You are on page 1of 4

Life Testimony

Noong panahon ng aking kabataan, marami akong naging kasalanan, mga


kasalanang natural lamang sa isang kabataan. Nandiyan ‘yung palasagot sa
magulang, at barkada rito barkada roon.

Kami po ay laking Katoliko. Nagsisimba kami at pagkatapos ay umuuwi na po


kami. Tuwing ala-sais ng hapon po ay nagdarasal kami sa isang silid at doon kami
nananalangin, ito iyong aking nakasanayan noong ako po ay bata pa.

Ang problema po kasi ng nanay ko at hindi lamang po ng nanay kundi pati na rin
po naming magkakapatid ay ang tatay ko na isang lasenggo. Aalis po siya ng
umaga, uuwi po siya ng umaga na rin. Tapos ay aawayin pa po niya ang nanay ko.
Naaawa rin po kami sa nanay ko dahil siya po ay may karamdaman. May sakit po
siyang hapo o hika.

Hanggang sa dumating na po ang problema na ang nanay ko po ay kinuha na ni


Lord. Grade 3 po ako noon. Totoo po siguro ‘yung sinasabi nila o ng iba na hindi
pa ang tatay ang naunang nawala kaysa sa nanay, sapagkat ang nanay po ay
maalaga sa kanyang mga anak.

Mula po nang mamatay ang nanay ko ay nagsimulang muli ang aming problema:
nagkahiwa-hiwalay kaming magkakapatid. Para kaming mga sisiw na iniwan ng
isang inahin nang naglipana sa kung saan-saan.

Nang malaunan, nag-asawang muli ang aking tatay. Ipinisan niya ako sa step-
mother ko. Dito ko naranasan ang asikasuhin ko ang aking sarili sa murang edad.
Tiniis ko ang lahat para lamang ako makatapos ng high school. Alam ko na iba
talaga ang pagtingin ng step-mother ko sa akin at sa kanyang mga anak. Minsan
maganda ang pakikitungo sa akin, lalung-lalo na po kapag kaharap niya ang tatay
ko. Minsan ay bibigyan niya ng pera ang mga anak niya o ang step-mother ko.
Masakit man po sa loob ko ay tinitiis ko na lamang po, samantalang ang tatay ko
po ay walang magawa. Matagal din po akong nagtiis o nagsakripisyo ng mga
panahong iyon.
Hanggang sa nakapagtrabaho na po ako, hindi pa rin ako kuntento sa aking buhay,
parang may kulang. Hindi pala matatagpuan ang kapayapaan kung wala sa atin
ang ating Panginoong Diyos.

Isang araw, dumating sa aking buhay ang isang pagsubok nang ma-stroke ang
aking tatay. Bilang kasama niya, ako ‘yung umaagapay sa kanya sa lahat ng
kanyang mga pangangailangan. Minsan ay natulong din ang mga kapatid ko sa
pagpapa-hospital. Ito ang sakripisyo naming sa kanya sa kabila ng pagiging
lasenggo niya.

Malimit po kasi siyang ma-hospital noon. Sabi ko nga kay Lord ay sana naman
huwag ng ma-hospital ang tatay ko. Siguro nga po, ako ay tao lamang na hindi
ganoong kalalim ang pagkakakilala sa ating Panginoon. Patuloy na ganoon ang
sitwasyon ko sa aking buhay.

Lumipas ang mahabang panahon, inilipat dito sa Imus ang aming pabrikang
pinagtatrabuhan. Ganoon pa rin ang takbo nag buhay: papasok sa trabaho, uuwi
sa dorm. Tapos maaalala ko yung tatay kong maysakit, kung okay ba siya o hindi.
Ito ‘yung naaalaala ko kapag ako ay mag-isa, na kahit ganoon ang tatay ko,
magulang ko pa rin siya. Hindi ko siya pwedeng pabayaan. Ito ang aking mga
alalahanin sa buhay, mga pangamba na nandito pa rin sa puso ko. Siguro nga ay
wala pa ako sa Panginoon kaya ang mga alalahanin ko ay hindi nawawala.

