You are on page 1of 25

1.

Ano ang mga pinagkakakitaang negosyo na


makikita sa larawan?
2. Ang mga sumusunod na negosyo ba ay maaring
pagkakakitaan sa tahanan at pamayanan?
3. Sa inyong pamilya, mayroon ba na ang
pinagkakakitaan ng mga magulang ay
pagtitinda?
4. Paano ang simpleng gulayan sa tahanan ay
maaring mapagkakitaan?

ANG TINGIANG TINDAHAN NI ALING


SONIA

Si Aling Sonia ay simpleng may bahay lamang.


Siya ay may tatlong anak na nag-aaral sa
elementarya. Nakatira sila sa isang maliit na
bahay gawa ng kakupusan sa buhay.
Problema niya kung paano matutustusan ang
pangangailangan ng pamilya dahil sa pagkamatay
ng kaniyang asawa. Ang tanging mayroon lamang
siya ay ang naitabi niyang pera noong
nagtatrabaho pa ang kaniyang asawa para sa
kanila.

Naisip niya na magtanim ng gulay sa kanilang


bakuran na kahit papaano ay may mapagkukunan
ng gulay kung sila ay wala na talagang pera. Hindi
akalain ni Aling Sonia na mamumunga ng marami
ang kaniyang tanim na talong at upo.
Iniiip niya na baka mabulok lamangg ang inani
niyang gulay. Minabuti niyang itinda na lamang
ito sa kalye. Laking gulat niya na kumita sya ng
halos tatlong daang piso.

Pinagpatuloy niya ang pagtatanim at


pagbebenta hanggang sa makaipon siya ng
malaking puhunan upang magsimula ng isang
maliit na tindahan ng gulay sa harap ng kanilang
bahay.
Lumaki ng husto ang tindahan ni Aling Sonia
hanggang sa untiunting nadagdagan ang kanilang
tinda. Laging sinisigurado ni Aling Sonia na laging
malinis ang kaniyang tindahan, ayos ang mga
paninda ayon sa uri, malinaw ang pagkakasulat ng
presyo sa paninada, nagbibigay ng sukli ng tama
at pagkukuwenta ng binilhan, at laging tapat sa
pakikipag-usap sa mamimili at nagpapakita ng
maayos na serbisyo.

GROUP ACTIVITY

Mga Halimbawa Ng Mga


Oportunidad Na Maaring
Pagkitaan Sa Tahanan
At Pamayanan

Kung mayroon kayong


refrigarator o freezer sa bahay
ay maaaring
magtinda ng ice, ice water, ice
candy, ice buko at ang nauuso
ngayon na
ube cream.
1.

2. Kung marunong kayong magluto ay


maaari rin namang magtinda ng
hotcake na isa sa mga paborito ng
Pinoy na pang-almusal o di kaya'y mga
kakanin katulad ng suman, biko,
kutsinta, puto at iba pa. Gayundin ay
magluto ng mga ulam at gulay. Pwede
ka ring tumanggap ng orders o magpacater o ipalako mo sa iyong anak sa
mga bahay-bahay, at pwede rin
namang magbukas ng maliit na pwesto
sa harap ng iyong bahay.

3.
Kung
marunong
kang
manggantsilyo, magburda at manahi
kung may makina sa bahay. Isa rin ito
sa mga maaaring pagkakitaan kahit
madalas ay libangan lamang ito ng
mga babae lalo na ng mga may edad
na. Gumawa ng mga kurtina, sapin,
basahan, punda, at kung may mas
malaking puhunan ay manahi ng mga
damit o mga abaya, belo, totob
(kupya).

4. Kung marunong gumawa ng


mga burloloy katulad ng mga
kuwintas, singsing, hikaw at iba
pa. O gumawa ng mga paper
bag, headband, basket, gift
souvenirs at mga native items.

5. Maari ding magtayo ng isang


tingiang tindahan. Magsimula
sa maliit na puhunan at
siguraduhin
lamang
nakasusunod sa mga dapat
gawiun
upang
ito
ay
masigurading kikita.

Panuto:
Masdan ang mga larawan sa ibaba.
Lagyan ng tsek (/) ang mgalarawan
ng mga produkto o serbsiyong kung
ito ay may oportunidad na
pagkakitaan sa tahanan o
pamayanan. Ekis (X) kung wala

1. Sari-Sari Store

2. Pag-aalaga ng Baboy

3. Pananahi ng mga Damit

4. Pag-aalaga ng Manok

5. Pagtatanim ng Okra

You might also like