You are on page 1of 2

Ecclesiastico 3: 1-31

Tungkulin sa Magulang
1 Mga anak, ako'y inyong ama, kaya makinig kayo.
Gawin ninyo ito, at di kayo mapapahamak.

2 Sapagkat ang mga ama ay binigyan ng


Panginoon ng kapangyarihan sa mga anak,
at iniuutos niya na sundin ng mga anak ang kanilang
ina.

3 Ang gumagalang sa kanyang ama'y nagbabayad na


sa kanyang kasalanan,

4 at ang nagpaparangal sa kanyang ina'y parang nag-


iimpok ng kayamanan.

5 Ang gumagalang sa kanyang ama'y


paliligayahin naman ng kanyang mga anak,
at ang panalangin niya'y agad diringgin ng Panginoon.

6 Pahahabain ng Diyos ang buhay ng nagpaparangal


sa kanyang mga magulang---
siya na sumusunod sa Panginoon.

7 Ang may paggalang sa Panginoong Diyos


ay gumagalang sa kanyang mga magulang,
at pinaglilingkuran niya ang kanyang magulang na
parang panginoon niya.

8 Igalang mo ang iyong ama sa salita at sa gawa,


upang sumaiyo ang kanyang pagpapala.

9 Pinatatatag ng pagpapala ng isang ama ang


pamumuhay ng mga anak,
ngunit ito ay sinisira ng sumpa ng isang ina.
10 Huwag mong ipagkakalat ang kahihiyan ng iyong
ama,
sapagkat ang kanyang kahihiyan ay hindi mo
ikararangal.

11 Ikararangal ng sinuman ang gumalang sa kanyang


ama,
at kahihiyan ng mga anak ang di gumalang sa
kanilang ina.

12 Anak, kalingain mo ang iyong ama kapag siya'y


matanda na,
at huwag mo siyang dudulutan ng sama ng loob
habang nabubuhay.

13 Pagpaumanhinan mo siya kapag nanlalabo na ang


kanyang isip;
huwag mo siyang lalapastanganin
ngayong nasa kasibulan ka na ng iyong lakas.

14 Ang paglingap mo sa iyong ama ay di malilimutan,


iyan ay magiging kabayaran sa iyong mga kasalanan.

15 Ang ginawa mo sa iyong ama ay aalalahanin ng


Panginoon,
at ang mga kasalanan mo'y matutunaw na parang yelo
pagdating ng tag-init.

16 Ang sinumang magpabaya sa kanyang ama


ay para nang lumapastangan sa Diyos,
at ang gumagawa ng ikagagalit ng ina'y susumpain ng
Panginoon
God is Good all the time!
Prayer is the best weapon:
Godbless

You might also like