You are on page 1of 3

Bagong Agriculture visa na solusyon sa kakulangan ng mga manggagawa sa

sakahan ng Australia hindi pa nasimulang ipatupad.

Naantala ang pagpapatupad ng bagong Agriculture visa sa Australia.


Disyembre taong 2021 pa inasahang magdadala ng mga manggagawa sa sakahan
ng bansa mula sa mga bansa sa Sourtheast Asia, pero hanggang ngayon wala ni
isang bansa ang nagkompirma.
Kaya naging sanhi ito ngayon ng tensyon sa loob mismo ng gobyerno.
Ayon sa Cherry farmer na si Tom Eastlake, dahil sa pandemya apektado ang
kanilang negosyo lalo’t hirap silang makakuha ng mga manggagawa mula sa ibang
bansa at kahit mula sa kanilang mga lugar.

Highlights
Foreign Minister Marise Payne nangakong pabilisan ang paggawa ng kasunduan
sa Agriculture visa ng mga bansa sa ASEAN
Inaalala ng mga bansa ng ASEAN ang proteksyon ng mga manggagawa, lalo na ang
pagbibigay ng mababang sahod
Secretary ng Australian Workers Union, Daniel Walton nakikipangpulong sa mga
embahada ng Southeast Asian na kung maaari huwag makipagkasundo sa
Agriculture visa ng bansa

Dagdag nito dahil kulang ang katulong sa pag-ani ng mga prutas at ibang
produkto sa kanilang mga sakahan, karamihan sa kanilang produkto ay natatapon
lang kaya apektado ng lubos ang sektor ng agrikultura.
Ayon sa gobyerno ang mga manggagawa ay mula sa sampung bansa na kasapi ng
Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.
Kabilang dito ang mga bansa na Thailand, Cambodia, Brunei, Myanmar,
Philippines, Malaysia, Laos, Vietnam, Singapore, at Indonesia.

Sa kasalukuyan may apat na bansa na ang kanilang kinakausap para makatulong


sa krisis ng manggagawa sa sektor ng agrikultura ng bansa.

At sa apat na yon, ang bansang Indonesia pa lang lumagda sa kasunduan, habang


ang tatlo walang pang pinal na desisyon.

Ayon kay Agriculture Minister David Littleproud sa panayam nito sa SBS -ang pag-
usad ng visa na ito na unang inanunsyo noon pang Hunyo taong 2021 ay
nakasalalay kay Foreign Minister Marise Payne.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs ang bilateral na kasunduan ng


Indonesia at ng Australia ay umuusad na pero dapat magkasundo ang dalawang
bansa sa nailahad na kasunduan.

Pero sabi ng mga embahada patuloy ang pakikipag-usap ng Australian


government sa kanila pero wala pang pinal na desisyon .

Kumambyo naman si Foreign minister Marise Payne sa Senate Committee,


minamadali na ng gobyerno ang kasunduan para matapos sa madaling panahon.

Base sa malayang kalakalan ng bansa, o free trade deal sa United Kingdom


inaalis na ng Australia ang kautusan na dapat magtrabaho ng walumpu’t walo na
araw sa mga sakahan silang mga Bristish backpackers para maaring manatili sa
bansa ng dalawang taon.

Inamin din ni Littleproud nabagalan sila sa proseso ng programa at katiting lang


sa kabuuang problema ng kakulangan ng manggagawa sa sakahan ang naipakita
nito .

Kaya hinimok ng mga MP sa regional area na mdaliin ito at agarang solusyonan


ang problema lalo’t eleksyon na naman, pero nauna ng nagbangayan ang partido
ng National at Liberals dahil dito.

Isa sa mga inaalala ng mga naturang bansa na baka ma-abuso ang kapakanan ng
kanilang mga manggagawa. Patunay dito ang umano'y nangyaring pagbibigay ng
mababang sahod sa mga Pacific Island workers na ayon sa kanila umabot lang sa
$100 dollars ang sahod sa loob ng isang linggo.

Kaya ikinampanya ng Secretary ng Australian Workers Union na si Daniel Walton


sa mga embahada ng mga bansang kasapi ng ASEAN na huwag makipagkasundo
sa Agriculture visa program ng bansa.

Dahil may mga kasalukuyang kasunduan na pero marami ang naaabuso. May
naiulat na nagtatrabaho ng 64 na oras sa isang linggo at ang sahod ay $100, hindi
lang ito nangyayari sa mga Pacific Islanders, marami pa ang mga visa holders na
nakakaranas ng ganito."

You might also like