You are on page 1of 2

IKATLONG WIKA

“Babae, narito ang iyong anak. Anak, nrito ang ina”

Masasabing isa ito sa pinakanakakaantig na tagpo doon sa kalbaryo. Ang makita ng isang ina ang
kanyang anak na nagdurusa, nagpapakasakit at nalalapit na nga sa kanyang kamatayan.

Sab nga

“Masakit para sa isang anak na mawalan ng magulang pero higit na masakit ang nararamdaman
ng isang magulang na mawalaan ng anak.”

at ganitonga kasakit ang nararandaman at naranasan ni Maria.

Sa bahagi naman ng Panginoong Hesus bagama’t nahihirapan, bagama’t nagpapakasakit, nagdurusa at


nalalapit na ang kanyang kamatayan ay nakuha niya pa ring magmalasakit. Una sa kanyang mahal na ina
sapaghahabilin niya sa kanyang minamahal na alagad. Upang sa tabi niya ay mayroon syang makakasama
sa kanyang buhay, may titingi sa kanya, at may mag-aalaga sa kanya.

Sa kabilang banda ang paghahabilin naman ng ating Panginoong Hesus sa kanyang alagad sa kanyang ina
ay dahil alam niya na kanya ring aalagaan, kanya ring aarugain, kanya ring sasamahan, at kanya ring
mamahalin.

Sa kabila ng lahat nang nangyayari kay Hesus patuloy parin syang nagpamalas ng pagmamahal at
pagmamalasakit sa mga taong nandoon sa pamamagitan ng paghahabilin kay Maria na kanyang Ina.
Hanggang sa panahon natin ngayon.

Ang tanging hamon satin ng Panginoon Hesus ay magpamalas din tayo ng pagmamahal at
pagmamalasakit sa ating kapwa lalo na sa panahon na kinahaharapnatin ngayon.

Sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo Amen.

IKAAPAT NA WIKA

“Diyos ko, Diyos ko, Bakit mo ako pinabayaan”


Sa panahon na nangyayari sa atin ngayon marami na sigurong natatanong sa Diyos kung bakit nangyayari
ito? Bakit pinabayaan ng Diyos na lumaganap ang COVID-19? Puro bakit at puro daing.

Iyan palagi ang salitang nabibitiwan natin kapag tayo ang may kinahaharap na problema, pagsubok,
kalamidad at iba pa.

Sa krus, si Hesus ay nananalangin para sa atin. Si Hesus, ang Tagapamagitan ng Diyos at ng tao, ay
nananalangin sa Ama na huwag tayong pabayaan. Hindi nananalangin ang Panginoong Hesus para sa
Kanyang sarili sa wikang ito. Tayong lahat ay ipinapanalangin Niya sa Ama. Ganyan tayo kamahal ni
Hesus.

Ang Diyos ay hinding-hindi nagpapabaya. Hinding-hindi tayo pababayaan ng Diyos. Siya ang ating
Emmanuel. Kasama natin ang Diyos. Walang araw kung kailan pinabayaan tayo ng Diyos. Hinding-hindi
tayo pababayaan ng Diyos dahil mahal na mahal Niya tayo.

Palagi nating tatandaa, Sa panahon ng mga pagsubok, kaisa at karamay natin ang Panginoong Diyos.
Kapag tayo ay nasasaktan, nasasaktan din ang Diyos. Kapag tayo ay nagdurusa, nagdurusa rin ang Diyos.
Hindi tayo nag-iisa sa mga panahon ng pagsubok sa ating buhay. Ang Diyos ay kasama at karamay natin
sa mga panahon ng pagsubok. Ipinapadama sa atin ng Diyos sa pagiging kasama at karamay natin sa
bawat sandali ng ating buhay ang Kanyang pagmamahal sa atin.

You might also like