You are on page 1of 2

DAHILAN AT EPEKTO NG MIGRASYON

Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang bansa ay tinatawag na


economic migrants o iyong naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang
mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Ang grupong ito ng mga migrante ay mabilis
na dumarami sa kasalukuyang panahon. Bunga ng globalisasyon, mas madali na
ngyaong makahanap ng trabaho sa ibang bansa. Ang mayayamang bansa ay
nakararanas ngayon ng pagbaba ng populasyon kaya’t naghahanap sila ng mga
manggagawa mula sa ibang bansa upang maitaguyod ang kanilang pambansang
ekonomiya.
Ayon sa ginawang pag-aaral narito ang ilang dahilan ng pag-alis o paglipat na
kalimitang nag-uugat sa mga sumusunod:

• Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang


maghahatid ng masaganang pamumuhay.
• Paghahanap ng ligtas na tirahan.
• Panghihikayat ng mga ilang kapamilya o kamag-anak na matagal nang
naninirahan sa ibang bansa.
• Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga
bansang indutriyalisado.

Sa tala noong 2012, tinatayang mahigit sa 10 milyong Pilipino ang


naghahanapbuhay sa mahigit 190 bansa sa daigdig. Kabilang sa mga ito ang 3.5
milyong Pilipinong permanente nang naninirahan bilang imigrante sa ibang bansa,
tulad ng United States, Canada, Australia, Japan, United Kingdom, at Germany.
Mayroon ding 3.8 milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) o temporary migrants
na nagtatrabaho sa mga bansang tulad ng Saudi Arabia, United Arab Emirates,
Kuwait, Hongkong, Japan, Italy, at Spain. Samantala, umaabot naman sa 800,000
ang mga migranteng walang legal na papeles.
Ang kadalasang dahilan ng migrasyon ng mga Pilipino ay ang paghahanap ng mas
magandang trabaho na may mas malaking sahod upang matustusan ang
pangangailangan ng pamilya. Bukod pa rito, nananatiling malaking suliranin ang
unemployment o kawalan ng trabaho ng maraming Pilipino.
Tunghayan natin ang sumusunod na talahanayan na nagpapakita ng talaan ng
mga bansang pangunahing destinasyon ng mga Overseas Filipino Workers. Isa sa
mga dahilan ng pagnanais ng mga Pilipino na magtrabaho sa mga bansang ito ay
ang mataas na demand sa mga trabaho, mataas na pasahod at mga ilang
magagandang benipisyo.
TOP 10 DESTINATIONS/COUNTRIES OF OVERSEAS FILIPINO (2013)
RANK COUNTRIES FILIPINO MIGRANTS
1 USA 3,535,676
2 SAUDI ARABIA 1,028,802
3 UAE 822,410
4 MALAYSIA 793,580
5 CANADA 721,578
6 AUSTRALIA 397,982
7 ITALY 271,946
8 UNITED KINGDOM 218,126
9 QATAR 204,550
10 SINGAPORE 203,243

EPEKTO NG MIGRASYON

1. Pagbabago ng populasyon
Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay may tuwirang
epekto sa migrasyon sa mga bansang mabilis tumaas ang populasyon, lalo na sa
mga naghihirap na mga bansa, tinataasan ang mga buwis na ipinapataw sa
mamamayan para sa impraspraktura, edukasyon, kalusugan, at serbisyong
panlipunan. Nagiging suliranin din ito kung hindi kayang suportahan ng
ekonomiya ang paglaki ng populasyon. May mga naulat na kaso kung saan
pinabalik ng mga bansa ang mga migrante sa kanilang pinagmulan dahil sa krisis
sa ekonomiya.

2. Kaligtasan at karapatang Pantao


Ayon sa International Organization for Migration, umabot na sa milyon-milyong
migrante ang walang kaukulang papeles taon-taon. Ang mga migranteng ito ay
naharap sa mapanganib na mga paglalakbay, pang-aabuso ng mga ilegal na
recruiter at smuggler, mahihirap na kondisyon ng pamumuhay, at kawalan ng
suporta pagtapak nila sa ibang lupain. Sanhi ng kanilang ilegal na kalagayan,
takot din silang humingi ng tulong sa pamahalaan kapag nakararanas sila ng mga
pangaabuso.

3. Pamilya at Pamayanan
Ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga naiwang
pamilya, lalo na sa kanilang mga anak. Nangungulila ang mga anak at naiiwan sa
pangangalaga ng ibang kaanak tulad ng lolo, lola, tiyo, o tiya. Ang pagkakaroon ng
matibay na ugnayan ng extended family o mga kaanak ay nakatutulong upang
masiguro ang mabuting pagpapalaki sa kabataan kahit na malayo ang kanilang
mga magulang.

4. Pag-unlad ng Ekonomiya
Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas,
maraming OFW ang nakapag-ahon sa kanilang pamilya sa kahirapan.

5. Brain Drain
Kung saan matapos makapag-aral sa Pilipinas ang mga eksperto sa iba’t ibang
larangan ay mas pinili nilang mangibang bansa dahil sa mas magandang
oportunidad na naghihintay sa kanila. Bunga nito hindi na sila nakatutulong o
nakapagsisilbi sa sariling bayan.

You might also like