You are on page 1of 1

Agustinong Pamumuhay sa Isip at sa Gawa

By: Chase Reznik Cey Ballesteros

Galing ako sa Bicol at doon namuhay ng halos labing-dalawang taon. Sa


paaralang pinangalanang La Consolacion College Baao ako nag aral. Doon ko nakilala
ang Diyos at natutong mag dasal. Doon ko natutunan gumamit ng po at opo at
magmano sa nakatatanda. Doon ko rin nakilala ang mga kaibigan ko. Sa katolikong
paaralan na iyon natutunan ko kung paano pahalagahan ang pag aaral. Kaya nung
lumipat kami dito sa Laguna, sa La Consolacion College Bińan ulit ako pumasok. Dahil
naniniwala kami ng pamilya ko na mabuti ang dulot sa akin ng eskwelahang
nagpapahalaga sa mabuting gawain at pagmamahal sa iisang Diyos.
Sa pag-aaral ko sa La Consolacion, nais kong isipin na naisasabuhay ko ang
buhay ni San Agustin, ang patron ng aming eskwelahan. Hindi madali ngunit lagi kong
ginagawa ang lahat ng aking makakaya upang maging isang kabataang Agustino.
Nagagawa ko iyon sa pamamagitan ng pag aaral ng mabuti. Ako ay naging madasalin
at natutunan ko rin na ialay sa Diyos ang aking mga gawain sa pang araw-araw. Dahil
naniniwala ako na kapag para sa Diyos ang lahat ng aking ginagawa, huhusayan ko at
magiging maganda ang kalalabasan nito. Isa sa mga natutunan ko sa buhay ni San
Agustin ay ang maging determinado na maging mahusay sa anumang bagay. Iyon din
ang laging sinasabi ng aking Mama na hindi kailangang manguna o mangibabaw, ngunit
dapat lahat ng ginagawa ay para sa kabutihan. Sa pamamagitan nito, mas mapapalapit
tayo sa Diyos.
Halos limang daang taon na ang Kristianismo at ang misyon ko bilang kabataang
Kristiyano, na sumusunod sa paraan ng pamumuhay ni San Agustin, ay lumago sa
paniniwala at pamumuhay sa paraan na gusto ng Diyos. Ngunit ang misyon ng isang
kabataang Agustino ay hindi nagtatapos sa paggawa lamang ng mabuti. Ang misyon ko
bilang kabataang Agustino ay mamuhay ng mabuti at maayos sa pamamagitan ng
pagbibigay serbisyo sa ibang tao. Lahat ng mabuting gawain ko ay mawawalan ng silbi
kung hindi ito magiging inspirasyon upang maging mabuti ang kapwa ko. Misyon ko
ang tulungan sila at ibahagi ang paraan ng pamumuhay na naaayon sa kagustuhan ng
Diyos. Ito ay tuloy-tuloy na magiging misyon ko habang ako ay nabubuhay.

You might also like