You are on page 1of 1

Week 2 | Performance Task

Ako ay tutol sa Rice Tariffication Law dahil sa sumusunod na mga argumento:

1. Ang Rice Tariffication Law ay naging rason sa ₱10 kada kilo ng bigas na bili sa mga
magsasaka, malayo sa ₱20 kada kilo na gusto nila. Ito ay nagresulta sa mababang kita ng mga
magsasaka sa bansa, kung kaya hindi nila matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa
araw-araw at ang pagpapalago ng kanilang sakahan.

2. Ayon sa inquirer.net, ang buwis na nalikom sa Rice Tariffication law ay umabot ng ₱19
bilyon, ngunit kinakalkulong nasa ₱60 bilyon naman ang nabawas sa kita ng mga magsasaka
sa taon 2021. Dahil sa implementasyon ng batas, napipilitang ipagbili ng mga magsasaka ang
kanilang ani sa mababang presyo dahil kung hindi ay hindi sila makakabayad sa utang na
ginastos nila bilang puhunan sa pagsasaka. Ang buwis na nalilikom sa Rice Tariffication Law
ay hindi kayang tumbasan ang perang nawawala sa mga magsasaka taun-taon.

3. Ang gastos sa rice production kada kilo ng palay ay tumaas, mula sa ₱11.52 noong 2020, ito
ay umabot ng ₱16 sa kasalukuyang panahon. Ito ay nagresulta sa mababang kita ng mga
magsasaka lalo na’t mababa din ang bili sa kanila. Ang pagtaas sa gastos sa production ng
bigas ay malaking hamon para sa mga magsasaka sa bansa, ito ang rason sa kanilang
pagkalugmok sa utang at patuloy na paghihirap.

You might also like