You are on page 1of 3

Bakit dapat akong manatiling isang Lay Minister?

Bro. Juanito Chito Cruz Jr.


Hayaan po ninyo na umpisahan ko ang aking paliwanag sa pagsasalaysay sa ilang bahagi
ng aking buhay na tila ba ay nagsasabi sa aking ako ay inihanda ng Panginoon para maglingkod
sa kanya.

Ako po ay pangalawa at nag-iisang lalaki sa limang anak ng aking Mamang na isang
masipag na Katekista at sa aking amang si Juanito Sr.; ipinanganak sa bayan ng Jaen; nagtapos
sa San Agustin Academy; bininyagan kinumpilan at ikinasal sa ating simbahang San Agustin
Parish !hurch; nagtrabaho ako sa Australia bilang Manager at sa lugar na aking napuntahan ang
Patron ay ang mahal nating si San Agustin; ako ay pinagkalooban ng Panginoon ng apat na anak
na gayundin ay kasama kong naglilingkod sa ngalan ng Patrong San Agustin. "unay at hindi nga
ba tila lahat ng nangyayari sa aking buhay ay karugtong at lagi kong kapiling ang mahal na si
San Agustin tuloy ay pakiramdam ko ako ay kanyang anak na palagi nyang inaaruga at hindi
pinababayaan.
"uwing araw ng #inggo kami ng aking pamilya ay palagiang nagsisimba. $to ay turo ng
aming mga magulang; Si Mamang ang may pinakamalaking kontribusyon at impluwensya sa
aking pagiging malapit sa Panginoon. Maraming mga tao ang natutuwa tuwing nakikita ang
buong pamilya ko na nagpupuri sa Panginoon. %oon din naman ako nilapitan at sinabihan nina
&ro 'ndeng at &ro Jimmy na maging isang #ay Minister; ngunit hindi ko ito agad tinanggap
dahil sa ako ay alinlangan pa; ngunit nang si (ather Aldrin na ang nagsabi sa akin na isa ako sa
tinawag para maglingkod napuno ng galak ang aking puso at kaliwanagan ang aking kaisipan
dahil sa muling pagkakataon ay nilingap na naman ako ng Patrong San Agustin. %oon kasi ang
panahong namatay ang aking asawa at ako ay lubos na nangungulila at nalulungkot sa pagiging
balo.
Kung kaya naman ako ay sumagot na sa tawag sa akin ng Panginoon na siya ay
paglingkuran. Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan na ako ay dapat manatili bilang isang
#ay Minister)
Buong puso akong maglilingkod sa kanyang sambahayan. Sa mga nabanggit kong
yugto ng aking buhay ay tunay na inaaruga ako at nililingap ng Panginoon at ni San Agustin;
kung kaya naman sa aking munting paraan bilang kanyang anak ay maipapangako ko na ibibigay
ang aking buong puso sa paglilingkod sa kanyang sambahayan.
Buong sarili akong maglilingkod bilang kanyang alagad. $sang malaking
gampanin ang pagiging isang #ay Minister kaya ako ay naniniwala na kung ikaw ay kanyang
tinawag bilang maging isang alagad dapat mong ibigay ang buo mong pagkatao para sa kanya
ng sa ganun ay magampanan mo ang tungkuling nakaatang sa iyong mga balikat. Higit sa aking
puso handa rin akong ipagpatuloy ang pagbibigay ng aking sarili sa paglilingkod bilang isang
#ay Minister. Kung ako ay mayroong mga &ible Ser*ice pagbubutihin ko pa ang aking
pagbabahagi ng aking munting kaalaman at karanasan sa aking mga kapwang taga-Jaen para
lumabong pa ang akin at kanilang pananampalataya sa Panginoong Hesukristo. Pananatilihin ko
pa din ang record ko na walang absent sa pagpunta sa mga &arangay tuwing aking schedule.
Masaya at buong galak akong magsisilbi sa Panginoon. Sa aking pananaw kung
hindi mo gusto ang iyong ginagawang pagsisilbi sa ating simbahan hindi ka makakatagal sa
