You are on page 1of 1

Dear DJ Red,

Tawagin mo nalang ako sa pangalang Tyra – 23 taong gulang na nakatira sa wag ko nalang banggitin. Ako po ay
nagpadala ng sulat sa inyo baka sakaling makapagbigay ako ng aral at mag silbing inspirasyon eto sa iba. Limang
taon na kaming nag sasama ng aking asawa, hindi kami kasal pero nagsasama kami sa iisang bubong at may
dalawang anak po kami. Sa una, maayos naman ang aming pagsasama, ngunit d nagtagal sa 5 taon naming
pagsasama ay may napansin ako sa kanya na may kakaiba. Kapag nagagalit xa at hindi nasusunod ang gusto nya
ayh pinagbubuhatan nya ako ng kamay. Hindi naman xa ganoon dati. Tiniis ko yun sa mga ilang araw at buwan
para sa aming mga anak. Umiiyak lang ako gabi2 at walang araw ako na hindi nagdasal na sana’y magbago na
ang aking asawa. Isang araw, pinuntahan ko siya sa kanyang trabaho pra sabay na kaming uuwi. Ang mga
kasamahan nya sa trabaho ay gulat na gulat ng makita ako na para bang natataranta sila at parang may tinatago.
Hindi ko maintindihan na parang hindi nila nagugustuhan na andun ako.

May isang gabi na tumunog ang cp ng asawa ko. Tulog xa nun at hindi talga ako nangingialam ng phone nya.
Ngunit nasa instinct ko (bilang isang babae o asawa) na parang my tinatago xa, at dun nalaman ko lahat ang
convo ng girlfriend nya na kasamahan pala nya sa trabaho, matagal na pala ako nilloloko ang aking asawa. Halos
gumuho lahat ng buong mundo ko dahil nambabae na pala ang asawa ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari
sa aking buhay, para akong tinakloban ng kapalaran kung bakit sinapit ko lahat ng yun, hndi lang niya ako
sinasaktan, pati na rin ang aking buong pagkatao’t kaluluwa.

Muntik ko ng di makayanan ang sakit na aking dala2, minsan naisip ko nalang magpatiwakal pero naisip ko ang
kalagyan at kahinatnan ng aking mga anak. Nagdasal ako gabi2 at sinumbong ko sa panginoong dios ang lahat
ng sakit na nangyayari sa aking buhay. Isang araw, binigyan ako ng panginoon ng mga taong nagsilbing
instrumento pra makayanan ko lahat ng pagsubok. Inaya ako aking kasamahan sa trabaho sa isang grupo na
kung saan tumutulong sa mga tao pra manumbalik ang loob ng Dios at matutunan ang aral nito. Dun ko nagpag
tanto na mas mahal ko ang aking panginoon kysa sa aking asawa. Kinabukasan, umuwi ako sa aking mga
magulang at dinala ko ang aking mga anak. Ngpakatatag akong di na babalik dun sa aking asawa. Nagdasal lang
ako palagi na bigyan ako ng Dios ng lakas ng loob na maiaahon ko ang aking mga anak sa sarili kong pagsisikap.

Ngayon, malaya na ako sa sakit, hindi na ako nagpapatinag sa mapanglimbong na gawain na makakasira sa akin.
Iniisip ko nlng ang kinabukasan ng aking mga anak, may asawa man ako o wala kakayanin ko ang sakripisyo pra
maitaguyod ko sila ng maayos at matugunan ang kanilang pangangailangan. Ang aking asawa ngayon ay sising-
sisi sa kanyang mga kasalanan na ginawa nya sa kanyang buhay, sa akin at sa kangyang mga anak. Oo, pinatawad
ko ang aking asawa dahil yun ang isa sa mga utos ng Dios sa atin, pero pinili kong di bumalik sa kanila, at
hanggang ngayoy di nawawalan ng pag asa ang aking asawa na ligawan ako uli pra sa aming pamilya. Iniisip ng
aking asawa ang kanyang mga anak na walang ama, gayong siya din ay naawa. Kaya ginagawa nya lahat pra
magtino at hindi na babalik sa dating buhay at bisyo na kanyang naksanayan.

Sana ay magsilbing leksyon at inspirasyon eto sa lahat ng mga taong natatakot, nagtitiis at nawawalan ng pag-
asa. Isa lang ang maipapayo ko sa mga taong dumadanas ng karanasan tulad ko, at mga taong dumadanas ng
mga paghihirap na higit pa sa naranasan ko. “Hanapin nyo lang ang Panginoong Dios, isa-dibdib ang kanyang
mga aral, wag magpapatinag sa sakit at takot, harapin eto at hanapin ang Dios. Bibigyan nya kayo ng bagong-
buhay at pag-asa na matagal na ninyong hinahangad. Hindi niya kayo pababayaan sa anumang pagsubok na
darating, kilalanin nyo ang panginoon at hayaan mong tumubo xa sa inyong mga puso. Dahil ang bawat buto na
itatanim, lalaki ito at bubunga na higit pa sa ating pinapangarap. Gayun din ang pag tatanim ng mga aral at
pagmamahal ng panginoon sa ating mga puso, tutubo ito at bubunga na walang katakutan at pag aalinlangan,
bbigyan niya eto ng bagongbuhay at pag-asa, mag isa kaman o my kasama.

You might also like