You are on page 1of 3

CHARLOTTE MANIPOL PESTAÑO

48597

SERMON
TITLE: Kamusta na kaya ang magulang ko?
TEKSTO: “Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo’y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing
ibinigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.” – Exodo 20:12 Magandang Balita Biblia
PAKSA: Pagmamahal sa magulang.
TEMA: Paano mo maipadarama ang pagmamahal mo sa iyong magulang?
PAMBUNGAD NA SALITA

Kamusta mga kapatid?


Ngitian nyo nga ang inyong mga katabi at sabihing, “Kapatid, kamusta ka na?”.
Ang sarap sa pakiramdam kapag mayroong nangangamusta sa inyo, kapag mayroong gustong
malaman ang mga pangyayari sa inyong buhay. Ngunit mga kapatid, ang inyo kayang mga
magulag ay kamusta na? Ilang beses sa isang araw nyo kinakausap o kinakamusta ang inyong
mga magulang? Baka naman kinakausap nyo lamang ang inyong nanay at tatay kapag kailangan
nyo ng pambayad sa inyong mga parcel dahil andyan na at kumakatok si Kuyang J&T? Hindi
kaya naman ay kapag may gala kayo ng inyong mga tropa? Minsan ay nagagalit pa kayo kapag
hindi kayo napagbibigyan ng inyong mga magulang. Maghapon kayong nakanguso at hindi kayo
mautusan. Kung mautusan man ay nagdadabog pa. Hindi ba?

KATAWAN
Ngayong araw ay ibabahagi ko sa inyo ang ilan sa paraan ng paggalang sa ating mga magulang.
Maraming paraan kung paano maipakikita ang paggalang sa magulang ngunit pumili lamang ako
lima.

UNA-IGALANG NINYO ANG INYONG MGA MAGULANG SA PAMAMAGITAN NG PAGTALIMA


SA KANILA.
Ayon sa Efeso 6:1, mga anak igaling Ninyo ang inyong mga magulang sa panginoon: sapagkat
ito ang tama.Hindi sinasabi ng bibliya na igalang mo ang iyong mga magulang dahil sila lagi ang
tama. Sinasabi dito na agalang mo ang iyong mga magulang sapagkat ito ang tama. Huwag nang
magdabog kapag inuutusan, sumunod kayo ng bukas sa inyong kalooban dahil ito ang ikalulugod
ng ating panginoon.

PANGALAWA-IGALANG MO ANG IYONG MGA MAGULANG SA PAMAMAGITAN NG


PAGTULONG AT PAG-ALAGA SA KANILA.
Ayon sa Kawikaan 10:5, “Siyang nagtitipon sa tag-init ay pantas na anak: ngunit siyang natutulog
sap ag-ani ay kahiyahiya.” Kapag mayrooong Gawain na kailangang tapusin, at hindi mo
tinutulungan ang iyong mga magulang ay hindi mo sila iginagalang. Tandaan natin mga kapatid
na may hangganan ang kalakasan ng katawan at buhay ng ating mga magulang. Darating ang
panahon na tatanda sila kaya kailangan nating tulungan sila.

PANGATLO-IGALANG MO ANG IYONG MGA MAGULANG SA PAMAMAGITAN NG


PAGRESPETO SA KANILA.
Ayon sa Colosas 3:21,“ Mga magulang, huwag ninyong pagagalitan nang labis ang inyong mga
anak at baka masiraan sila ng loob.”Sa ating mga magulang, kung nais ninyong igalang kayo ng
inyong mga anak, dapat ay irespeto ninyo rin sila. Ang mga anak po ay unang natututo sa
tahanan. Kung ano ang nakikita nila sa kanilang magulang ay ito rin ang kanilang gagawin

PANG-APAT-IGALANG MO ANG IYONG MGA MAGULANG SA PAGBIBIGAY PASASALAMAT


SA KANILA
Simula pagkabata ay malaki na ang sakripisyo ng ating mga magulang. SIla ang nagbigay ng
buhay sa atin, nag-aalaga tuwing may sakit, nagbibigay ng ating mga pangangailangan, at
nagmamahal sa atin sa kahit na anong paraan. Lahat ng ginagawa nila para sa atin ay dapat
natin ipagpasalamat, maliit man yan o Malaki. Ayon sa 1 Tesalonica 5:18, “ Sa lahat ng bagay ay
magpasalamat kayo; sapagkat ito ang kaloob ng diyos kay Cristo tungkol sa inyo.”
PANGLIMA-IGALANG MO ANG IYONG MGA MAGULANG SA PAMAMAGITAN NG
PAGMAMAHAL SA KANILA
Isipin mo kung ano ang utang mo sa iyong mga magulang. Binigyan ka nila ng buhay. Ang
mismong dugo nila ay dumadaloy sa iyong mga ugat. Kailangan mong mahalin ang iyong mga
magulang. Ngunit kung sasabihin mo, "Pastor, ang aking mga magulang ay may ilang mga pangit
na bahagi sa kanila." Subalit ganoon ka rin. Kailangan mong ipahayag ang pagmamahal mo sa
iyong mga magulang araw-araw at hindi sa oras ng kanilang libing dahilhindi na nila ito maririnig.

Panapos na Salita
Hindi matatawaran ang mga naging sakripisyo ng mga magulang sa kanilang mga anak. Handa
nilang gawain ang lahat para lang sa kanilang mga anak. Hindi magdadalawang isip ang mga
magulang na isakripisyo, kahit na buhay nila ang kapalit, alang alang sa kanilang mga anak.
Mahal na mahal tayo ng ating mga magulang. Marapat lamang na bilang mga anak, ay suklian
natin ang kanilang pagmamahal. Gawin natin ang ating mga tungkulin bilang anak. Hindi dapat
tayo puro tanggap lamang, magbigay rin tayo sa kanila. Sabi nga sa Exodo 20:12, “Igalang mo
ang iyong ama at ina. Sa gayo’y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinigay sa inyo ni
Yahweh na inyong Diyos.”

You might also like