You are on page 1of 7

Pahina 1 ng 7

Katotohanan sa likod ng Chocolate


Ano nga ba ang ating pagkilala sa chocolate? Napakarami ang nagsasabi na ang
chocolate ay nakatataba, nakasisira ng ngipin, nagdudulot ng tighawat at walang
sustansyang pagkain. Ngunit ito ba talaga ang chocolate, hindi pa huli ang lahat para
baguhin natin ang nakasanayan nating pagkilala dito. Bakit hindi tayo magbalik tanaw
kung saan nanggaling ang paborito nating pagkain, ang chocolate.
[1][2]
Ang chocolate o theobroma cacao ay isang psychoactive food o isang
pagkain na nakaaapekto sa ating pag-iisip at pag-uugali. Ngunit saan nga ba ito
nagmula?
[3]
Ito ay nanggaling sa puno ng cacao na makikita sa Central at South
America, Carribean, Africa, South-East Asia at South Pacific Islands of Samoa and New
Guinea.
[4][5]
Sinasabing apat na libong taon na ang nakalilipas ng magsimula ang
chocolate o theobroma cacao. Ang cacao ay nanggaling sa salitang olmec na ang ibig
sabihin ay chocolate plant. Ang mga taga-Olmec ang unang gumamit ng punong ito.
Samantalang ang pagkilala ng mga Aztecs sa cacao ay isang food for the gods o
theobroma sa salitang griyego. Ginagamit rin nila ito bilang pambayad, ang 100 na
cacao beans ay makabibili ng alila, 12 cacao beans para sa serbisyo ng mga babaeng
mababa ang lipad at ang 10 cacao beans ay makabibili ng kuneho. Ang mga Mayan
naman ang nagsimulang lumikha ng chocolate na ating tinatangkilik ngayon. Sila ang
nagpakilala ng proseso ng fermenting, drying, roasting at grinding ng beans para
makabuo ng cocoa. Ang pinakaunang planta ng cocoa ay itinayo nila noong 600 AD sa
Yucatan.
Pahina 2 ng 7

[6]
Ayon sa pag-aaral, ang Swiss ang may pinakamadaming kumonsumo ng
chocolate, 22 pounds kada tao di tulad ng 11 pounds kada tao ng Unites State. Tanging
Hawaii lamang ang US state na tinataniman ng cacao beans dahil ang puno ng cacao
ay tumutubo lamang sa mga lugar na may klimang tropical, 20 degrees ng hilaga o
timog ng equador. Limang taon ang kailangan bago magbunga ang puno nito. Ang
bawat bunga ay naglalaman ng 20 hanggang 40 cream-colored cacao beans at 400
beans ang kailangan para makabuo ng 1 pound ng chocolate liquor. Isipin na lang natin
kung gaano kadaming bunga ang kailangan para makabuo ng 7 billion pounds ng
chocolate at candy ang United States sa loob ng isang taon.
[3]
Hindi lamang isang uri ng puno ang cacao trees. Ito ay may tatlong uri ang
Forastero na halos 90% ng cacao ang nanggagaling dito para gawing chocolate, ang
Criollo na pinakamahal at pinakamadalang na cacao na makikita. Ito rin ang
pinakamasarap at pinakamabangong cacao. At ang huli ay ang Trinitario na puno ng
cacao na pinagsamang Criollo at Forastero.
Ano nga ba ang chocolate noon at chocolate ngayon?
[7][8]
Ang chocolate noon o
mas kilala bilang cacao ay pinaniniwalaang regalo ng diyos sa tao, ang puno nitoy
sinasamba rin. Hindi mawawala ang chocolate sa kanilang ritwal sapagkat itoy kanila
ring inaalay. Ginamit rin ng Aztecs ang cacao beans bilang pangregalo sa mga
mananakop, ito rin ay nagsilbing pera at inumin pangmayaman. Pinaniwalaan rin nila na
ang chocolate ay isang inumin na nakagagamot at aphrodisiac.
[9]
Ang aphrodisiac ay
isang bagay na nagdudulot ng pagkasabik o kayay sexual na pagnanais.
[3]
Ang inumin
na ito ay mas kilala sa tawag na xocoatl, na minsan ay hinahaluan ng vanilla, pimiento
at chilli pepper. Ang xocoatl ay pinaniniwalaang nakagagamot ng diarrhea at
Pahina 3 ng 7

