You are on page 1of 17

CAVITE

Here is where your presentation begins

Presented by: Mapundara, Carima P.


Ang wikang Caviteño o Kabitenyo ay isang wikang
sinasalita sa lalawigan ng "Cavite“, Kabitenyo, mula sa 
Tagaytay hanggang Lungsod ng Cavite sa Pilipinas ito ay
mayroong sariling punto o tono, katulad ng mga Batangenyo,

Ang Caviteño Tagalog ay isa sa mga wikaing galing sa 


Lumang Tagalog, Ang mga Caviteño ay nagmula sa mga
Batangenyo, Chavacano at Lagunense sa rehiyon ng 
Calabarzon, daang-taon ang nakalipas.
Nasa hanay ng timog katagalugang kasáma ng Batangas,
Laguna, Quezon ang Cavite. Ang pagiging malápit ng Cavite
sa Kamaynilaan at Batangas ang naging dahilan ng lahukang
Tagalog nito na tunog Batangas, Maynila, at Bulakan.
Nakapaling sa tono o punto ng Batangas ang Tagalog ng
Cavite sa gawing timog ng lalawigan nito, may kabagalan
nga lámang ito at malinaw kung bigkasin. Isa sa mga
pinakamatandang lalawigan sa Pilipinas ang Cavite, at dáting
kilalá sa katawagang lalawigan ng Tangway, isang pangalang
ginamit simula sa panahon ng mga Kastila hanggang sa
palibot ng taóng 1950.
Nagmula ang pangalang Cavite sa pangalan ng
matandang bayan nito na kilalang Kawit. Naging
Cavite ito sa baybay sa Kastila at ang pagdugsong ng
puntong eh sa cavit, kaya naging Cavite sa kalaunan.
Maraming salita at mga ekspresyon o dagliang
pangungusap ang nagbigay kaibahan sa Tagalog ng
Cavite kapag ihinambing sa Tagalog ng
Kamaynilaan. Bagama't may pagkakaiba ang mga
ito, ang pang-unawa sa pakikipagtalastasan ay
sumusunod pa rin sa patakaran ng salita ng wikang
Tagalog. Narito ang ilang mga pangungusap na di
karaniwan sa kamaynilaan.
Caviteño Native
Words/Phrases
BALATIK
-Tirador

IKAW NGA NI ANO


- Sabi nga ni Ano
MAGKANAW
-Mag-timpla
KAMPET
-Kutsilyo

PUPUGAYO
- Saranggola
PIS / PISAN
-Pinsan
LUGLOG
-Palabok sa Cavite

PANTYON
- Sementeryo
KONSI / KONSYAL
-Councilor / Kagawad
DANG
- Sobrang / Ubod

TIKNA
- Lintik na
SHOWER
-Tsinelas
SQUARE AREGLO
- One on one fight

HAGING
- Kamuntik na
SHORPIT
-Cap o Sumbrero
PURUNGGO
- Bubog

MABALASIK
- Mabagsik
BUGONG
- Baon
SIMUCHANG
- Higad

AMPIYAS
- Ulan na pumapasok sa bintana

PAMUTAT
- Side Dish / Dessert
ESKAPARATE
- Glass case o Cabinet

BASAG ULO
- Lumpiang toge

GUYAM
- Langgam
ISDOG
- Isod

MARUTA
- Maldita

LIBAN
- Tawid
SURA
- Inis / Banas

BANGKITO
- Maliit na upuan

ANLAWAN
- Hugasan
ASBOK
- Usok

GULOK
- Itak

PEROK-PEROK
- Gasera
SALAMAT!
Here is where your presentation begins

Presented by: Mapundara, Carima P.

You might also like