You are on page 1of 2

Homily on the Feast of Holy Family

Mga kapatid ko kay Cristo, ngayon ipinagdiriwang nating ngayon ang kapistahan ng
Banal na Mag-anak – the feast of the Holy Family. Naniniwala ako na tayong lahat ay may
pamilya na may ibat – ibang situasyon . May tao na masaya ang kanilang pamilya pero mayroon
din na hindi; may kompletong pamilya, may hindi; may close, pero mayroon din na a little bit
distant. Iba-iba. Kahit ano ang situasyon ng ating pamilya, ang nais nating palagi ay magkaroon
tayo ng masayang pamilya, na katulad ng banal na pamilya (sina Hesus, Maria, at Jose) sa
Nazareth.
Mga kapatid, alam natin na ang pinakamaliit na simbahan ay ang pamilya. Kung
maganda ang pamilya ibigsabihin maganda din ang simbahan. Kung mahal ng pamilya ang
Diyos, ibigsabihin iniibig din ng simbahan ang Diyos. Kaya masyadong mahalaga na magkaroon
tayo ng magandang pamilya.
Ang mga pagbasa ngayon ay nagbibigay sa atin ng mga tagubilin tungkol sa pagtatatag
ng isang mabuting pamilya. Ang unang pagbasa mula sa aklat ni Sirac ay nagsasabi sa atin na
dapat nating ibigin at respetuhin ang ating mga magulang. Ito ay nakasulat sa aklat ni sirac
“Ang gumagalang sa kanyang ama'y nagbabayad na sa kanyang kasalanan, at ang nagpaparangal
sa kanyang ina'y parang nag-iimpok ng kayamanan.” Higit sa rito kapag ang ating mga magulang
ay matanda na. Sabi ni Sirac: “Anak, kalingain mo ang iyong ama kapag siya'y matanda na, at
huwag mo siyang dudulutan ng sama ng loob habang nabubuhay. Pagpaumanhinan mo siya
kapag nanlalabo na ang kanyang isip; huwag mo siyang lalapastanganin ngayong nasa kasibulan
ka na ng iyong lakas.” Isang malungkot na katotohanan na maraming tao ang nagsisikap na
mapawi ang kanilang mga magulang kapag sila ay matanda na, dahil inaakala nila na ang
kanilang mga magulang ay isang problema sa kanilang buhay. Bukod dito, mayroon din ang mga
asawa na hindi nagkakasundo sa kanilang biyenan. Kailangan nilang alalahanin na maaari silang
magpakasal sa kanilang asawa, dahil sa kanyang mga magulang na nagpalaki sa kanya ng
mabuti. Kung mahal mo ang iyong asawa kailangan mo ring mahalin ang kanilang mga
magulang, tulad ng iyong mismong magulang. (Do not favor one over the other) Huwag papabor
sa isa't isa.
Ang ikalawang pagbasa mula sa sulat ni San Pablo sa mga taga kolosas ay nagtuturo sa
atin na ang pundasyon ng pamilya ay pag-ibig. Sinabi ni San Pablo: “Mga babae, pasakop kayo
sa inyong asawa, sapagkat iyan ang naaangkop sa mga nakipag-isa sa Panginoon. Mga lalaki,
mahalin ninyo ang inyong asawa, at huwag kayong maging malupit sa kanila. Mga anak, sundin
ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon. Mga
magulang, huwag ninyong pagagalitan nang labis ang inyong mga anak at baka masiraan sila ng
loob.” Minsan hindi ko naintidihan na may mga tao na napakabait sa iba ngunit malupit sa
kanilang pamilya. Gusto nila napakita sa labas na parang masaya ang kanilang pamilya ngunit sa
loob, palagi silang nakikipaglaban. Sa tingin ko, ang problema ay kapag nag-asawa na sila, wala
na boundary/ limit/ hangganan. Akala nila na maaari nilang tratuhin ang kanilang asawa sa
paraang nais nila. They think they can treat their partner in the way they want. Dapat nating
tandaan na kahit na tayo ay pamilya, kailangan pa rin tayong magalang at maunawain sa isa't isa.
We need to respect one another. Sa pag-ibig ay may trust/ pagtitiwala, respect/ paggalang, at
responsibilidad. Kung mahal mo ang isang tao ay ibigsabihin magtiwala ka sa kanya at
respetuhin mo siya. At kailangan mong pahalagahan ang pag-ibig na ibinigay sa iyo sa
pamamagitan ng pagiging isang mapagkakatiwalaan na tao. Ito ang ating responsibilidad. Sabi pa
ni San Pablo: “Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman,
magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.” Minsan nakalimutan natin na
tayo ay makasalanan. We make mistake. Kaya minsan, kahit mahirap, kailangan nating
magpatawad. Walang pagmamahal kung walang pagpapatawad.
Sa ebanghelyo ayon kay San Mateo, natutunan natin mula sa banal na pamilya, Hesus,
Maria, at Jose. Mayroon silang problema: hinahanap ni Herodes ang sanggol para patayin.
Nakita natin dito kung paano sina Jose at Maria ay sumuporta at tumulong sa isa't isa upang
mailigtas si Jesus mula sa haring Herodes. Bumangon sila sa hatinggabi at dalhin ang bata sa
Egipto. Syempre, mahirap at mapanganib ang daan pero maniwala sila sa Diyos. Kahit mahirap
din ang buhay sa Egipto, sinikap nilang mabuhay. Palagi silang nagtitiwala sa Diyos na
pamunuan ang kanilang pamilya kahit minsan hindi nila naintindihan kung ano ang nangyayari.
Mga kapatid, sa kapistahan ng Banal na Mag-anak, natututo nawa tayo kay sina Jose,
Maria, at Hesus sa ating sariling pamilya. Sana mahalin natin ang isa't isa sa ating pamilya.
Amen.

You might also like