You are on page 1of 29

GATEWAY DRUGS

HEALTH 5
QUARTER 3
WEEK 1
LAYUNIN
Matapos mong pag -aralan ang modyul na ito ay inaasahang
matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan:

• nauunawaan ang konsepto ng gateway drugs;


• naipapaliwanag ang konsepto ng gateway drugs;
• nasasagot sa pamamagitan ng sariling pagsisikap ang
mga katanungan sa modyul;
• nalilinang ang pagkamatapat sa pagwawasto ng sariling
gawain.
SUBUKIN
A. Panuto: Suriin ang mga produktong may sangkap na caffeine , nicotine at alcohol.
Isulat lamang ang inyong sagot sa inyong sagutang papel.
BALIKAN
Isulat ang L kung ang nakasaad sa pahayag ay mga pagbabago sa lalaki. Isulat naman ang B kung ang nakasaad sapahayag ay mga
pagbabago sa babae. Isulat naman ang LB kung ang pagbabago ay parehong nararanasan ng Lalaki at Babae.

________­­__ 1. Pagtubo ng bigote at balahibo sa binti

__________ 2. Bahagyang paglaki ng dibdib

__________ 3. Pagtaas ng timbang

__________ 4. Pagkakaroon ng buwanang daloy o Pagreregla

___________5. Paglabas ng lalagukan o adam’s apple

___________6. Pagtubo ng buhok sa kilikili at ibabaw ng ari

___________7. Pagbabago ng boses na minsan ay mababa at pumipiyok

___________8. Paglapad ng balikat at pagkitid ng Balakang

___________9. Pagsisimulang pagkakaroon ng hugis ng dibdib

___________10. Pagsisimulang magkaroon ng Tagyawat


TUKLASIN
Tingnang mabuti ang mgalarawan sa ibaba at ilista sa iyong sagutang papel ang
mga pagkain o inumin na madalas mong kinakain o iniinom.
SURIIN
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan :
1. Alin sa mga produktong ibinigay sa itaas ang iyong kinahihiligan at
bakit ?
2. Nakabubuti ba ang mga ito sa iyong kalusugan ?
3. Magagawa mo bang mapangkat ang mga ito batay sa kanilang
sangkap ?
4. Ano ang tawag sa mga produktong may sangkap na nicotine , alcohol
at caffeine?
caffeine
alcohol
caffeine
nicotine
Pinatnubayang Gawain B:
Iguhit ang masayang mukha kung nagpapakita ng pagsangayon sa
pangungusap at malungkot naman kung hindi.
1. Uminom ng maraming tsaa.
2. Kumain ng isang kahon ng tsokolate araw-araw.
3. Uminom ng kape sa umaga, tanghali at gabi.
4. Iwasan ang paninigarilyo.
5. Ubusin ang isang kaha ng sigarilyo sa loob ngisang araw lamang.
6. Uminom ng tamang dami lamang ng alak.
7. Nakabubuti ang pag-inom ng maraming alak sakalusugan.
8. Upang lumakas ang katawan, uminom ngmaraming energy drink.
9. Pare-pareho ang nilalamang caffeine ng mgainuming soda tulad ng coke at
pepsi.
10. Kontrolin ang dami ng tsokolateng kinakain.
Isaisip
 
Tandaan na ang mga produktong may gateway drugs
tulad ng __________,__________ at __________ ay
nakasasama sa ating katawan lalo na kung madalas at
marami ang kinakain o iniinom nating may mga
sangkap nito. Ito ay maaaring magresulta n gating
pagkaadik sa mga produktong ito.
 
Isapuso
Basahing mabuti ang sitwasyon sa ibaba at sagutin ang katanungang
kasunod nito sa isang buong pangungusap.

Natutunan mo na ang mga produktong may sangkap na


gateway drugs tulad ng nicotine , alcohol at caffeine. Recess na
naman at kailangan mo ng bumili ng pagkain at inumin sa
kantina ,marami kang pagpipilian tulad ng nilagang saging ,
chips , coke , ice tea at buko juice. Anong pagkain at inumin
ang bibilhin mo ? Ipaliwanag kung bakit ang mga ito ang
iyong napili.
ISAGAWA

Magbigay ng tig tatlong produktong may sangkap na caffeine , nicotine at alcohol.

Caffeine Nicotine Alcohol


     
1. 1. 1.
     
2. 2. 2.
     
3. 3. 3.
 
 
 
Pagtataya
Isulat sa patlang ang / kung ang pahayag ay tama tungkol sa gateway
drugs at X naman kung hindi.
____1. Ang caffeine ay sangkap ng produkto na nakapagpapagising
at nakakapagpapaalisto sa taong nakakainom o nakakakain nito.
____2. Ang nicotine ay nakabubuti sa ating katawan.
____3. Ang tsokolate ay mayroong aktibong sangkap ng alcohol.
____4. Nakabubuti ang uminom ng kape umaga , tanghali at gabi
upang maging aktibo at alisto sa mga gawain.
____5. Ang pagsisimulang manigarilyo ng mga kabataan sa kanilang
murang edad ay maaaring magdulot ng mas lubhang epekto sa
kanilang katawan.

You might also like