

ang ginagamit nila ay sako ng kape at mismong kape.

Coffee Tasting

Mga libreng kape na siyempre ay mula Amadeo ang ipinamimigay sa mga taong nakikisaya sa

pagdiriwang. YUM YUM YUM!

Ceremonial Toast
Bawat taon ay ibat-iba ang mga panauhin sa pagdiriwang, tulad na lang ngayong taong 2013 na

bumisita si Mrs. Cynthia Villar,asawa ni Sen. Manny Villar. Mas nagiging masaya dahil sa

kanila.

Coffee Run!

Ang coffee run ngayong 2013 ay ginagawa upang makaipon ng pondo na ibibigay-tulong sa

Ilog-Lawa

Ang Kape Amadeo

Itinitinda rin ito sa mga tindahan sa Pahimis Festival. Ipinagmamalaki nila ito dahil sa

napakatapang na lasa at napakabangong aroma.

Kapeng Barako

Itininimpla ang kape sa pamamaraang "French press" o ang pagbuhos ng mainit na tubig sa mga

dinurog sa piraso ng kape na nasa loob ng isang tela. Kadalasang ginagamitan ng pampatamis ang

kape, gaya ng pulot o kayumangging asukal. Maaring gamitin ang Kape Barako sa paggawa ng

espresso. Maliban sa pagiging inumin, ginagamit din ang kape para sa mga ispaAng kapeng barako

o barako ay isang uri ng kape na tumutubo sa Pilipinas, lalu na sa mga lalawigan ng Batangas at

Cavite. Mula ito sa uring Coffea liberica subalit ginagamit din ang pangalang ito sa lahat ng kapeng

galing sa mga lalawigang nabanggit. Nagmula ang salitang "barako" mula sa salitang ginagamit

para sa lalaking hayop.

AMADEO, A PRINCELY TOWN. Isang tanda ang nag-greet sa amin sa Coffee Town, isang

angkop na pamagat ng pagsalubong dahil ang mga tao ng bayan ng Amadeo ay naging kape sa

pagsasaka mula pa noong 1880s. Natuklasan ng unang mga settler ang sloping terrain, volcanic
soil, at ang buong taon na nakapagpapalakas na nip na kadalasang nauugnay sa panahon ng Pasko

na perpekto para sa mataas na tanim na taas tulad ng kape.

Ang Amadeo ay kilala bilang Sitio Masilaw para sa mga abudant dapdap tree sa lugar na minsan

namumulaklak na may nakasisilaw na pulang bulaklak. Ito ay Gobernador-Heneral Rafael de

Izquierdo na pinalitan ang pangalan ng bayan bilang Amadeo bilang parangal kay Prince Amadeo

Fernando Maria ng Savoy, ang pangalawang anak ng reigning emperador ng Espanya noong

panahong iyon. Sa panahon ng Rebolusyong Pilipino, ang bayan ay binigyan ng palayaw na May

Pagibig.

KAPENG BARAKO ORCHARD. Sa pagitan ng plantasyon ng pinya at ang organic farm ay isang

kapeng barako orchard. Ang Lipa sa Batangas ay tradisyonal na kilala sa pagsasaka ng mga coffee

beans ng liberica at kasaysayan na sikat mula sa mga taong 1886 hanggang 1888 bilang tanging

tagatustos ng kape sa mundo. Noong panahong iyon, ang bayan ng Batangas na ito ay naging

pambansang sensation para sa kanyang kayamanan at ng inggit ng iba pang mga bayan sa bansa.

Ang iba't ibang liberica coffee bean ay nakakuha ng lokal na pangalan nito bilang barako dahil

sinabi na ang mga ligaw na boar ay natagpuan ng mga magsasaka ng kape na kumakain ng mga

beans mula sa puno nito.

Ang pag-ani ng mga coffee beans sa EchoFarm ay bahagi ng manual labor ng mga magsasaka nito.

Ipinakita sa amin ni Ernesto Sales na may asawa na si Marvic kung paanong sariwa ang pinili ng

mga beans ng liberica ay pinagsunod at pinatuyo sa ilalim ng araw. Ang Liberica ay ang

pinakamalaking ng lahat ng mga varieties ng bean ng kape at maaaring tumagal ng hanggang 40

araw upang matuyo sa ilalim ng araw dahil sa napakalalim na sapal nito. Ang eksklusibong
EchoFarm ay lumalaki sa mga beans ng liberica. Ayon sa kaugalian, ang Amadeo ay lumalaki ang

iba't ibang arabica na lokal na tinatawag na Kapeng Tagalog.

PAHIMIS BLEND. Mula sa EchoFarm, kami ay dinala sa Cafe Amadeo para ng produkto umaga

upang obserbahan ang kape sa pag gawa. Ang Cafe Amadeo ay naglalabas ng pahimis blend, isang

kumbinasyon ng arabica, excelsa at robusta varieties na lahat ay nasa grown farm sa Amadeo.

Ginabayan ng aroma ng lutong kape, sinundan namin ang trail sa pabrika kung saan ang tuyo at

de-stoned coffee beans ay sinangas, ibinuhos sa gilingan, na nakaimpake at tinatakan bilang

Pahimis Blend ng Cafe Amadeo.


IDEYA NG PAKSA

Pagkakaroon ng kaalaman sa pagnenegosyo ng kape sa bayan ng amadeo, cavite

You might also like