You are on page 1of 5

Talahanayan 2.

Konsepto moral at paglalarawan tungkol sa relasyon ng anak at ng kaniyang


mga magulang

Konseptong Moral Paglalarawan Mga Linya


Pagbibigay respeto Kailanman ay hindi “Ikaw anak na suwail
naging magandang Walang munti mang
asal ang pagdadabog pagtingin
sa tuwing inuutusan Sa ama’t inang nag-
tayo ng ating mga aangkin
magulang. Kung utusan ka marahil
Dumadabog, umaangil.”
Pagtanaw ng utang na Ang pagpapalaki ng “Sukat mong ikabalisa
loob mga magulang sa At gunitain tuwina
kanilang mga anak ay Hirap sakit na lahat na,
hindi nagging madali Pawang tiniis at binate
kaya’t nararapat na Ng iyong ama’t ina.”
alalahanin ang kanilng
mga sakripisyo at
tumanaw ng utang na
loob.
Pagmamahal na walang Hindi matutumbasan ng “Kahima’t tadtarin mo
kapantay anumang halaga o mga Ang laman mo’t sampung
bagay ang inaalay na buto
pagmamahal at Sampung tanang balahibo
pagsasakripisyo ng Di sapat ibayad mo
mga magulang sa Sa mga hirap sa iyo.”
kanilang mga anak,
walang kapantay ang
kanilang mga nagawa.

Mga Natuklasan at Pagtatalakay


A. Pagbibigay respeto

Ang paggalang sa mga nakatatanda lalo na sa mga magulang na nagpalaki at nag-alaga sa atin
ay napakahalagang elemento upang makabuo tayo ng isang payapang tahanan kung saan
binibigyang halaga ang bawat miyembro ng pamilya. Ngunit minsan, hindi maiiwasan na may
mga suwail na anak at hindi sumusunod sa utos nga kanilang mga magulang. Ang ibang mga
anak ay nagdadabog sa tuwing may pinapagawa sa kanila. Ang iba naman ay panay ang
pagrereklamo, hinihigitan ang mga salita ng kanilang mga magulang. Ang mga masasamang
asal na ito ang siyang sumisira sa magandang pundasyon at relasyon ng isang pamilya. Ang
paggalang at pag respeto ng anak sa kaniyang mga magulang ay katumbas ng pagpapahalaga
mo sa kanila. Makikita ito sa mga linyang:

“Ikaw anak na suwail


Walang munti mang pagtingin
Sa ama’t inang nag-aangkin
Kung utusan ka marahil
Dumadabog, umaangil.”

Sa katunayan, ang paggalang sa magulang ay makikita sa Banal na Kasulatan, ang siyang


pinagmumulan ng iba’t ibang moralidad at nagsisilbing gabay kung paano tayo mamuhay sa
sanlibutan. Ito ay ang utos ng Diyos na makikita sa Exodo 20:12 at gayundin sa Bagong Tipan:
Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid.
Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako, upang yumaon kang
mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa" (Efeso 6:1-3). Ang paggalang sa ama at ina
ang tanging utos sa Kasulatan na may kasamang pangako ng pagkakaroon ng mahabang
buhay bilang gantimpala. Ang mga gumagalang sa kanilang mga magulang ay pinagpapala
(Jeremias 35:18-19). 

B. Pagtanaw ng utang na loob.

Hindi biro ang pinagdaanan ng mga magulang upang mapalaki ng wasto ang kanilang mga
anak. Sila ay dumaan sa hirap at iba pang mga balakid upang maitaguyod ang pamilya. Ang
pagtanaw ng utang na loob at pagkilala sa kabutihan ng ating mga magulang ang isa sa
maraming bagay na pwede nating gawin upang masuklian ang kanilang mga sakripisyo.
Inilalarawan sa akdang ito na dapat alalahanin ng anak ang mga paghihirap ng kanilang ama at
ina. Ito ay mapapansin sa mga linyang:

“Sukat mong ikabalisa

At gunitain tuwina

Hirap sakit na lahat na,

Pawang tiniis at binate

Ng iyong ama’t ina.”