responsibilidad na iyong gagampanan. Kasi ang pagiging bahagi ng #ay Association ay isang
demanding na tungkulin na dapat pag-ukulan ng oras at sarili. Maipapangako ko na patuloy
akong masaya at buong galak na magsisilbi bilang isang #ay Minister. $to ay sa kadahilanang
ang Panginoon ang aking pinagsisilbihan at sa kanya ako accountable sa uri ng serbisyo na
binibigay ko sa aking kapwa. Masaya ako dahil sa dami ng biyayang binigay sa akin ng
Panginoon ay sa maliit na paraan ay napapapurihan at napaparangalan ko ang kanyang pangalan.
Ako ay handang tumulong sa aking kapwa naglilingkod. &ilang isang tricycle
dri*er hawak ko kadalasan ang aking oras. Ako din ay isang ama sa aking mga anak at &arangay
"anod sa aming &arangay subalit alam ko kung paano hawakan ng tama ang aking oras. Kung
kaya naman sa tuwing ako ay may ser*ice hindi ako pumapalya. Alam ito ng aking mga
kasamahang #ay Minister kaya madalas nila akong tinatawagan upang humalili sa kanila kung
hindi nila mapupuntahan ang kanilang ser*ice. Handa akong umalalay at tumulong sa aking
organisasyon sa ganitong paraan sa abot ng aking makakaya. Madalas din ay ako ang naaatasang
maging katuwang ng pari sa mga schedule ng libing at kasal sa parokya dahil sa kakayanan kong
pumunta ng palagian sa simbahan lalo sa mga biglaang pagkakataon na walang katuwang ang
pari ay madalas ako ang sinasabihan ni &ro #ando. Ako naman ay agad-agad pupunta. Alam ko
ang limitasyon ng iba kong mga kasamahan sa aspetong ito ng pagiging #ay Minister. "ulad nga
ng aking sinabi ay isang demanding na tungkulin ang pagiging isang #ay Minister at ako ay
handang tumulong sa aking mga kasamahan sa paglilingkod dahil sa ako naman ay mayroong
kakayanang sila ay tulungan sa mumunti kong kapasidad.
Mas pagbubutihin ko pa ang aking pagiging Lay Minister. At panghuli alam ko
na marami ang nag-nanais na matawag at maglingkod bilang isang #ay Minister at ako ay
napakapalad na mapasali sa #ay Association na ito. +ahil sa aking pagiging #ay Minister ay
nasuklian ko sa maliit kong paraan ang lahat ng biyayang ibinigay sa akin ng Panginoon naging
malapit ako sa aking mga anak at sila rin ay nabigyan ng pagkakataon na maging mga lingkod
simbahan bilang lectors at commentator naging mas mabiyaya at mas makadiyos ang aming
pamumuhay na pamilya naging kalugod lugod ang pagtingin sa akin ng aking mga kapwa
Kristiyano. Kung kaya naman kung ako ay bibigyan pa ng pagkakataon ng ating Panginoon ng
ating simabahan at ng ating Kura Paroko na ipagpatuloy at manatiling isang #ay Minister
ipinapangako ko na mas pagbubutihin ko pa ang pagganap sa aking tungkulin mas pagaalabin
ko pa ang aking pananampalataya at paglilingkod sa kanyang simbahan at mas pagbubutihin ko
pa ang aking pagbibigay karangalan sa kanyang pangalan.
$to po ay ilan lamang sa mga dahilan na aking maibabahagi para manatili akong isang
#ay Minister ng ating simbahan. Alam ko pong marami pa akong dapat gawin at kailangang
matutunan sa ating napakayamang pananampalatayang Katoliko. At lamang ako ay bata-bata pa
at hindi pa oldies tiyak akong mas mabibigyan ko pa ng pagkakataon ang aking sarili na
yumabong ang pananalig sa ating Panginoon.
Maraming Salamat po,
Purihin sambahin at pasalamatan ang ating Panginoong Hesukristo,

You might also like