You are on page 1of 5

Pamagat ng Akda: Si Tita Helen

Manunulat: Jodie Naomi B. Laygo

“SI TITA HELEN”

(Hango sa tunay na buhay)

“Ano ka ba naman, Te Helen! Di mo naman ayusin” “Te Helen, hindi mo na


tinulungan sarili mo! Bwisit ka!” “Lintek na buhay to! wala ka na ngang silbi ganyan
ka pa?! ” Ilan lamang ito sa mga naririnig kong linyang sinasambit ng mga tiyahin
ko patungo kay Tita Helen kapag bumibisita ako sa Bulacan, kung saan talaga ako
tunay na nakatira. Aminado akong isa sa mga rason kung bakit ayaw ko na bumalik
sa Bulacan ay dahil sa kanila. Maingay, magulo, palaging nagsisigawan at syempre,
dahil kay Tita Helen. Si Tita Helen ay ang aking tiyahin, siya na ang nag alaga sakin
simula pa noong bata ako dahil palaging nasa trabaho ang aking ina at wala sa
bahay ang aking ama. Si Tita Helen ang nag aasikaso sakin simula pa noon, mula
sa pagpapaligo sakin hanggang sa paghanda ng baon ko andyan sya kaya’t malapit
kami sa isa’t-isa. Ngunit habang tumatanda na ako, lumalayo narin ang loob ko sa
kanya at pawang naiinis na. Makulit kasi siya at madalas ay sinusumpong ng sakit
nya. Si Tita Helen ay may sakit sa pag iisip, siya ay clinically diagnosed na may
Bipolar Type II kaya kapag sinusumpong sya, madalas ay wala sa bahay,
nagsisigarilyo at malakas mangulit sa amin. Nakakaasar man madalas pero ganyan
na talaga siya pero kahit ganyan ang kalagayan niya siya ay, madiskarte,
maabilidad, maasikaso, mabait yan kaya kinagigiliwan din siya ng mga kapit bahay
na madalas niyang utangan sa amin. Hindi mo sya mapapagkamalang may sakit sa
pag iisip kung hindi mo titignan ang I.D niya.

Habang tumatagal ay masaya naman kaming nagsasama-sama. Naging


normal narin ang pagsisigawan nila mama, tito at tita kay Tita Helen, hindi ko
naman sila masisisi kasi una sa lahat, hindi ako ang gumagastos sa mga
pangangailangan niya at hindi ko nararanasan ang mga pangungulit niya dahil
tuwing sabado at linggo lang ako umuuwi ng Bulacan upang bumisita at tignan
narin ang kalagayan niya. Kapag nakikita ko si Tita Helen, hindi ko alam kung
anong sanhi ng pagka init ng ulo ko sa kanya, madalas ay mabait naman siya
siguro, ay nasa akin nga lang ang problema kaya minsan ay nasisinghalan ko siya
pero kung minsan naman ay nag aabot ako ng pera pang meryenda niya at noong
isang beses ay nakapag pares pa kami at nilibre ko sya kahit wala na akong pera
kasi minsan lang naman iyon at tumatanaw din naman ako ng utang na loob kahit
papaano kay Tita Helen. Isang araw, dumating ang pagsubok na hindi namin
inaasahang mangyayari, hindi naman biglaan pero kapansin-pansin narin habang
lumalaon. Humihina na si Tita Helen, hindi na siya ganon kalakas maglakad tulad
ng dati at hindi na rin siya masigla. Kapansin-pansin din ang pangangayayat niya at
bukol niya sa may Goiter kaya madalas siyang ubo ng ubo. Gusto ko man mapa
checkup na si Tita Helen ngunit, wala pa akong pera pangpagamot niya.

