You are on page 1of 3

DINAMIKONG

GAWAIN SA
FILIPINO I

Ipinasa kay: Binibining Ira Coleen Barron

Ipinasa ni: Clarisse P. Gozon


I. Magsaliksik ng iba’t ibang tagline na makikita sa social media na may
malaking impak sa bayan. Bigyan ng paliwanag kung bakit nakapukaw ng
atensyon ang nasabing tagline sa mga mamamayan.

TAGLINES

1. Alaska Milk- “Wala paring tatalo sa alaska.”


2. Andok’s Litson-“Pambansang litsong manok.”
3. Barangay LS 97.1-“Tugstugan na!”
4. Bayantel-“Gaganda pa ang buhay.”
5. Bingo Biscuits-“Bibingo ka sa sarap!”
6. Chowking-“Tikman ang tagumpay!”
7. Cobra Energy drink-“Hindi umaatras ang may tunay na lakas!”
8. Datu puti Vinegar-“Mukhasim”
9. Family rubbing alcohol-“Hindi lang pampamilya pang isport pa!”
10. Fita biscuits- “Parang life”
11. GMA Channel 7 Network-“Kapuso ng bawat Pilipino”
12. Jollibee- “Bida ang sarap”,”Langhap sarap”
13. LBC-“Hari ng padala”
14. Mang inasal-“Hahanap hanapin mo”
15. Maynilad-“Dumadaloy ang ginhawa”
16. Mega sardines-“Tatakbarko ,tatak sariwa”
17. Meralco-“May liwanag ang buhay”
18. Rebisco-“sarap ng filling mo.”
19. San Miguel beer-“Samahang walang katulad.”
20. Skyflakes crakers-Ïto na ang break mo.”

MGA PALIWANAG
1. Napukaw ang tagline na ito sa mga mamamayan dahil nag sasabi ang pahayag
na ang Alaska ang pinakamasarap na gatas.
2. Sinabi nilang pambansang litsong manok ang andoks sa pagkat galing pilipinas
ang may ari nito at dito lang ito sa pinas mayroon at nararapat na tangkilikin ng
mga Pilipino ang kanilang produkto.
3. Sinabing tugstugan na dahil isang radio istasyon ang nag pahayag nito upang
makapukaw ng makikinig ng kanilang mga musika.
4. Napupukaw nila ang atensyon gamit ang tagline na ito dahil mas magkakaroon
ng iba pang pag kakaabalahan at pang aliw ang mga tao kung sila ay mag
tatangkilik ng kanilang produkto.
5. Nasabi ang tagline na ito dahil sa pangalan ng produkto at pinapahayag nilang
pag tinikman mo ang kanilang produkto ay talaga naming masisiyahan at
masasarapan ka.
6. Nakakapukaw ang tagline na ito sapagkat pag tinikman mo raw ang kanilang
produkto ay para ka naring nakaranas ng tagumpay at alam naman nating
masarap sa pakiramdam ang tagumpay.
7. Nakakapukaw ang binitawang tagline ng produktong ito sapagkat ang
produktong ito ay isang pampalakas at pang paenerhiya at pinupukaw nito ang
atensyon ng mga taong madalas pagod sa araw araw na Gawain nila.
8. Nasabing mukhasim ang tagline nila sapagkat talaga namang maasim ang
kanilang produkto at upang mapukaw ang atensyon ng mga mamimili na bumili
ng kanilang produkto.
9. Napupukaw nila ang atensyon ng mga tao sapagkat hindi lahat ng alcohol ay
pwedeng gamitin pang pamilya at pang sport.
10. Nakakapukaw ang tagline na ito sapagkat ang pag kain ang nag bibigay bujay at
lakas satin.
11. Pinupukaw nila ang mga tao sapagkat mula raw sa puso ang kanilang mga
pelikula.
12. Nakakapukaw ang tagline na ito dahil nag papahayag ito na kahit amoy palang e
masarap ang pagkain sa store na ito.
13. Mapupukaw nila ang atensyon ng mga tao sa pahayag na tagline na ito sapagkat
mas marami ang nagpapadala sa kanila at nauna sila sa ganoong klase ng
trabaho.
14. Napupukaw ng tagline na ito ang mga mamamayan na muli silang mag
papabalik balik sa store na ito dahil sa sarap ng produktong hindi nila
makakalimutan.
15. Napupukaw nito ang mga mamamayan sapagkat mas giginhawa ang mga tao
kung sila ay may sariling tubig na dadaloy nalamang sa kanilang mga gripo imbis
na mag igib.
16. Mapupukaw nila ang atensyon ng mga tao sapagkat sinasabi nilang sila mismo
ang nang huli ng isda na ginamit sa produkto at ito ay masisiguradong bago pa.
17. Nakakapukaw ang tagline na ito sapagkat totoo namang mas maliwanag ang
buhay kung tayo ay makakakita ng maaayos sa tulong ng liwanag.
18. Mapupukaw ang atensyon ng mga mamamayan dahil nag papahayag ang
tagline na ito na masarap ang palaman ng biskuwit na kanilang binebenta at
parang lagi mo itong ka piling.
19. Nakakapukaw ang tagline na ito sapagkat noon pa man ay alam nating
nagagamit at naiinom na ang produktong ito ng mga mag kakaibigan at nag
papatunay na hindi sila mag iiwanan.
20. Mapupukaw nito ang atensyon ng mga mamamayan sapag kapag bakante ang
kanilang oras at gutom sila ay maari silang kumain ng produktong ito upang hindi
na muna sila makaramdam ng gutom.

You might also like