You are on page 1of 1

MAPEH – HEALTH 5

Summative Test No. 2


3rd Quarter

Pangalan: ________________________________ Score: _____

I. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.

_______1. Ang drogang ito ay nakahahalina at nakaaakit gamitin kung kaya’t paulit-ulit na ginagamit o tinitikman hanggang
maging bahagi na sila ng pang-aaw-araw na buhay ng isang tao.
a. sleeping pills b. drogang gateway c. ipinagbabawal na gamot
_______2. Nakapagdudulot ito ng karagdagang enerhiya subalit kung labis ang paggamit nito ay nakasasama sa katawan.
a. alcohol b. tabako c. caffeine
_______3. Ito ay matatagpuan sa sigarilyo at iba pang produktong tabako.
a. nikotina b. caffeine c. mineral
_______4. Ito ay sangkap ng inuming alkohol?
a. cocaine b. caffeine c. ethanol
_______5. Ito ay isang agrikultural na produkto na hinahango mula sa mga sariwang dahon ng mga halaman.
a. alcohol b. tabako c. caffeine
_______6. Ang sumusunod na pangkat ay mga halimbawa ng mga produktong may caffeine.
a. vodka, rum at beer b. softdrinks, tsaa at tsokalate c. sigarilyo at muskada
_______7. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga produkto ang naaayon sa tamang pangkat ng drogang gateway?
a. tuba, beer at energy drink b. kape, tabako at tsaa c. lambanog, basi at alak
_______8. Alin sa mga ito ang epekto ng caffeine sa katawan ng tao?
a. sakit sa baga, matinding ubo, stroke
b. insomnia, pagiging nerbiyoso, madalas na pag-ihi
c. kawalan ng balanse sa katawan, pananakit ng ulo at katawan, aksidente sa lansangan
_______9. Alin naman sa mga ito ang epekto ng alkohol sa katawan?
a. sakit sa baga, matinding ubo, stroke
b. insomnia, pagiging nerbiyoso, madalas na pag-ihi
c. kawalan ng balanse sa katawan, pananakit ng ulo at katawan, aksidente sa lansangan
_______10.Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng paninigarilyo sa ating katawan?
a. kanser sa baga, bibig at lalamunan b. altapresyon c. sakit sa atay

II. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI kung hindi Wasto.

_______1. Ang sobrang paggamit ng mga produktong may sangkap na caffeine ay nagdudulot ng karamdaman sa katawan ng tao.
_______2. Walang naidudulot na maganda sa katawan ng tao ang paninigarilyo.
_______3. Nakalulutas ng problema ang pag-inom ng inuming may alkohol.
_______4. Ang sigarilyo ay nagtataglay ng protina na kailangan ng tao.
_______5. Nakatutulog ng mahimbing ang taong mahilig uminom ng kape.
_______6. Sa kagustuhang madaling mapabilang sa isang grupo, napipilitang manigarilyo ang ibang matatanda maging ang mga
kabataan na hindi alintana ang epekto nito sa kanilang katawan
_______7. Ang alkohol ay may panandalian at pangmatagalang epekto sa katawan ng tao.
_______8. Mas mahaba ang buhay ng mga taong naninigarilyo kaysa sa mga taong hindi natutong manigarilyo.
_______9. Bagaman nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan, ang labis na paggamit ng drogang gateway ay mapanganib sa
kalusugan ng tao at nakapagdudulot ito ng iba’t ibang karamdaman.
_______10. Ang madalas na paggamit ng drogang gateway ay nauuwi sa paggamit ng mas malakas at ipinagbabawal na droga o
gamot

You might also like