Isang araw ay may nag-invite sa akin para mag-Bible study. Sumama ako para
maranasan ko gaano talaga kahalaga kung ang isang tao ay na kay Cristo. Pero
parang walang napasok sa aking isipan kung gaano talaga kahalaga ang salita ng
Diyos, nawala ako sa sirkulasyon tungkol sa pag-aaral ng salita ng Diyos. Bumitaw
ako sa Kanya. Ganoon pa rin ang buhay, nasa mundo na naman ako ng kasalanan.

Hanggang sa isang araw ay dumating ang pagsubok sa aking buhay nang namatay
ang tatay ko. Doon ko na-realize na paano na ang buhay ko ngayon, kailangang
baguhin ko na ang sarili ko o magbagong-buhay na ako at magbalik-loob ako sa
ating Panginoon.

Nagkataon namang nagkaroon ng Bible study sa aming company sa pangunguna


ni Ate Lily Ramos at doon ko po ipinagpatuloy ang naudlot kong pag-aaral ng
salita ng Diyos hanggang sa tinanggap ko na po ang ating Panginoon bilang
Tagapagligtas. Sapagkat kung patuloy po akong magkakasala, baka raw ako’y
mabulid sa kasamaan.

Sabi nga po, ang kasalanan ang naglalayo sa atin para hindi natin maranasan ang
kabutihan ng Diyos at ang Kanyang pagpapala. Baka sa dami ng aking kasalanan ay
hindi na po ako mapatawad ng ating Panginoon.

Sabi nga po sa 1 Juan 1:9, “Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan,
maaasahan nating ipapatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin niya tayo sa
lahat ng ating kasamaan sapagkat siya ay matuwid.”

Natatandaan ko pa nang umattend ako ng RDSR kung paanong talaga ako nilinis
ng ating Panginoon. May ginawa kami roon na kailangang isulat mo ang lahat ng
iyong mga kasalanan sa isang papel. Isinulat kong lahat ang aking mga kasalanan
tapos ay sinunog namin isa-isa. Sa pamamagitan nito ay parang naibsan lahat ang
mga kasalanan ko. Nilinis Niya ang buo kong pagkatao. Mula noon, patuloy na po
akong nag-aaral ng salita ng Diyos. Tinanggap ko po siya sa aking buhay upang ako
ay maligtas sa kabila ng aking mga kasalanan at magkaroon ng buhay na walang
hanggan.

Sabi nga po sa Roma 6:23, “Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan.


Ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni
Cristo Jesus na ating Panginoon.”

Hanggang sa nag-Life’s Journey na po ako kay Kuya Jonjon De Quiroz na siyang


naging Life’s Coach ko. Dito ay lalo kong nakilala ang ating Panginoon at kung
gaano kahalaga ang salita ng Diyos.

Mula noon ay napagpasiyahan ko na pong magpabautismo noong May 26, 2019.


Nagpapatuloy po sa pag-aaral ng salita ng Diyos.

Mayroon po akong:

Small Group – sa pangunguna po ni Ate Lily Ramos. Siya ang naging mentor ko
mula noon hanggang sa ngayon, ang Team Jerusalem.
US2CG – nakatapos na po ako ng SOLD 1-3 at SALT 1-2. Sa darating na September
ay SALT 3 na po ako.

Nagla-Life’s Journey Coach din po ako. Sumama na rin po ako ngayon at member
na rin ng Kalalakihan.

Sa ngayon po kahit po ako ay isa ng Kristiyano ay hindi pa rin po ako ligtas sa mga
pagsubok sa buhay. Sapagkat ito ang paraan ng ating Panginoon upang makita
natin kung hanggang saan tayo makapagtitiis, kung tayo ba ay bibitaw sa Kanya o
hindi.

Sa ngayon ay lalo akong tumibay sa pananampalataya sa ating Panginoon dahil


hindi niya ako pinababayaan sa mga pagsubok ng buhay. Binago Niya ang aking
buhay. Iba talaga kung nasa puso mo si Cristo, anumang mga pagsubok at
suliranin mo sa buhay ay kakayanin mo.

Purihin ang Panginoong Jesus!

Ako si Leonardo Bocalan, iniligtas ng Panginoon.

You might also like