Week 1 Day 1 Layunin: 1. Natutukoy ang mga oportunidad na maaaring mapagkakitaan (products and services) sa tahanan at pamayanan
1.1 spotting oportunities for products
and services Pagganyak Tingnan at kilalanin ang mga larawan. Tingnan at kilalanin ang mga larawan. Paglalahad 1. Sino ang may- ari ng tingiang tindahan? 2. Ano ang ginawa ni Aling Sonia sa kanilang bakuran? 3. Paano siya nagkaroon ng tingiang tindahan? 4. Ano ang mga ginawa ni Aling Sonia upang mapaunlad ang kanyang tingiang tindahan? Mga halimbawa ng mga oportunidad na maaring pagkitaan sa tahanan at pamayanan 1. Kung mayroon kayong refrigarator o freezer sa bahay ay maaaring magtinda ng ice, ice water, ice candy, ice buko at ang nauuso ngayon na ube cream. 2. Kung marunong kayong magluto ay maaari rin namang magtinda ng hotcake na isa sa mga paborito ng Pinoy na pang-almusal o di kaya'y mga kakanin katulad ng suman, biko, kutsinta, puto at iba pa. Gayundin ay magluto ng mga ulam at gulay. Pwede ka ring tumanggap ng orders o magpa-cater o ipalako mo sa iyong anak sa mga bahay-bahay, at pwede rin namang magbukas ng maliit na pwesto sa harap ng iyong bahay. 3. Kung marunong kang manggantsilyo, magburda at manahi kung may makina sa bahay. Isa rin ito sa mga maaaring pagkakitaan kahit madalas ay libangan lamang ito ng mga babae lalo na ng mga may edad na. Gumawa ng mga kurtina, sapin, basahan, punda, at kung may mas malaking puhunan ay manahi ng mga damit o mga abaya, belo, totob (kupya). 4. Kung marunong gumawa ng mga burloloy katulad ng mga kuwintas, singsing, hikaw at iba pa. O gumawa ng mga paper bag, headband, basket, gift souvenirs at mga native items.
5. Maari ding magtayo ng isang tingiang
tindahan. Magsimula sa maliit na puhunan at siguraduhin lamang nakasusunod sa mga dapat gawiun upang ito ay masigurading kikita. Sino sa inyo ang nakaranas nang kumita ng pera at sa paanong paraan? Nais din ba ninyong kumita ? Ano ang maari mong gawin? Paglalahat Anu-ano ang mga maaaring mapagkakitaan sa tahanan? Pamayanan? Pagtataya Isulat ang tsek (√) kung maaaring mapagkakitaan ang nasa pahayag at ekis (x) naman kung hindi. __1. Pananahi / pagbuburda __2. Pag-iimbak ng pagkain __3. Pag-aalaga ng mga hayop __4. Pagsira ng mga kagamitan __5. Pagbebenta ng mga kalakal Pagpapayam an ng Gawain Gumupit ng mga larawan ng mga produktong maaring mapagkakitaan sa inyong pamayanan. Idikit ito sa inyong kwaderno at ibahagi sa klase bukas.