Isang araw, nalaman ko na lang na hindi na makalakad ng maayos si Tita


Helen, nanginginig na at hindi na kayang makakain ng mag isa kaya sabi ng tita
kong nag aalaga sa kanya ay ako raw muna ang magbantay kahit isang linggo lang
tutal ay wala pa naman daw akong pasok. Pumayag ako kahit labag sa loob ko kasi
si Tita Linda lang ang may maayos na trabaho sa kanila at kapag nawalan pa siya
ng trabaho, pare-parehas silang kawawa. Noong nandoon ako, palaging mainit ang
ulo ko dahil ako lahat ang kumikilos. Ako ang nag aalaga, naghahanda ng pagkain
at nag aasikaso sa bahay bigla kong naalala na ganoon pala ang trabaho ni Tita
Helen na kahit sa loob lang ng bahay ay mahirap din. “Nakakainis” ‘yan ang palagi
kong sambit “Bakit ko pa kasi kailangan mag alaga?” banggit ko sa sarili ko. Sa
tuwing papakainin ko siya at matatapon niya ang pagkain dahil nanginginig siya,
padabog akong kumukuha uli ng pagkain para makakain siya. Alam kong mali ang
ginagawa ko, pero noong mga oras na iyon ay pagod na rin ako, hindi ko na alam
ang gagawin ko at gusto ko na umalis ngunit hindi ko lang maiwan si Tita Helen.
Paulit-ulit ko ring sambit noon ay sana gumaling na siya para hindi ko na kailangan
gawin lahat ng pinapagawa sa akin.
Nasa Cubao na ako, ngunit ang isip ko ay na kay Tita Helen parin. Mahinang-
mahina na siya at pawang ilang araw na lang ang mayroon siya sa mundong ito.
Gusto ko man ulit na tignan siya ngunit may mga kailangan pa akong asikasuhin na
gawaing pang paaralan. Ang mama ko ang madalas na nandoon upang bantayan
siya at makaraan ng ilang araw ay maayos naman. Ngunit, bandang hapon bigla ko
na lang nalaman na na-ospital pala si Tita Helen naistroke raw pero noong
tumawag ako ay pawang hindi na maganda ang lagay niya pero nakampante ako
noong sinabi na sinipa nya raw ang isang nurse habang tinuturukan siya. Ang nasa
isip ko noon, ibig sabihin ay gagaling pa pala si Tita Helen kasi nakaksipa pa. Iyon
ang akala ko.

Kinabukasan, alas-nuebe ng umaga. Nagising ako sa tawag ng pinsan ko.


Mag video call daw kami ka niya kaya binuksan ko ang camera ko at sinabi niyang
“Magpaalam ka na kay Tita Helen” “Hindi pwede” sambit ko sa isip ko, gagaling pa
siya. Ngunit, iba na ang itsura niya nakapikit na siya at habang tumatagal ay
bumababa na ng bumababa ang BP niya pero kahit na ganoon, malakas parin ang
tiwala ko na gagaling si Tita Helen. Nagdasal ako na sana pagalingin siya ng
Panginoon pero, alam ko na nahihirapan na rin siya at kaming lahat na nag aalaga
sa kanya. Alas-dyis ng umaga nakatanggap ako ng text. Patay na raw si Tita Helen.
Naghuhugas ako ng pinggan noon at ang nasa isip ko lang ay “Hindi, madadatnan
ko si Tita Helen” hanggang sa binanggit ko na ito ng pa ulit-ulit. Nabitawan ko na
ang plato atsaka ako unti-unting napaupo. Ngayon lang ako humiyaw ng ganoon
kalakas sa buong buhay ko. Masakit ang dibdib ko at puno ako ng
pangongonsensya. Para akong mababaliw puro “Sorry, Tita Helen na lang ang
nababanggit ko” Masakit sa ulo at sa dibdib, mahirap tanggapin na wala na yung
isa sa mga minamahal ko sa buhay. Hindi ko man lang nabanggit sa kanya kung
gaano ko siya kamahal at naalala ko lahat ng ginagawa niya at nagpapasalamat
ako doon. Sinayang ko lahat, sambit ko sa sarili ko. Lahat na ata ng sobra ay
naramdaman ko na noong nawala si Tita Helen sobrang sakit, sobrang
pangongonsensya at sobrang pagdadalamhati. Hindi ko talagang inaakala na wala
na si Tita Helen. Ang dami ko pa sanang plano para sa kanya.
Noong libing niya ay marami nakapunta at habang nasa libing niya kami ay
bakas na bakas saming mga mukha ang panghihinayang at nakokonsensya kaming
lahat. Pawang kulang ang lahat ng nagawa namin para sa kanya. Wala akong
sinisisi sa nangyari o nararamdamang sama ng loob tanging sakit lang at
pagdadalamhati. Lahat kami ay nagkasala rito, porket alam namin na may sakit sa
pag iisip ay ganoon na lang din kung kami ay umasta kaya ngayon, inaani naming
ang siyang tinanim namin. Kaming lahat ay nagdurusa at pawang puno ng
panghihinayang dahil sinayang namin ang mga panahong dapat sana’y nakalaan
upang iparamdam at ipinaalam na mahal namin siya at pinapakinggan namin si Tita
Helen.

WAKAS.

You might also like