You are on page 1of 1

Ako ay isang masipag at mabuti na estudyante.

gawin natin ang ating makakaya at Sya na bahala sa iba


Maasahan na tagapakinig ako ng aking ina sa mga pa.
problema na nararanasan ng aming pamilya. Mahilig at
-NyaNya
may talento ako sa musika kaya naman ito ay ibinabalik
ko sa Panginoon sa pamamagitan ng paglilingkod sa
simbahan. Sinasabi ng iba at di ko rin naman
maipagkakaila na ako’y isa ring tao na parang walang
pahinga sa dinami-rami ng ginagawa. Sinasabi ng mga
kakilala ko “Paano mo napagsasabay-sabay yan?” Time
Management at dasal ang lagi kong sinasabi. Ang
paghahati-hati ng oras sa maayos na paraan ay susi para
makagawa ng napakaraming bagay nang hindi
nakararamdam ng stress at kasama pa ang dasal upang
makahingi ng gabay sa may likha.
Totoong epektibo talaga iyon dahil sa isang buong
araw pagkatapos ng klase minsan nagtuturo ako sa mga
koro ng isang paaralan o di naman kaya ay naglilingkod
sa aming simbahan. Madalas na umuuwi na lamang ako
para kumain at matulog at minsan naman ang
pinakapahinga ko nalang ay ang makasama ang mga
kaibigan ko. Sa likod ng mga ito nakararamdam pa rin ako
ng pagsuko sa dami ng gawain. Gayunpaman, pilit ko pa
ring itong tinatapos dahil kailangan. Lagi kong iniisip na
hindi magbibigay ang Panginoon ng gawain na hindi ko
magagawa. Natutunan ko na kapag buong puso mong
ginagawa ang mga bagay, hindi mo na mararamdaman
ang pagod dahil gusto at mahal mo ang ginagawa mo.
Natutunan ko rin na hindi tayo pababayaan ng Panginoon
na nahihirapan. Nandyan Sya para tulungan tayo basta

You might also like