Napakalinaw ang gustong sabihin ng ating ebanghelyo ngayon… Makikilala
tayo ng Diyos or ni Hesus na tayo ay ang kanyang disipulo kapag tayo ay marunong magmahal. At ang pagmamahal na ito ay tunay na pinakita ni Hesus sa atin sa pamamagitan ng kanyang sarili mismo. Hindi kulang ang halimbawa na binigay ni Kristo sa atin. Ito ay kumpleto at iyon ay tunay na pagmamahal dahil di mo isinaalang alang ang sarili mo na ikaw mismo ang makikinabang kundi, isaalang alang mo ang sarili mo sa iba… Ang pagbibigay ng sarili ay isang katunayan na tayo ay nagmamahal at kapag nakakaramdam tayo ng sakit, at hirap, iyon ay tunay na nagmamahal kasi ang bahagi natin ay binibigay natin sa iba. Tinatanggal natin ang parte ng ating buhay sa iba. Dahil ang pagmamahal ay pakikibahagi, isang parte ng bagay ay ibinabahagi natin sa iba. Katulad ni Kristo, kumpleto ang kanyang pagbabahagi ng kanyang pagmamahal.
Ngayong ay ang imbitasyon ng Ebanghelyo sa atin…
Nais din bang tularan natin si Hesus sa kanyang pagbabahagi? Ang sagot dyan ay, isang malaking OO, dahil tayo ay Kristiyano. Papaano? Di lamang ang mga nakapasok sa kumbento, o kaya sa seminary ang nagaalay ng buhay. Ang mga layko rin na naglilingkod sa ating simbahan ang maaari din nating maituring na nagaalay o nagbibigay ng sarili sa Diyos…
Kahit tayo mismo, sa simpleng paraan maaari tayong magalay o
makibahagi. Di lang naman tayo nandito sa simbahan para magkaroon ng makasama at makiisa kundi, nagbibigay tayo ng kapasalamatan sa biyaya na binigay ng Diyos sa atin. At makibahagi sa pagmamahal na dulot nya at ibahagi ang ating sarili sa iba.
Ang panalangin natin ngayon ay ipagdasal natin ang mga naglilingkod sa
simbahan na walang humpay sa paglilingkod Nawa ay bigyan ng maraming kalakasan at panahon para maibahagi ang pagmamahal ng Diyos sa lahat…