You are on page 1of 3

AKTIBITI BLG4

1. Ang susing salita ay mga pangunahing salita sa isang pangungusap na nagpapakita o naglalarawan ng
pangunahing ideya ng may akda, ito ay nakatuon sa isang tiyak na salita na maaaring pag ugatan ng
malawak na talakayan patungkol sa iba't-ibang usapin. Samantala, ang ambagan ay nakatuon sa mga
paga-ambag ng mga nakalap na katangi-tanging salita na nasa wikang katutubo at wala sa tagalog.

2. Para sa akin, sinasabi ni Leoncio P. Deriada na ang proyektong ambagan ay lubos na nakatutulong sa
pagpapaunlad ng ating wikang pambansa sapagkat ang mga katutubong salita na wala sa tagalog ay
kadalasan hindi alam ng ibang pilipino. Ang paglalahad at pagkakahulugan ng mga salitang ito ay
makakatulong upang patuloy na umunlad ang mga salitang ito at hindi mabaon sa limot sa paglipas ng
panahon.

3.

A.

Panudlak- Isang salitang hiligaynon na ang ibig sabihin ay magsimulang magtanim, magsimulang
magtayo ng bahay, sa pamamagitan ng paglalagay ng ilang buto sa lupa, paglalagay ng isang poste, at
pagkatapos ay maghintay ng ilang araw o kahit na linggo bago magtanim, magtayo, isang ritwal na
ginagawa nang buong taimtim. Mayroong isang pamahiin na konektado sa gawaing ito.

Hanalon- ito ay lupa na napakaitim kung kaya't masustansya o maiging taniman.

Baliskad - ito ay ang pangalawang beses na pag araro para mapino ang nabungkag na tigang na lupa.
Nababaliktad ang lupa at nadudurog upang lumitaw ang pino at makinis na anyo.

B.

Baklad- nakatigil na alambre o bitag na ginawa upang harangin at makuha ang mga isda na binubuo ng
mga hanay ng mga istakang kawayan, mga lambat na plastik at iba pang materyales na nababakuran ng
mga split blood matting o wire matting kadalasang may madaling pasukan ngunit mahirap na labasan.
Sakag- patatsulok na net na ginagamit bilang isang malaking scooped net ng isang taong nasa hanggang
sa baywang na malalim na tubig upang bitagin ang mga hipon.

Pukot- bisaya na bersyon ng isang lambat sa pangingisda na idinisenyo upang itapon sa mababaw na
tubig at pagkatapos ay ihakot pabalik na may kargamento ng isda.

C.

Balinggiyot- tawag sa hayop o isda, maari rin na bagay na napakaliit.

Gango- hipong ibinilad sa araw para patuyuin.

Mambabakaw– mangunguha o manghihingi ng isda o anumang bagay doon sa palengke.

D.

Barangkong - binti na malaki ang masel na parang atleta.

Gurarap – pinaniniwalaang dinalaw ng kaluluwa omulto ang isang tao.Guni-guni hinggil sa isang bagay
na animo’y namamalikmata ang tumingin.

Halugaygay– larong pambata na pinahuhulaan kung sino ang mga batang nakahanay habang nag-
aawitan.

E.

Bangkis– Paraan ng pagtali na paagapay sadalawang pinagdurugtong na kahoy o kawayan.


Baoy – bawiin ang isang bagay na ibinigay sa isang tao.

Garautan - kargamiento ng byahero

You might also like