nakakapagpalakas ng katawan at tumutulong para maiwasan ang matinding pagod. Sa
paglipas ng panahon, ang chilli pepper na karaniwang hinahalo sa chocolate ay
pinalitan ng asukal. Mas tinangkilik ng mamimili ang matamis na chocolate ngunit sa
sobrang kamahalan nito, kakaunti lamang ang bumili.
[7]
Ang napakamahal na chocolate ay unti-unting nagmura dahil sa pagkaimbento
ng steam engines noong 1700s bago rin sumapit ang 1800s naimbento naman ni
Coenraad Van Houten isang Dutch chemist ang cocoa press. Noong 1765 ang kauna-
unahang chocolate factory ay nagawa at taong 1847 naman nagawa ang kauna-
unahang chocolate bar. Ang chocolate bar ay talagang tinangkilik ng mga mamimili, lalo
pat itoy pinamura at mas lalong pinasarap. Itoy ginawa sa pamamagitan ng pagsama-
sama ng cocoa powder, sugar at tinunaw na cocoa butter. Hindi pa nakuntento ang tao
sa chocolate bar at chocolate drink kaya nag-isip pa sila ng paraan para lubusang
mapaunlad ang industriya ng chocolate, hanggang sa dumating na tayo sa modern
era ng paggawa ng chocolate ang taong 1828.
[3][4]
Noong 1828 ang chocolate ay ginawa na ring panghalo sa cakes, pastries at
ice cream. Hindi lang yan, atin ring natutunan ang paggamit ng chocolate at cocoa sa
pagluluto ng stews at sauces. Natuklasan rin ang chocolate mousse na mas kilala
bilang chocolate mayonnaise. Nagkaroon din tayo ng white chocolate, milk chocolate at
dark chocolate. Sa Japan may tinatawag na Giri Choco o obligation chocolate , isa
itong Valentines tradition na bibigyan ng mga babae ang lahat ng lalake sa kanilang
buhay ng hindi mamahaling chocolate para ipakita ang kanilang pasasalamat at
pagmamahal sa kanila.
Pahina 4 ng 7

[10]
Atin namang talakayin ang mga uri ng chocolate, ito ay ang unsweetened
chocolate, white chocolate, milk chocolate at dark chocolate. Ang unsweetened
chocolate o bitter chocolate ay gawa sa purong chocolate liquor at itoy ginagamit sa
pag-baked ng cookies, cake, brownies at confections.
[10]
Kung ang bitter chocolate ay
purong chocolate liquor, ang white chocolate naman ay walang chocolate liquor, kaya
itoy hindi maituturing na chocolate. Itoy gawa sa cocoa butter, asukal at gatas.
[11][4]
Ang
milk chocolate naman ay ang pinakamabiling chocolate sa lahat. Itoy gawa sa
chocolate at gatas na napakahirap pagsamahin dahil ang chocolate ay fat at ang gatas
ay tubig.
[10]
Samantalang ang dark chocolate ay gawa sa pinaghalong fat at asukal at
kung lalagyan man ng gatas ay napaka-kaunti lamang.
[6]
Ayon sa isang pag-aaral kapag ang lalaki ay may gustong kainin, ito ay ang
mga pagkain na maaalat at matataba samantalang ang mga babae naman ay
matatamis tulad ng chocolate. Ngunit ano nga ba ang epekto ng chocolate sa katawan?
May katotohanan ba na itoy nagdudulot ng tighawat at nakasisira ng ngipin.
[3]
Ayon sa
dalawang pag-aaral ng Pennsylvania School of Medicine at U.S. Naval Academy
kanilang napatunayan na ang pagkain ng chocolate ay walang epekto sa tighawat ng
tao. Hindi pa rin napapatunayan ng mga pag-aaral kung ang chocolate ay nagdudulot
ng pagkasira ng ngipin. Sa halip ang kanilang natuklasan ay ang kakayanan ng cocoa
butter na nasa chocolates na protektahan ang ngipin sa pagkakaroon ng plaque
ngunit hindi rin natin maiaalis ang katotohanan na ang asukal sa chocolate ay
nagdudulot ng pagkasira ng ngipin tulad ng asukal sa ibang pagkain.
Lahat ng sobra ay masama, kaya ang pagkain ng sobrang chocolate ay
magdudulot ng pagtaas ng blood cholesterol level dahil sa saturated fat ng cocoa
Pahina 5 ng 7