Batay sa hanayan ni Enriquez (1992) tungkol sa mga halagahing Pilipino, ang utang na loob na
kahanay ng hiya at pakikisama ay mga umiiibaw o siyang lilitaw sa ating pag-aayon ng sarili sa
kapwa. Ayon din kay Alejo (1990), ang utang na loob ay ang pagkilala sa kagandahang-loob na
ipinakita nga kapwa, ito ay hindi nababayaran kundi tinatanaw o kinikilala. Mas mabuting
sabihing “sinusuklian ito” at hindi “binabayaran”.

C. Pagmamahal na walang kapantay

Kahit anong gawin ng anak, walang makahihigit sa pagmamahal ng isang magulang. Ang mga
nagawang kabutihan ng ating mga magulang ay walang katumbas na halaga dito sa mundo.
Ang pagihirap nila ay hindi matatapatan ng anumang materyal na bagay dito sa mundo. Ang
mga nagawa ng anak ay malayo sa mga nagawa ng kaniyang mga magulang. Ang konseptong
moralidad na ito ay mababasa natin sa mga linyang:

“Kahima’t tadtarin mo

Ang laman mo’t sampung buto

Sampung tanang balahibo

Di sapat ibayad mo

Sa mga hirap sa iyo.”

Ang kabuuang moralidad ng mga linyang nabanggit sa itaas ay ang pagpapahalaga,


pagrespeto, at pagpapasalamat sa mga taong nakagawa sa atin ng kabutihan. Nararapat na
isipin ang magandang nagawa nito sa sarili lalo na sa mga taong dapat paglaannan ng
pasasalamat. Bilang Pilipino, ang birtud na ito ay isa sa mga katangiang binibigyang lubos na
pagpapahalaga dahil kinikilala ang kabutihan ng kapawa lalo na sa oras ng pangangailangan.
Ang pasasalamat at pagrespeto ay iilan lamang sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino.
Naipakikitaito sa utang na loob. Nangyayari ang utang na loob sa panahong ginawan ka
ngkabutihan ng iyong kapwa. Ito ay ang pagkilala at pagtugon sa kabutihang ginawang kapwa
sa iyo lalo na sa oras ng matinding pangangailangan. Ayon kay Fr. AlbertE. Alejo, S.J., ang
utang na loob ay lumalalim kapag ang tumanggap ng biyaya opabuya mula sa sinuman ay
nakadarama ng matinding pananagutang mahirap tumbasan lalo sa panahon ng kagipitan. Ang
pagtanaw sa mabuting kalooban ng ibang tao ay maaaring matumbasan ng pagganti rin ng
mabuting kalooban sa iba.

METODOLOHIYA

Nilalayon ng pagsusuring ito na matuklasan ang iba’t ibang konseptong moralidad o


pagpapahalaga at magbigay aral sa mga mambabasa tungkol sa mga temang ito na
nakapaloob sa akdang “Pasyon” na isinulat ni Padre Pilapil sa pamamagitan ng pagsusuring
nilalaman. Ginamit na batayan sa pagsusuri ang teoryang moralistiko upang mabigyang
kahulugan ang mga tema ng pagpapahalaga at ilahad ang mga pamantayang sumusukat sa
moralidad ng isnag tao.

Ang mga taludtod na tinalakay dito ay ibinigay ng propesor at ang siyang pinagbasehan ng
pagsusuring ginawa. Ito ay isang bahagi lamang ng dasal sa panahon ng Mahal na Araw at ang
pagsusuring ito ay hindi na sumasakop sa kabuuang konteksto at pagpapakahulugan ng buong
akda.

Tinitiyak ng papel na ito na mabigyng-kahulugan ang magagandang asal na nais iparating ng


akda ayon sa mga sumusunod na aspeto: Mga tungkulin ng mag-asawa, relasyon ng magulang
at mga anak, at pamumuhay sa mundo.

References:

Enriquez, V.G. (1992). From colonial to liberation psychology: The Philippine Experience.
Quezon City: University of the Philippines Press. Bagong edisyon, Manila: De La Salle
University Press, 1994.
Alejo, A.E. (1990). Tao po! Tuloy! Isang landas ng pag-unawa sa loob ng tao. Quezon City:
Office of Research and Publications, Ateneo de Manila University. Binagong edisyon, 1992.

You might also like