You are on page 1of 2

Deuteronomio 8:2-3

At iyong aalalahanin ang buong paraan na ipinatnubay sa iyo ng


Panginoon mong Dios nitong apat na pung taon sa ilang, upang kaniyang
mapangumbaba ka, at subukin ka, na maalaman kung ano ang nasa iyong
puso, kung iyong gaganapin ang kaniyang mga utos o hindi. 3 At ikaw ay
pinapangumbaba niya, at pinapagdamdam ka niya ng gutom, at pinakain
ka niya ng mana, na hindi mo nakilala, ni nakilala ng iyong mga magulang;
upang kaniyang maipakilala sa iyo na hindi lamang sa tinapay nabubuhay
ang tao, kundi sa bawa't bagay na nagmumula sa bibig ng Panginoon.

Mateo 6:21
21Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon
ang iyong puso.

Mateo 7:9-11
anong tao sa inyo, ang kung siya'y hingan ng tinapay ng kaniyang anak, ay
bato ang ibibigay; 10 O kung hingan siya ng isda, ay bibigyan niya ng
ahas? 11 Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong
mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya
ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa
nagsisihingi sa kaniya?

Jeremiah 29:11
Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng
Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa
kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.

Habakkuk 2:3
Sapagka't ang pangitain ay sa panahong takda pa, at nagmamadali sa
pagkatapos, at hindi magbubulaan: bagaman nagluluwat ay hintayin mo;
sapagka't walang pagsalang darating, hindi magtatagal.

You might also like