butter. Ang mataas na cholesterol level ang magiging dahilan ng pagkakaroon ng sakit
sa puso. Ngunit may isang pag-aaral sa University of California, Davis na nakatuklas
na ang chocolate ay may mataas na lebel ng phenolics. Ang phenolics ay isang
chemical na matatagpuan sa mga halaman, at ang mapait na lasa ng halaman ang
palatandaan na mayroon itong phenolics.
[3]
Ayon kay Andrew Waterhouse phenolics prevent fat-like substances in the
bloodstream from oxidizing and clogging the arteries at ang pagbabarang ito ay isa sa
pangunahing dahilan ng heart attack. Ngunit kanyang sinabing It's not known if the
phenolic compounds, like the flavenoids that are present in chocolate, can reduce
disease. It's well known that these substances are antioxidants in a chemical sense. .
.but we don't have strong, large-scale, controlled human studies. Kaya palalawakin pa
nila ang pag-aaral hanggang mapatunayan na ang phenolics na nasa chocolate ay
talagang makakatulong sa pag-iwas ng sakit sa puso.
[3]
Bakit nga ba tayo kumakain ng chocolate pag-stress? Totoo bang
nakakatulong ito para guminhawa ang ating pakiramdam? Ang chocolate ay
nakagagaan ng pakiramdam dahil sa mga chemicals na mayroon ito tulad na lamang
ng caffeine at theobromine. Ang caffeine ay matatagpuan sa chocolate sa napaka-
kaunting halaga lamang samantalang ang theobromine na isang weak stimulant ay mas
madami ng kaunti sa caffeine. Ang dalawang chemicals na ito ang nagdudulot ng
pagkaginhawa ng ating pakiramdam. Hindi lang caffeine at theobromine ang
matatagpuan sa chocolate mayroon din itong phenylethylamine. Ito ay isang malakas
na stimulant na nagbibigay sa atin ng kakayahang mas maging alerto.
Pahina 6 ng 7


[3]
Sa isang pag-aaral sa Neurosciences Institute in San Diego, California kanila
pang natuklasan na may isa pang chemical na nagbibigay sa atin ng maginhawang
pakiramdam at ito ay ang anandamide. Ang anandamide ay isang neurotransmitter.
Itoy matatagpuan sa chocolate at mayroon din tayo nito sa ating utak. Ang anandamide
ay dumadanas ng natural breakdown at itoy nagdudulot ng mas mahabang
pakiramdam ng pagkaginhawa. Ating tandaan ang anandamide ay nagbibigay ng
magaan na pakiramdam hindi ang pakiramdam ng pagiging high. Ang pag-aaral na ito
ay ginawa nina Emmanuelle diTomaso at Daniel Piomelli.
Ating tandaan na hindi pa huli ang lahat, huwag nating hayaan na tayoy
manatiling mang-mang sa mga bagay na nakapalibot sa atin. Ang munting pananaliksik
na ito na tungkol sa chocolate ay napakalaking dagdag kaalaman na ang maidudulot.
Huwag tayo makuntento sa ating mga nalalaman sapagkat araw-araw may bagong
kaalaman na natutuklasan.








Sanggunian:
1. Chocolate. Retrieved January 8, 2012, from http://www.chocolate.org/
Pahina 7 ng 7

2. Psychoactive. Retrieved January 8, 2012, from http://www.merriam-
webster.com/dictionary/psychoactive
3. The sweet lure of chocolate. Retrieved January 8, 2012, from
http://www.exploratorium.edu/exploring/exploring_chocolate/choc_2.html
4. Suzanne. Chocolate Trivia. Retrieved January 8, 2012, from
http://www.danschocolates.com/Trivia.html
5. Lancashire, R.J. (1995, August 23). Chocolate: An Introduction. Retrieved
January 8, 2012, from http://wwwchem.uwimona.edu.jm:1104/lectures/
cocoa.html
6. US Census Bureau (2003, October). Categorical Trivia Collection. Retrieved
January 8, 2012, from http://corsinet.com/trivia/vvv-triv.html
7. The Chocolate Review. Retrieved January 8, 2012, from
http://thechocolatereview.com/history-of-chocolate/the-history-of-chocolate.html
8. Test your chocolate I.Q. Retrieved January 8, 2012, from
http://www.chocolatesource.com/trivia/index.asp
9. Aphrodisiac. Retrieved January 8, 2012, from http://www.merriam-
webster.com/dictionary/aphrodisiac
10. (2012, January 6). Types of Chocolate. Retrieved January 8, 2012, from
http://en.wikipedia.org/wiki/Types_of_chocolate
11. Milk Chocolate. Retrieved January 8, 2012, from http://www.chocolate-
history.co.uk/milk-chocolate.htm

You might also like