You are on page 1of 5

MGA BAHAY

BAHAY NA BATO

Noong dumating ang mga espanol, dala dala nila ang arkitektura nila, pero ang mga batong bahay na
ginagamit nila ay madaling nasipa kapag lumindol. Noong lumaki ang mga bayan at asyenda, ang mga
may pera ay gumawa ng mas malaking mga bahay. Ang tawag sa mga bahay nito ay “principalia” at
“ilustrados”. Itong mga bahay ay ginaya sa mga bahay kubo at ng mga bahay ng “Europe” at “Asia”. Ang
nga bahay nito – ang mga bahay na bato – ay naging ang pinakabantog na bahay sa Pilipinas.

Ang mga bahay na ito ay bukod-tangi sa mga nakatira sa loob nila at sa ibat ibang mga lugar. Ang mga
bahay nito ay dalawang palapag - nakatira ang pamilya sa pangalawang-istory. Malaki ang mga bintana
dito. Ang mga pinto nila ay capiz shell na puwedeng isara kapag bagyo. Kapag umulan, pumasok ang
hangin sa maliit na bintana sa ibabaw ng mga bintanang malaki. Sa ilalim ng mga malaking bintana, mga
maliit na bintana na binubuksan sa gabi.

Ang ilalim ng mga ding-ding ng bahay kubo ay bato. Sa unahan ng bahay akapuwesto dito ang karwahe
o kalesa ng pamilya. Pareho ng mga “endangered species”, nawawala ang mga bahay nito. Ang dating
pinaka-mahahalagang katangian ng bahay ay wala na.
Ang báhay-na-bató ay malaking bahay ng mga mariwa-sang pamilya noong panahon ng
kolonyalismong Español. Tinawag itong báhay-na-bató dahil may dingding na pinagpatong-patong
na mga bato at idinikit ng semento ang pang-ibabâng palapag nitó. Gayunman, kahoy ang mga
haligi, sahig, at dingding ng pang-itaas na palapag at karaniwang tisà ang bubungan. Malimit na
kahoy din ang hagdan at kahoy ang mga muwebles sa loob ng bahay.
Tinatawag din itong “bahay na kolonyal” dahil may pangkalahatang estruktura ng bahay mariwasa
sa España at pinalaganap sa mga kolonya nitó. Gayunman, iginigiit ng mga makabayang arkitekto
ngayon ang báhay-kúbo bilang pangkalahatang huwaran ng estruktura ng báhay-na-bató gayundin
ang inilakip na mga katutubo Asianong sangkap sa paglikha ng tinatawag naman niláng “tropikong
baroko” (“tropical baroque”). Nagdudulot ng ganap na proteksiyon ang mga dingding na bato sa
pang-ibabâng palapag ngunit hindi ito bahagi ng pangkalahatang estruktura na nakasandig sa mga
haliging kahoy at sumasaló sa kabuuang bigat ng sahig hanggang bubong ng pang-itaas na
palapad. Sa gayon, kapag inalis ang dingding na bato, ang báhay-na-bató ay katulad sa maraming
paraan ng isang bahay-kubo na pinalaki at ginawang bato ang silong.
Ang pang-ibabâng palapag ay karaniwang bodega ng pamilya, garahe ng karwahe at karo ng santo,
kabalyaresa, kamalig ng bigas at ibang pagkain, at silungan ng mga kutsero, hardinero, kusinera, at
ibang katulong. May tarangkahan itong matigas na at de-abaniko ang mga pinto, nasasahigan ng
batóng silyar, at may malinis at maluwang na pasilyo patungo sa malaking hagdan, na may siko o
hugis ispayral patungo sa pang-itaas na palapag. May maliit na sala sa dulo ng hagdan, tinatawag
na kaida (caida), at pansamantalang estasyon sa bisita. Pambungad din ito sa maluwang na sala
real na maaaring pagtipunan ng 50 o mahigit na panauhin at karaniwang nakaugnay sa kome-
dor na may mahabàng mesa. Ang kabuuan ng pang-itaas na palapag ay nilalagyan ng mga
naititiklop na partisyon para sa mga silid, pinamalaki ang silid ng senyor at senyora, at alinsunod ang
bilang sa kapritso ng may-ari. Antigo at matigas na kahoy ang gamit sa buong kabahayan. Ang mga
dingding ay nahihiyasan ng mga maluwang at mataas na durungawan. Kapis ang tatlo-apat na
panel ng bintana. Sa ilalim ng pasamano, may bentanilya na binubuo ng kahoy o bakal na
barandilya sa labas at dalawang uri ng durungawan sa loob, isang de-tiklop na persiyana at isang
islayding na panel. Ang kabuuang disenyo ay naglalayong magpahintulot ng pagdaloy ng liwanag at
hangin sa loob.
May karatig na asotea upang magpahangin at magmasid ng hardin. Karugtong ng komedor
ang kusina at ang kongkretong batalan na may paliguan at may bútas para sa pagtataas ng tubig
mula sa balon.
 Bahay Kubo

