You are on page 1of 6

Fellowship of Christian Community Feb, 25, 2024

Title: Ang Hindi Magmamaliw na Pag-ibig ng Diyos


Text: Lucas 15:11-24

11
Sinabi pa ni Jesus, “May isang tao na may dalawang anak na lalaki. 12 Sinabi
sa kanya ng bunso, ‘Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.’ At hinati
nga ng ama ang kanyang ari-arian. 13 Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili [a] ng
bunso ang kanyang bahagi at nagpunta sa malayong lupain. Nilustay niya roon sa
mga bisyo ang lahat niyang kayamanan. 14 Nang maubos na ito, nagkaroon ng
matinding taggutom sa lupaing iyon, kaya't siya'y nagsimulang
maghirap. 15 Namasukan siya sa isang tagaroon, at siya'y pinagtrabaho nito sa isang
babuyan. 16 Sa tindi ng kanyang gutom, at dahil sa wala namang nagbibigay sa
kanya ng pagkain, halos kainin na niya ang mga pinagbalatan ng mga
bungangkahoy na pinapakain sa mga baboy. 17 Ngunit napag-isip-isip niya ang
kanyang ginawa at nasabi niya sa sarili, ‘Labis-labis ang pagkain ng mga alila ng
aking ama, samantalang ako'y namamatay dito sa gutom! 18 Babalik ako sa aking
ama at sasabihin ko sa kanya, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. 19 Hindi
na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong
isa sa inyong mga alila.”’ 20 At siya'y nagpasyang umuwi sa kanila. “Malayo pa'y
natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo siyang
sinalubong, niyakap, at hinalikan. 21 Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa
Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’ 22 Ngunit
tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Dali! Kunin ninyo ang pinakamagandang
damit at bihisan ninyo siya! Suotan ninyo siya ng singsing at ng
sandalyas. 23 Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo'y kumain at
magdiwang. 24 Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay;
nawala, ngunit muling natagpuan.’ At sila nga'y nagdiwang.

1
I). Ang Makatarungang Pag-ibig ng Diyos.V11-12

11
Sinabi pa ni Jesus, “May isang tao na may dalawang anak na lalaki. 12 Sinabi
sa kanya ng bunso, ‘Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.’ At hinati
nga ng ama ang kanyang ari-arian.

18
Ngunit si Yahweh ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan;
sapagkat si Yahweh ay Diyos na makatarungan;
mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya.
Isaiah 30:18

23
Ang Diyos ay tunay na makapangyarihan, kaya walang makalapit sa kanyang
kinalalagyan. Siya ay tapat at makatarungan sa pakikitungo sa sangkatauhan.
Job 37:23

16
Hahanapin ko ang nawawala, ibabalik ang nalalayo, hihilutin ang napilay,
palalakasin ang mahihina, ngunit pupuksain [a] ko ang mga malulusog at malalakas.
Ibibigay ko sa kanila ang katarungan
Ezekiel
34:16

2
II). Ang Walang kondisyong Pag-ibig ng Diyos.
13
Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili[a] ng bunso ang kanyang bahagi at nagpunta sa
malayong lupain. Nilustay niya roon sa mga bisyo ang lahat niyang kayamanan. 14 Nang maubos
na ito, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, kaya't siya'y nagsimulang
maghirap. 15 Namasukan siya sa isang tagaroon, at siya'y pinagtrabaho nito sa isang
babuyan. 16 Sa tindi ng kanyang gutom, at dahil sa wala namang nagbibigay sa kanya ng pagkain,
halos kainin na niya ang mga pinagbalatan ng mga bungangkahoy na pinapakain sa mga
baboy. 17 Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa at nasabi niya sa sarili, ‘Labis-labis
ang pagkain ng mga alila ng aking ama, samantalang ako'y namamatay dito sa gutom! 18 Babalik
ako sa aking ama at sasabihin ko sa kanya, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. 19 Hindi
na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong
mga alila.”’

3 Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag
tayong mga anak ng Diyos, at iyon nga ang totoo. Ang dahilan kung bakit hindi
tayo nakikilala ng mga makasanlibutan ay hindi nila kinikilala ang Diyos.
1Juan 3:1

9
Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang
kanyang kaisa-isang Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan
niya. 10 Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya
at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang
ating mga kasalanan
1Juan 4:9-10

13
Ang pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa
kanyang mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila.
Juan 15:13

3
III). Ang Mahabaging Pag-ibig ng Diyos. V20

20
At siya'y nagpasyang umuwi sa kanila. “Malayo pa'y natanaw na siya ng
kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo siyang sinalubong, niyakap, at
hinalikan.

4
Subalit napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa
atin. 5 Tayo'y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo'y mga patay pa dahil sa
ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang-loob.
Efeso 2:4-5

5
iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang
habag sa atin. Tayo'y iniligtas niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo na naghugas
sa atin upang tayo'y ipanganak na muli at magkaroon ng bagong buhay.
Tito 3:5

.
15
Ang ating Pinakapunong Paring ito ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan
sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan, subalit kailanma'y hindi siya
nagkasala. 16 Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging
Diyos upang makamtan natin ang habag at pagpapala na tutulong sa atin sa
panahon ng ating pangangailangan.
Hebreo 4:15-16

IV). Ang Magpatawad na Pag-ibig ng Diyos. V22-24


4
22
Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Dali! Kunin ninyo ang
pinakamagandang damit at bihisan ninyo siya! Suotan ninyo siya ng singsing at ng
sandalyas. 23 Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo'y kumain at
magdiwang. 24 Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay;
nawala, ngunit muling natagpuan.’ At sila nga'y nagdiwang.

7
Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo at pinatawad ang
ating mga kasalanan. Ganoon kasagana ang kanyang kagandahang-loob

Efeso 1:7

28
sapagkat ito ang aking dugo na katibayan ng tipan[c] ng Diyos. Ito ang aking
dugong ibinubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng marami.

Mateo 26:28

3
Ang lahat kong kasalana'y siya ang nagpapatawad,
at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat .
4
Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,
at pinagpapala ako sa pag-ibig niya't habag.

Awit 103:2-3

Conclusion

5
5 Ang bawat sumasampalataya na si Jesus ang siyang Cristo ay anak ng Diyos.
At ang sinumang umiibig sa ama ay umiibig din sa anak. 2 Ito ang palatandaang
iniibig natin ang mga anak ng Diyos: kung iniibig natin ang Diyos at tinutupad ang
kanyang mga utos, 3 sapagkat ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang pagtupad sa
kanyang mga utos. Hindi naman napakahirap sundin ang kanyang mga
utos, 4 sapagkat napapagtagumpayan ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at
nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya. 5 Sino ang
nagtatagumpay laban sa sanlibutan? Ang sumasampalataya na si Jesus ang Anak
ng Diyos.

1Juan 5:1-5

To God be the glory!!!!!

AMEN!!!!

God bless!!!

You might also like