You are on page 1of 2

Ano ang unang tahanan ng ating mga ninuno noong unang panahon?

Unang Uri ng Tahanan

Ang panahanan ng ating mga ninuno noong unang panahon ay mga kweba. Ang kanilang mga labi, kagamitan at hayop na kinatay ay natagpuan ng mga arkeologo sa mga lugar na ito. Pinili nila ito marahil upang maging ligtas sa mga malalakas na bagyo, mababangis na hayop at iba pang pangkat ng tao. Halimbawa ng mga nakatira rito ay ang mga Homo Erectus na nakatira sa Kweba sa Lambak ng Cagayan.

Ikalawang Uri ng Tahanan

Sa paglipat ng ating mga ninuno sa kapatagan, sila ay nagtayo na yari sa kahoy, kawayan, pawid, yantok, sawali at iba pang uri ng halaman. Parisukat ang hugis ng mga sinaunang bahay. Ang mga ito ay may apat na dingding at may isa o dalawang silid. Ang mga dingding nito ay yari sa kahoy at pawid o kawayan at pawid. Ang haligi ay yari sa kahoy at ang bubong ay yari sa kahoy, kawayan at pawid. Ang iba naman ay ginagamitan ng kogon sa halip na pawid. Ginamit nila ang pawid, kahoy, at kawayan dahil ito ay angkop sa mainit na klima ng ating bansa. Malalaki rin ang mga bintanang inilagay nila sa kanilang bahay upang maging maliwanag at presko. Ang

silong ng bahay ay nababakuran at nagsisilbing lalagyan ng panggatong, imbakan ng palay o kulungan ng mga alagang hayop.Mayroong itong sala, silid-tulugan, silid-kainan, kusina at batalan. Ang batalan ang pinakabanyo, hugasan ng mga kagamitan at lalagyan ng tubig na tinatawag na tapayan. Ang ibang bahay ay may maliit na bahagi sa bukana nito kung saan matatagpuan ang hagdanan. Ito ay nagsisilbing tanggapan ng bisita bago pumasok ng kabahayan.

Ikatlong Uri ng Tirahan

Ang ibang bahay naman ay itinatayo sa taas ng malalaking punongkahoy. Ang hagdan ay nahihila paitaas kung gabi at naibababa sa kinaumagahan. Ginawa nila ito marahil upang hindi madaling masalakay ng mga kaaway. Ito ang uri ng panahanan ng mga Kalingga at Ilonggot sa Hilagang Luzon at ng mga Bagobo at Mandaya sa Mindanao.

Ikaapat na Uri ng Tahanan

Ang ibang bahay naman ay itinayo sa may baybayin ng dagat. Ang mga ito ay nakaangat sa tubig. Malalaking kahoy ang pinakaposte at may tulay na nagsisilbing daanan papunta sa mga kabahayan. Ito ay may isang palapag at ang sahig ay hindi magkakadikit upang maging madali ang paglilinis. Marami pa ring ganitong uri ng tahanan ang makikita sa Sulu at Zamboanga. Ito ang uri ng tirahan ng mga Badjao.

You might also like