Ang bahay kubo (Ingles: nipa hut) o kubo lamang ay isang katutubong bahay na ginagamit sa Pilipinas.
Ang katutubong bahay ay gawa sa kawayan na itinatali na magkasama, na may isang binigkis na bubong
gamit ang dahon ng nipa / anahaw. Ang bahay kubo ay ang pambansang bahay ng Pilipinas. Ang bahay
kubo ay gawa sa kawayan na pinagtali at mga nipa.[1] Angkop ito laban sa hangin at ulan. Ngunit ito ay
madaling masira sa mga bagyo at madaling palitan.

Ang bahay kubo ay ang kauna-unahang bahay ng mga katutubong Pilipino bago dumating ang mga
Espanyol. Sila ay ginagamit pa rin sa araw na ito, lalo na sa mga mabukid na lugar. Iba't-ibang disenyo ng
arkitektura ang makikita sa iba't-ibang tribo sa bansa, kahit na lahat ng mga ito ay sumusunod sa
pagiging tiyakad bahay, kamukha sa mga matatagpuan sa kalapit na bansa tulad ng Indonesia, Malaysia,
Palau, at ang Mga Isla ng Pasipiko.

Parisukat ang hugis ng mga sinaunang bahay kubo. Ang mga ito ay may apat na dingding at may isa o
dalawang silid. Ang mga dingding nito ay yari sa kahoy at pawid,o kawayan at pawid. Ang iba naman ay
ginagamitan ito ng kogon sa halip na pawid. Ang haligi ay yari sa malalaki at matitigas na kahoy. Ang mga
ito ay nakabaon nang may tatlong talampakan ang ilalim sa lupa at nakapatongsa malaking patag na
bato. Nilalagyan din ng bato ang paligid ng haligi upang maging matatag ito. Mga maiikling poste na
umaabot sa sahig ang inilalagay sa ilalim ng bahay bilang dagdag suporta.

MGA HALAMAN

Pensamyento

Ingles: daisy o ang Asteraceae o Compositae (kilala sa Ingles bilang aster, daisy, o sunflower pamilya o
mga buntot ng sunflower) ay ang pinakamalaking pamilya ng mga halaman namumulaklak, ayon sa
bilang ng mga uri. Ito ay katulad ng krisantemo.

Puno ng Balete

ay isang igos na nagsisimula sa buhay nito bilang isang epiphyte, [2] i.e. isang planta na lumalaki sa isa
pang halaman, kapag ang binhi nito ay sumisibol sa isang pumutok o bungo ng puno ng puno o gusali.
Ang "Banyan" ay kadalasang tumutukoy sa Ficus benghalensis (ang "Indian banyan"), na siyang
pambansang punong kahoy ng Republika ng India, [3] kahit na ang pangalan ay pangkalahatan din sa
denominate ang lahat ng mga igos na nagbabahagi ng isang pangkaraniwang ikot ng buhay at ginagamit
nang sistematikong sa taxonomy upang denominate ang subgenus Urostigma.

Adelpa
Ito ay isang uri ng palumpong o maliit na puno . Ang lahat ng bahagi nito ay nakalalason. Ito ang tanging
“species” na kasalukuyang naiuri sa genus Nerium. Ito ay karaniwang kilala bilang Nerium o oleander,
mula sa mababaw na pagkakahawig nito sa hindi nauugnay na olive olea.

Sampaga

Ang sampaga ay anumang uri ng mababango at mapuputing mga bulaklak, kabilang na ang sampagita.
Mayroong halos 200 species nit sa mga rehiyon ng Eurasia, Australasia, at Oceania. Ito ay malawak na
nilinang dahil sa halimuyak na taglay nito.

