You are on page 1of 2

SALAMISIM

Ni: Bb. Ederlinda E. Aguirre.

Mga Taga-Efeso 6:1-3

Tagubilin sa mga Anak

[1]Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang kaisa ng Panginoon, sapagkat ito ang
nararapat.

[2]Igalang mo ang iyong ama at ina. Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong

[3]Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa.

Marahil natatandaan mo pa nang sabihin ng iyong ina na Huwag mong hawakan ang
kalan. Mainit iyan. at ng iyong ama na Huwag kang pupunta sa ilog. Mapanganib doon. at
Tumingin ka muna sa kaliwat kanan bago ka tumawid.

Ang pagiging masunurin sa inyong mga magulang ay matuwid- tama at angkop, sa


kadahilang kayong mga kabataan ay kailangang bigyang-babala sa mga maaring maging
panganib sa inyong buhay, ngunit minsan ay nakalulungkot na isipin na may mga anak na
nasasaktan o napapahamak dahil sa hindi pagsunod sa magulang .

Kapag dinidisiplina ka ng iyong mga magulang, ipinakikita lamang nila na ibig nila ang
pinakamabuti para sa iyo at lubos ang pagmamahal nila sa iyo . Hindi bat nakalulungkot kung
hindi ka gayon kamahal ng iyong mga magulang anupat wala silang panahon at pagsisikap na
disiplinahin ka? Totoo, walang disiplina ang waring sa kasalukuyan ay nakagagalak, kundi
nakapipighati; gayunman pagkatapos doon sa mga sinanay nito ay nagluluwal ito ng
mapayapang bunga, samakatuwid nga, ng katuwiran.Hebreo 12:7-11.

Ngunit habang inuutusan tayo ng Diyos na sundin ang ating mga magulang hindi natin
dapat na gayahin ang kanilang mga makasalanang gawa. Kung pinapagawa ng isang magulang
ang kanyang anak ng isang bagay na malinaw na sumasalungat sa utos ng Diyos kagaya ng
pagnanakaw, pagmamalabis sa kapwa, pagpatay, hindi pagrespeto sa kapwa at pagsisinungaling,
nararapat na sundin ang Diyos sa halip na ang kanyang magulang. Kaya naman pagkatapos
sabihing maging masunurin kayo sa inyong mga magulang, idinagdag ng Bibliya ang
pananalitang kaisa ng Panginoon. Ang ibig sabihin nito, susundin mo ang iyong mga magulang
sa lahat ng bagay na nakaayon sa mga utos ng Diyos.

Sa salitang Griyego ang "paggalang" ay nangangahulugan ng "pagpipitagan at


pagpapahalaga." , ito ay ang pagpapakita ng respeto sa kanila sa salita at sa gawa at pagkakaroon
ng mataas na pagtingin sa kanilang posisyon bilang mga magulang. Sa talatang ito ang salitang
paggalang ay isang pandiwa na nangangailangan ng tamang aksyon. Igalang natin ang
kanilang mga sinasabing kahilingan at disisyon maging ito man ay kanilang sinasabi o hindi.
Dapat nating pagsikapan na igalang ang ating mga magulang kung paanong nagsisikap
tayo na makapagbigay luwalahati sa Diyos sa ating pagiisip, salita at gawa.

Ang paggalang sa ama at ina ay utos sa Kasulatan na may kasamang pangako ng


pagkakaroon ng mahabang buhay bilang gantimpala. Hindi palalampasin ng Diyos ang mga
taong hindi gumagalang sa kanilang mga magulang. Kung nais nating bigyang kasiyahan ang
Diyos at pagpalain Niya tayo, dapat lagi natin itong isapuso at isa-isip. Ito ay hindi madali, hindi
laging masaya at hindi natin makakayanan sa pamamagitan lang ng ating sariling lakas. Ngunit
ito ay isang tiyak na landas upang makamit ang ating layunin sa buhay - ang magbigay lugod sa
Diyos. Ang mga gumagalang sa kanilang mga magulang ay pinagpapala (Jeremias 35:18-19)

Sa paggawa nito ay napapaligaya mo ang iyong mga magulang, at ipapakita naman nila
ito sayo sa paraang higit na magpapaligaya sayo. Ngunit higit na mahalaga, napaliligaya mo ang
iyong makalangit na Ama at gagantimpalaan ka Niya sa maraming kamangha-manghang paraan.

You might also like