You are on page 1of 9

WALA raw tayong magagawa sa globalisasyon.

Sa panahon daw na ito,


hindi na puwedeng hadlangan ng mga bansa ang pagpasok ng produkto
mula sa ibang lugar. Dapat sumali lahat sa World Trade Organization.
Kung hindi, pagkakaisahan ng mundo na huwag ding bumili ng produkto ng
suwail na bansa.

Maghihirap ito.

Sa free trade raw na dulot ng globalisasyon, matitikman ng bawat bansa


ang murang produkto ng iba. Bababa ang presyo ng bilihin. Lahat
makakakain at mamumuhay nang sapat.

Ows? O ayan, sa ngalan ng free trade, pumasok sa Pilipinas ang sobrang


semento ng Taiwan. Nagsara ang pitong pabrika sa Luzon at halos malugi
ang tatlo pa. Maraming nawalan ng trabaho. Mura nga ang semento, pero
may pambili ba ang walang kinikita?

Buti kung semento lang. Dumagsa ang gulay mula sa Australia at mais
mula sa China. Bumagsak nga ang presyo ng karot, pechay at mais. Pero
kinain ang dating kita ng maggugulay sa Cordilleras at magmamais sa
Nueva Ecija. Mura nga ang bilihin, wala naman silang pambili.

Dumadagsa na rin ang karne, isda, damit, tela at iba pang gawa sa ibang
lugar pero produkto rin ng Pilipinas.

Patas ba talaga ang free trade, o pabor lang sa malalaking bansa? US ang
pinaka-masugid sa free trade. Pero nang umangal ang American steel
factory owners sa pagdagsa ng bakal mula Russia at South America,
pinatawan ni George W. Bush ang imports ng 30-porsiyentong taripa.
Naka-angal ba ang ibang bansa? Hindi.

Sa Europe ang headquarters ng WTO. Pero hindi nito madisiplina ang


European Union. Bilang tulong daw ng EU members sa mga dating
kolonya sa Africa, Latin America at Pacific, inalis nila ang taripa sa tuna
imports. Pero ang Pilipinas na 350 taon sa ilalim ng Spain, tinarakan ng 30-
porsiyentong taripa ang tuna mula sa GenSan. Free trade ba ‘yon?
Mga Benepisyo ng Kalakalan
- Nakabibili ng mga produktong hindi napprodyus sa loob ng bansa
- Dumadami ang mapagpipilian na produktong bilihin ng mga mamimili
- Kumikita ang pamahalaan sa pamamagitan ng tariff/taripa
- Tumataas ang kita ng mga prodyuser na nageexport
Magandang gabi sainyo Sir Peter, at mga tagapakinig
at sa aming mga katunggali. Ako, kasama ng aking grupo ay
nagsasabi na ang global free trade ay mas maraming hindi
magandang epekto kesa sa magandang maidudulot neto.
Ano ng ba ang global free trade? Ito free trade ay ang
pakikipagpalitan ng mga produkto sa iba’t ibang bansa kung
saan walang binabayarang buwis at walang nakatakdang
dami ang mga produktong iniluluwas (export) at inaangkat
(import) sa pagitan ng dalawang magkasundong bansa.
Ngayon, ako at ng aking mga kasapi ay sang-ayon na ang
free trade ay mas maraming hindi magandang maidudulot.

Isa na sa mga ito ay ang domestic unemployment,


halimbawa sa ngalan ng free trade, pumasok sa Pilipinas
ang sobrang semento ng Taiwan. Dahil dito malaki ang
chance na magsara o malugi ang mga pabrika sa loob ng
bansa. Maraming nawalan ng trabaho. Mura nga ang
semento, pero may pambili ba ang walang kinikita?

Sunod, nababawasan ang maaaring kita ng


pamahalaan na nagmumula sa taripa na maaaring gamitin
sa pagsasagawa ng proyekto. At paniguradong maraming
maapektuhan neto dahil hindi naman ay delevoped country
tulad ng US, kaya kung iaapply to sa mga bansa
paniguradong ang malalaking bansa lang ang makikinabang.
Magandang gabi sir Peter, mga tagapakinig at sa aming mga
katunggali. Ako at ng aking mga kasapi ay hindi sang-ayon na
mas maraming epekto neto kesa sa magagandang maidudulot
neto.

You might also like