MGA PERA

Pesos Fuertes

Kauna-unahang papel na ginawa sa Pilipinas ng El Banco Espanyol- Filipino de Isabella

Real

Real de a ocho kilala din bilang “Spanish Dollar”

Spanish Barilla

Gawa sa tanso at pilak, ito ang kauna-unahang barya na ginawa sa Pilipinas

Casa de Moneda de Manila

May dalawang klase nito, ginto at pilak. Ito ay minted. Sa pilak may larawan ito ni Alfonso VIII at sag into
naman ay si Isabe II.

Republika Pilipinas Papel Moneda

Salapi sa panahon ng kalayaan mula sa Espanya.

RELIHIYON

Layunin daw ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng Relihiyong Katolika Apostolika Romano sa kanilang
pangingibang- pook kaya unang ginanap ang misa at ang pagbibinyag sa mga katutubo. Hindi gaanong
nabangiot na layunin din nilang mapalawak ang kanilang sakop at mapalawak ang mapagbibilhan nila ng
kanilang mga produkto. Noong panahong iyon, wari’y hinati ng mga Kastila at Portuges ang daigdig
upang kanilang magalugad at masakop. Napasama sa maaaring puntahan ng mga Kastila ang Pilipinas
kaya sila ang nakapamayani rito. Isa pa sa dahilan nila sa paggalugad sa ibang panig ng mundo’y ang
paghahanap ng mga sangkap na pampalasa (spices).

Dahil sa layunin nila na pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sinunog nila ang mga nakasulat na
panitikan ng mga katutubo sa dahilang ang mga iyon daw ay likha ng demonyo. Pinalaganap nila ang
tungkol sa pananampalataya nila. Nag-aral ang mga prayle ng mga wika sa kapuluan at sumulat sila ng
mga gramtika at diksiyunaryo.

Ang kapuluan ay pinangalanang Pilipinas bilang pagpaparangal kay Haring Felipe II ng Espanya.
Inihayag ito ni Villalobos. Nagkaroon ng pagbabago sa pamamahala, pinalitan na ang dating mga
barangay at mang mga namumuno sa Pilipinas ay isang Gobernador- Heneral na siyang kinatawan ng
Hari ng Espanya sa Pilipinas. Madalas magkaroon ng pagbabago sa pamahalaan batay sa kung sino ang
namamahala sa Espanya. Samantalang ang mga prayleng namumuno sa mga simbahan sa kapuluan ay
hindi napapalitan. Sa gayo’y umabuso ang mga ito. Sila na ang nakapangyayari sa halip na ang
pamahalaan. Sila rin ang may hawak ng edukasyon ng mga bata na nagsisimulang magsipag- aral sa mga
kumbento.

Isa sa mahalagang pagpapalit na nagawa ay ang romanisasyon ng alibata. Mga titik na ang ginamit
ngunit mapapansin sa lumang mga kasulatan na ang f ay siyang s at ang v ay siyang w. Tulad ng
santiffimo at tavo.

Ipinasok na rin ng mga Kastila ang kanilang kalinangan, ang mga kasuotan, ang mga gawi, at ang mga
pagdadala ng mga bagay buhay sa Espanya, isa na rito ang alpa, piano, espada, libro atbp.

Sa larangan ng panitikan, marami silang mga ipinakilala sa mga Pilipino at isa na rito ang korido. Hindi
lamang panitkan ang kanilang itinuro sa kapuluan, nagturo rin sila ng gramatika, ngunit ang pagtuturo
nila nito’y batay sa pook na kanilang kinaroroonan. Ang mga prayle ang naging guro.

MGA PAGKAIN

prezi.com/ccpxlkoz-ceg/pamanang-pagkain-ng-mga-espanyol/

menudo

MGA KAUGALIAN AT TRADISYON

https://www.slideshare.net/sikolopil/namanang-kaugalian-at-tradisyon
https://prezi.com/arsxpmprbuih/pilipino-at-ang-kulturang-espanyol/

PAARALAN

https://tl.wikipedia.org/wiki/Edukasyon_sa_Pilipinas_noong_panahon_ng_mga_Kastila

You might also like